Kabanata 14

38.5K 801 40
                                    


Dumaan pa ang ilang mga araw ay mas lalong nagiging sweet sa akin si Travis. Araw-araw ko pa ngang napapansin kung gaano niya ipinapakita ang effort para lang maligawan ako ng mabuti. Aaminin ko, sa bawat araw na lumilipas ay mas lalo lang akong nahuhulog sa kanya.

Katulad na lang ngayon.

"Flowers na naman?" Tanong ko at saka tinanggap ang bulaklak na ibinigay niya sa akin.

Sumilay ang mapuputi niyang ngipin nang ngumiti siya sa akin. "Red roses again, for you lady."

Hindi ko maiwasang hindi mapangiti. Pasimple ko pang inamoy ang hawak kong boquet ng red roses.

"Thank you, pero naiiwan ko rin naman sa sasakyan mo ang roses na ibinibigay mo sa akin araw-araw." Napanguso ako.

Totoo 'yun. Lagi ko kasing iniiwan sa sasakyan niya ang mga bulaklak na ibinibigay niya sa akin. Iniiwan ko dahil, ayoko namang isipin ni Mama na hindi ko inuuna ang pag-aaral ko. Tiyak ako, na kapag nakita niya ang mga bulaklak sa akin ay mag-iisip na naman siyang mga kung anu-ano.

Napag-usapan na rin naman namin ni Travis ang tungkol doon. Sumang-ayon pa nga sa akin si Travis. Mas gusto pa nga ni Travis na kung sana ay walang makakaalam na iba bukod sa aming dalawa na nililigawan nga niya ako.

"Okay lang 'yan. Ayaw mo 'nun? Napupuno na ng roses ang kwarto nating dalawa." Ngisi niya sabay kuha sa bag na dala ko. Kakatapos lang kasi ng klase at ngayon ay sinusundo naman ako ni Travis.

"Wow? Kwarto natin ah?" Pagak akong napatawa.

"Oo kaya, di 'ba. Kwarto mo na rin naman 'yung kwarto ko?"

Hindi ko talaga maiwasang hindi mapangiti. Tama nga ang sinasabi ni Trabis, halos nagiging kwarto ko na rin ang kwarto niya dahil kadalasan noya akong pinapatulog doon. Ipinagpapaalam na lang niya ako kay Mama na maglilinis at mag-oovernight na sa mansyon nila Travis dahil may extra room naman daw.

Kasalukuyan kaming naglalakad patungo sa carpark nang muli siyang magsalita sa tabi ko. Wala kasi akong mga teachers, dahil may seminar pala sila ngayon.

"Naiwan mo nga pala 'yung napkin mo sa kwarto." Dire-diretsong sabi niya.

Halos mapatigil ako mula sa paglalakad at halos mamutla ang buo kong katawan sa sinabi niya. Oo nga pala! "Monthly period mo nga pala ngayon no?"

Pasimple pa akong napakagat sa labi dala ng hiya. Nakakahiya talaga! Baka mamaya, maturn off pa sa akin si Travis.

"O-Oo.."

"Bumili ako ng maraming napkins sa convenience store, tama ba 'yung whisper with wings?"

Muli akong napatango. Papano niya nalaman na ganon nga ang ginagamit ko?

"Bakit ka pa bumili? Eh meron naman akong stock sa bahay."

"Syempre, para pag nasa bahay ka. Meron ka ring stock 'don." Aniya, "Masakit ba puson mo?"

"Hindi naman gaano."

Kahapon ay talagang masakit ang puson ko pero ngayon ay hindi naman na gaanong masakit.

Pagkasakay namin sa sasakyan ay agad niyang pinaandar ang makina. Habang binabaybay namain ang daan patungo sa bahay nila ay bigla siyang nagsalita. "Gusto mo bang mawala ang sakit ng puson mo?"

WITH LOVE (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon