Kabanata 21

35.9K 644 16
                                    


Maaga akong nagising para maipagluto ng pang-almusal si Travis na ngayon ay nakahilata pa rin sa kama.

"Travis, bumangon ka na diyan. Seven ang pasok mo 'di ba?" Sabi ko, sabay tingin sa wall clock.

May aala-sais na rin ng umaga.

"Five minutes." Tinatamad na sabi niya sabay tihaya ng higa.

Kagabi kasi, hindi makatulog si Travis. Pagalaw-galaw kasi siya at paikot-ikot siya sa kama. Ganyan naman siguro siya, hindi lang siya sanay na walang aircon ang tinutulugan niya.

Bandang alas-onse nga ng gabi ay naabutan ko pa siyang pinapaypayan ako at pati na rin ang sarili niya kahit na may aircon naman.

Init na init talaga siya kagabi.

Hindi rin nagtagal ay tunayo na rin si Travis at kumain na ng almusal niya, kasabay ako.

"Nainitan ka kagabi, ano?"

Hindi naman siya sumagot, sa halip ay sinubuan na lang ako ng kanin. "Mainit talaga, at saka basa ng pawis ang likod mo kagabi kaya pinunasan ko ang likod mo." Aniya

Hindi ko naman maiwasang hindi kiligin sa sinabi niya, tama siya. Paulit-ulit niya ngang tsine-check kagabi kung pinapawisan nga ako.

"Mamaya, H'wag ka na magpupuyat." Paalala ko sa kanya, "May trabaho ka na at masama sa 'yo ang magpuyat."

Tumango siya at saka nagpatuloy na sa pagkain pero mayamaya lang ay nagsalita na siya, . "Kara..."

Itinaas ko ang paningin ko sa kanya, kunot lamang ang noo niya habang seryosong nakatingin sa akin.

"Pasensya ka na kung ganito ang buhay mo ngayon..." Saglit siyang napahinga ng malalalim. "Pipilitin kong maghanap pa ng extra na trabaho ko, para mas maging sapat sa atin ang sasahurin ko.."

"Ano ka ba naman, hindi ko pinagsisisihan na sumama ako sa 'yo...." Saad ko, napansin ko ang bahagyang pagngiti niya,

"Hindi ko rin naman pinagsisisihan na maitanan kita.."

"Ano ba ang dahilan mo at bakit tayo nagtanan?" Wala sa sariling tanong ko,

Matagal-tagal bago siya nakasagot. "Mahirap ipaliwanag, Kara at mahihirapan ka ring intindihin. Basta ang mahalaga ay magkasama tayo, 'yung tayo lang, 'yung walang kokontra,." Aniya, at saka tumayo. Lumipat siya ng upo sa tabi ko.

"Mahal naman natin ang isa't-isa eh," Aniya pa.

"Mahal kita, Travis." Ngumiti ako at hinawakan ang kamay niyang nakapatong sa mesa. "Kaya nga ako sumama sa 'yo eh.."

"Sa ngayon, kailangan ko munang makaipon ng pera para sa ating dalawa,"

"Pero h'wag mong papagurin ng sobra ang sarili mo." Sabi ko.

Humikab siya at saka niya ako inakbayan. "Alam mo, mas lalo kitang minamahal kapag nag-aalala ka talaga sa akin eh. Mas lalo akong nahuhulog sa 'yo." Napangiti siya sabay haplos sa pisngi ko. "Basta Mahal kita, at kahit anong mangyari, mahal kita."

Ngumuso ako nang kurutin niya na naman ang pisngi ko, "Kara. Stop pouting your lips." Aniya habang ngumingiti, "Nate-temp kasi akong halikan,"

Matapos naming kumain ay saglit na nagpahinga muna si Travis.

"Kara. Please make sure na you will be safe." Ani Travis nang makaupo ako sa tabi niya, "Hindi ko maiwasang hindi mag-alala lalo na kapag hindi kita kasama."

"Opo."

"And don't forget to text me," Bilin pa niya, "Kung pwede lang na bawat minuto mo akong balitaan kung okay ka lang ay ayos na sa akin."

"Ang O.A naman kapag bawat minuto akong nag-text sa'yo.." Natatawang sabi ko.

"Para kasi masigurado ko kung okay ka lang talaga,"

"Okay, Ite-text kita pero hindi maya't maya! Baka mamaya maka-abala pa ako sa trabaho mo mahirap na."

Sinara ko ang zipper ng bag ni Travis na ngayon ay nakasukbit na sa likod niya. "Kara, 'yung bilin ko sa 'yo.."

"Oo na, 'yung bintana isasara ko.."

"Ano pa?"

"At saka huwag pala akong magpalipas ng gutom..." Sabi ko pa.

"And?" Tanong niya,

Bahagyang napakunot ang noo ko pero saglit lang 'yon. "Ahhh! Oo, wala akong lalaking kakausapin bukod sa 'yo at wala akong ibang lalaking mamahalin bukod sa 'yo.." Pasimple pa akong napakagat sa labi nang masabi ko 'yon.

"Good."

"Basta, ikaw din ah! No girls allowed!"

Ngumiti siya at saka mabilis akong hinalikan sa labi, "I love you so much. Baby.."

Matapos makaalis ni Travis ay saka ako umupo sa sofa at nagpunas ng pawis. Kanina pa masama ang pakiramdam ko pero hindi ko masabi-sabi kay Travis.

WITH LOVE (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon