TRAVIS
"You don't look okay." I worriedly said to her.
"Ayos lang ako," Sagot niya sa akin at binigyan ako ng mabilis na halik sa labi. "Medyo masama lang ang pakiramdam ko pero ayos lang talaga ako, um-effect na rin yung pinainom mo sa aking paracetamol." She smiled to me.
"Sabi ko naman kasi sa 'yo, 'Wag mo nang gawin ang mga gawaing bahay. Ako nang bahala don." Sabi ko sa kanya at saka pinunasan ang pawis niya.
"Naglinis lang naman ako kahapon pero, mamaya ay magpapahinga na muna ako.."
"Huwag muna kaya akong pumasok?" I asked her.
"Ano ka ba naman?! 2nd day mo pa lang aabsent ka na. Okay nga lang ako.." Mabilis na sabi niya.
Tumango ako at inilapit ang labi ko sa noo niya. "Maaga akong uuwi ngayon kapag walang schedule ang boss ko."
"Basta, Okay ako at huwag ka mag-alala sa akin."
Napahinga na lang ako ng malalim at wala nang magawa kung hindi ang tumango na lang.
"I love you more than anything," I quickly said.
Napangiti ako nang makita kong kinilig si Kara sa sinabi ko, "I love you too! H'wag kang mambababae ah! Lagot ka sa akin!"
Napahagalpak ako ng tawa nang kurutin niya na naman ang pisngi ko. "Ikaw lang ang babae ko."
"Siguraduhin mo ah!"
Tumango ako at muling hinalikan ang pisngi niya. I love her, even to death. Kahit siguro hanggang katapusan ko ay mamahalin ko pa rin siya, at wala na akong ibang babaeng mamahalin bukod sa kanya.
Para sa akin, Hindi ko na dapat na pakawalan pa si Kara. Hindi na dapat dahil hindi ko kakayanin. Sobra-sobra na ang pagmamahal ko sa kanya, na 'yung tipong walang katapusan na.
Nag-commute lang ako papunta sa bayan. Sa katunayan ay hindi ako sanay sa pagco-commute. Aaminin ko, noong unang naranasan kong mag-isang mag-commute noong naghahanap ako ng trabaho last week ay nahirapan talaga ako. Hindi pala talaga ganoong kadali ang mamasahe.
"Hi Travis!" I smiled when Laine greeted on me.
Si Laine ay ang secretary ni Ma'am George. "An'dyan na si Ma'am George, Laine?"
"Yes! Actually, hinihintay ka na niya. May pupuntahan sa Centennial Ave. si Ma'am."
Tumango ako at kumatok na sa opisina ni Ma'am at saka binuksan na rin ang pintuan. "Good Morning po." Ngumiti ako at bahagyang yumuko nang batiin ko si Ma'am.
"May imi-meet ako sa Centennial."
Magiliw akong tumango sa kanya, at kinuha ang susi ng sasakyan sa may mesa niya. Pero bago ko pa maialis ang kamay ko ay hinawakan na niya ito. "Travis, may girlfriend ka na?" She asked me.
Mabilis kong binawi ang kamay ko, "Yup."
Si Ma'am George ay nasa early 30's na yata. I don't know if exactly 30 or more. Wala siyang asawa. Paano ko nalaman? Ma-kwento kasi si Ma'am kapag nasa biyahe kaming dalawa.
"Ahhh.. Okay."
Hindi ko na siya inimik pa. Tumayo na si Ma'am at lumabas na ng opisina. Sumunod naman ako sa kanya hanggang sa makarating kami sa parking area. "Sa Centennial Ave mo ako dalhin ah? Katabi lang iyon ng Jollibee sa may City hall."
Tumango ako at pina-andar na ang sasakyan.
Sa kalagitnaan ng biyahe ay saka ako tinanong ni Ma'am. "Bakit nga pala tinanggap mo na rin ang pagiging Driver? You said na Electronics and Communications Engineer graduate ka?"
BINABASA MO ANG
WITH LOVE (Completed)
Fiksi UmumWomanizer 6: One word to describe, Travis. He is a WOMANIZER. Ni-hindi na nga siya naniniwala sa tunay na pag-ibig, not until he met Kara. A-16 years old na katulong sa bahay nila, maganda ito at well-sexy at ang pinaka-paborito niya ay may magandan...