"Mama! Wala na po ako lagnat!" Malakas na sabi ni Kristofer.Napahinga naman ako ng malalim at sinalubong ang yakap niya. Kagigising lang nilang dalawa ni Kristian, "Buti naman at galing na si Baby ko," Sabi ko.
"Opo! Ayoko na kasi uminom nung panget na lasa na gamot! Ano ba tawag 'don, Mama?"
"Paracetamol?"
"Ayun!" Sabi niya at binalingan ng tingin si Kristian na ngayon ay nanunuod na ng t.v "Ayoko 'non! Panget lasa at saka sabi ni Kris, Matulog lang daw ako para gumaling na ako."
"Talaga?" Tanong ko sabay kalong sa kanya.
Tumango naman siya, "Di 'ba, kapag nagkakasakit si Kris natutulog siya? Kaya dapat ganun din ako!"
Napatawa naman ako at ginulo ng kaunti ang buhok niya. "Basta ayoko na magkakasakit kayo ni Kris ah?"
"Sige, Mama!"
Naghanda na ako para sa pananghalian. Mayamaya rin kasi ay dadating na si Travis para mag-stay na muna dito. Umuwi na muna kasi siya sa bahay niya at kumuha ng ilan pang mga damit niya.
"Mama! Ano pala 'yung ligaw?" Tanong ni Kristian habang tinutulungan akong kumuha ng mga plato.
Si Kristofer naman ay kumukuha ng mga baso.
"Ligaw? Bakit mo naman naitanong?"
Tumango-tango naman si Kristian habang nakatingin sa akin, "Sabi kasi ni Papa! Liligawan niya daw si Mama! Eh di 'ba ikaw si Mama?"
Wala ako sa sariling napangiti at saka kinurot ang pisngi ng anak ko. Mayamaya ay biglang may kumatok kaya napatahimik kaming tatlo sa loob ng bahay.
"Sino 'yan?" Tanong ko.
Binuksan ko ang pintuan at may sumalubong sa aking babae na halos doble ang edad sa akin. Napakunot ang noo ko nang makita ko ang mukha niya.
Napaka-pamilyar sa akin ng mukha niya pero hindi ko maalala kung saan at kung paano ko siya nakita.
"S-Sino po sila?"
"Ikaw ba si Kara?" Napakalamig ng boses niya na tila may binabantaan.
Napahinga naman ako ng malalim bago tumango. "Ako nga po," Magalang na sabi ko.
Sinalubong ko ng tingin ang babae na seryoso lamang ang mga matang nakatitig sa akin. Binalot ng kaba ang dibdib ko pero hindi ko na inalintana pa iyon.
"Mama! Wala pa si Papa?" Halos mapatalon ako sa gulat nang hawakan ni Kristian ang laylayan ng suot kong damit. Napakunot pa ang noo ko nang makita ko ang test paper nilang dalawa ni Kristofer sa school nila. "Papakita kasi namin kay Papa 'yung test namin ni Kuya, eh."
"Ahh baby--" Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko dahil nang muki kong balingan ang babaeng kanina lang ay nasa harapan ko'y ngayon ay mabilis na nawala na.
"Mama, bakit?" Tanong pa sa akin ni Kristian.
Napa-iling na lamang ako at muling isinara ang pintuan ng bahay.
"Baby, gutom na kayo?" Tanong ko sa kanilang dalawa.
"Hindi pa po, Mama! Hintayin pa kasi natin si Papa para sabay-sabay tayo kumain." Ani Kristofer, napatango naman ako.
Nanuod na muna kami ng t.v at hindi rin naman nagtagal dahil mayamaya'y may kumatok na sa pintuan. "Mama! si Papa na yata iyon!"
BINABASA MO ANG
WITH LOVE (Completed)
General FictionWomanizer 6: One word to describe, Travis. He is a WOMANIZER. Ni-hindi na nga siya naniniwala sa tunay na pag-ibig, not until he met Kara. A-16 years old na katulong sa bahay nila, maganda ito at well-sexy at ang pinaka-paborito niya ay may magandan...