"Hindi ka pwedeng mag-paalam sa Mama mo, Kara. Hindi pwede.." Mahinang sabi ni Travis habang mahigpit na hawak-hawak ang kaliwang kamay ko.
Kasalukuyan akong nasa kwarto ni Travis at ginagamot ang sugat sa labi niya. "Eh, paano 'yan. Magagalit sa akin si Mama." Sabi ko pagkatapos kong itapon sa trash can ang bulak.
"Wala namang nagtatanan na nagpapaalam, Kara.." Sabi ni Travis.
"Pero wala akong pera..." Sabi ko. "Eight hundred nga lang yata ang pera ko na natira sa bahay." Sabi ko ba.
Tumunghay si Travis at pagkatapos ay saka ako niyakap. Ganyan na siya simula pa kanina. Lambing siya ng lambing na tila may ginawa siyang kasalanan sa akin. "May naipon akong pera. Sapat na siguro 'yon sa atin.."
Tulad ng napag-usapan namin ni Travis ay uuwi muna ako sa bahay namin, pero bago pa ako makababa ay naabutan ko pa si Ma'am Lizette. "Kara. Napatagal ka yata kay Travis? Nagmumukmok pa rin ba ang lokong iyon?"
Umiling ako bilang sagot. "Hindi po, Ma'am.."
Tumango naman sa akin si Ma'am Lizette. "Tumawag ba si Liezel?" Tanong niya.
Mabilis na nilabas ko ang cellphone ni Ma'am Lizette na nailagay ko pala sa bulsa ko. "Hindi po. Hinintay ko nga rin pong tumawag.."
"Okay sige. Salamat Kara.." Aniya nang maiabot ko sa kanya ang cellphone. "Gabi na pala, Umuwi ka na sa inyo at magpahinga.."
"Opo.."
Nang makauwi ako sa bahay ay hindi ko na naabutan pang gising sila Mama. Bago pa ako makapasok sa kwarto ko ay nag-vibrate na ang cellphone ko.
You ready?
Nang mabasa ko ang text ni Travis ay agad akong nag-reply.
Aayusin ko lang ang mga gamit ko.
Mabilis kinuha ko ang mga gamit ko at inilagay sa bag ko. Lahat ng mga importanteng bagay ay isinuksok ko sa bag ko.
Ngayon, buo na ang desisyon kong sasama na ako kay Travis. Buong-buo na rin ang pasya ko.
Napadako ang tingin ko sa inhaler na nasa tabi ng electricfan. Kinuha ko ang inhaler at mabilis na inilagay 'yon sa bag ko.
Nasa likod ako ng bahay niyo.
Text sa akin ni Travis nang buksan ko ang cellphone ko. Binitbit ko na palabas ang bag ko at nakita ko nga si Travis na lilingon-lingon sa paligid. Dalawang malaking bag ang dala niya, at nang makita niya ako ay agad niya ring kinuha ang malaking bag na bitbit ko, pero umangal ako dahil mabigat na ang dala-dala niya, pero nagpumilit pa rin siyang bitbitin na rin ang bag ko kaya wala na rin akong nagawa pa.
"Tara na.." Hinawakan niya ang kamay ko at nag-umpisa na kaming maglakad.
"Maglalakad lang tayo papuntang sakayan ng tricycle. Hindi ko kasi pwedeng dalhin ang sasakyan ko." Aniya. Naintindihan ko naman ang nais niyang iparating. Hindi niya pwedeng dalhing ang sasakyan niya dahil baka ma-trace pa kami.
"Hindi ko alam kung saan tayo pupunta.." Wala sa sariling sabi ko nang makasakay kami ng tricycle.
"Pre. Sa may terminal lang," Ani Travis sa Driver ng tricycle.
"Magtiwala ka lang sakin, Kara.." Sabi ni travis at mahigpit na hinawakan ang kamay ko.
Nakarating kami sa may bus terminal bandang ala una ng madaling araw. Kakaunti na lang ang mga sasakyan sa kalsada kaya hindi na ganoong ka-traffic.
Sinakyan namin ang bus papuntang Cabanatuan. Nang makaupo kami sa upuan sa may bandang likod ng bus ay inilabas ni Travis ang wallet niya. Wala akong nakitang kahit na anong credit card sa kanya. Siguro ay iniwan niya ang mga iyon.
BINABASA MO ANG
WITH LOVE (Completed)
General FictionWomanizer 6: One word to describe, Travis. He is a WOMANIZER. Ni-hindi na nga siya naniniwala sa tunay na pag-ibig, not until he met Kara. A-16 years old na katulong sa bahay nila, maganda ito at well-sexy at ang pinaka-paborito niya ay may magandan...