Kabanata 35

38.9K 880 172
                                    

"Grabe! Nakakalungkot talaga 'yung Train to busan, Mama!"

Sinalubong ako ng mahihigpit na yakap ng dalawang anak ko, "Bakit naman nakakalungkot?" Tanong ko kay Kristian habang seryosong umupo na lamang sa tabi ko.

Si Kristofer naman ay may binabasang libro sa bandang kaliwa ko. "Kasi naging zombie 'yung bida! Namatay tuloy siya!"

Hindi naman na ako nakasagot sa sinabi ni Kristian dahil wala rin naman akong naiintindihan. Hindi ko pa kasi napapanuod. "Kuya! Payag ka maging zombie ka tapos kakagatin mo ako?" Biglang tanong ni Kristian sa kapatid niya,

"Ayoko! Kasi kapatid kita eh!" Mabilis na sagot ni Kristofer na nagpangiti sa akin, "Kakagatin ko 'yung nag-aaway sa 'yo pati kay Mama!"

Tumayo na ako at dumiretso sa kusina upang maipaghanda na nang makakain ang dalawa. Dinner time na kasi at nagluto ako ng paborito rin nilang sinigang kani-kanina lamang.

Bandang ala-singko nang maka-uwi ako rito sa bahay. Naging normal naman para sa akin ang kalahating araw ko sa trabaho. Simula kasi noong makita ko si Travis at nang babae niya sa mismong opisina ay umalis na 'rin naman siya, pagkatapos niya kasi akong pagalitan ay umalis ma rin siya kasama ng babae niya.

Tuluyan na nga talaga siyang nagbago

Marahil matagal na panahon ang pitong taon kaya nakalimutan niya talaga ang lahat sa amin. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin pala kayang takasan ang sakit sa nakaraan, Ang hirap pa 'rin pala talaga.

Napapaisip 'rin talaga ako kung paano ko masasabi sa mga anak ko ang tungkol sa Papa nila. "Kristian kasi! H'wag ka magulo!"

"Bakit ka ba kasi nagbabasa ng book na 'yan? Pangit kaya 'yan! Mas maganda kung magba-basketball tayo!"

Ininaba ko ang hawak kong tatlongp plato sa lamesa at tinawag si Kristian, "Kristian, Halika muna dito, H'wag mo muna guluhin ang kuya mo diyan."

Mayamaya lamang ay naramdaman ko na si Kristian sa tabi ko at pinapanuod ang ginagawa ko. "Mama, bakit kaya mahilig sa books si Kuya? Tapos, lagi pa siyang tahimik."

Napangiti naman ako at pinisil ang pisngi ng anak ko, "Ganiyan talaga si Kuya mo. Tahimik. Ikaw kasi maingay ka eh," Natatawang sabi ko sa kanya, "Pero parehas naman kayong gwapo ni Kuya mo eh."

Mas lalo akong napangiti nang pinahaba pa niya ang nguso niya, "Pero mas gwapo ako 'di ba, Mama?"

Napatango na lamang ako at muling pinisil ang pisngi ng anak ko, "Ikaw talaga! Kahit kailan ka talaga!" Natatawa pa 'ring sabi ko, "Tawagin mo muna si Kuya mo, para makakain na tayong tatlo." Sabi ko pa.

Tumango na lamang siya at sinunod na ang sinabi ko, pinuntahan na niya ang kuya niya sa salas at mayamaya lamang ay nasa nandito na sila sa harapan ko.

Masaya kaming tatlo na kumakain. Panay lamang ang pagke-kwento ni Kristian sa kapatid niya, "Mama! Alam mo ba, may nagkakagusto kay Kris sa school?" Napa-kunot ang noo ko at ibinaling ang aking paningin kay Kristian.

"Kuya! Ano ba?!"

"Sino naman ang nagkakagusto kay Kris, baby?" Tanong ko kay Kristofer.

Uminom naman ng tubig si Kristofer bago niya ako sinagot. Si kristian naman ay tahimik na nakayuko na lamang sa tabi niya, "Si Selena, Mama! Sabi nga sa akin ni Kris, type niya daw 'yon kasi malaki 'yung boobs eh."

"Ha?" Tila nagpintig naman ang tainga ko sa aking narinig. Napabuntong hininga ako at binalingan naman ng tingin si Kristian na ngayon ay nakayuko pa 'rin. "Kristian, tumingin ka sa 'kin."

WITH LOVE (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon