Kabanata 44

40K 851 119
                                    

"Papa! Bakit ka inaaway ni Sir Zach kanina? At saka, Papa mo pala siya?" Tanong ni Kristian habang karga-karga siya ni Travis. Si Kristofer naman ay kalong-kalong ko habang natutulog, medyo masama kasi ang pakiramdam ni Kristofer kaya nakatulog na agad.

"Yes baby."

"Ah.." Tumatango-tangong sabi ni Kristian, "Kaya pala kayo magkamukha ni Sir Zach.." Sabi pa niya.

Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Travis, "Oo, kaya nga kamukha ko din kayo ni Kuya mo, kasi anak ko din kayo."

"Ahh. Ganon pala 'yon, Papa?"

Pauwi kami ngayon sa bahay namin. Medyo sumasama kasi ang pakiramdam ni Kristofer kaya nagpasya ako na iuwi na ang mga bata.

Bago kami umuwi ay kinausap pa ako ni Sir Zach. Humingi lamang siya ng pasensya sa akin, nadala lang daw kasi siya dahil sa sobrang galit niya sa anak niya at pagkatapos ay sinabi niya rin na gusto niya 'ring maka-kulitan ang dalawang apo niya. Ang sabi ko sa kanya ay pwede naman siyang bumisita sa bahay namin.

Kasalukuyang nagmamaneho si Travis habang si Kristian naman ay naglalaro sa back seat. Si Kristofer kasi ay kalong-kalong ko pa rin hanggang ngayon.

"Papa? Pano pala magka-baby?"

Napakunot ang noo ko sa biglaang tanong na iyon ni Kristian, bumaling ako ng tingin sa kanya. "Kristian, tumahimik ka na diyan." Sabi ko sa kanya.

Napanguso lamang siya at hindi na sumagot, narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Travis sa tabi ko.

"Kid, bawal ka pa mag-baby kasi kid ka pa.." Natatawang sabi ni Travis.

Napa-iling na lamang ako, habang tinitignan ang paligid.

Nang makarating kami sa may kanto malapit sa aming bahay ay bumaba na kami mula sa sasakyan. Tulog pa rin si Krostofer habang si Kristian naman ay lumapit sa akin.

"Ako na muna," Ani Travis sa akin sabay kuha kay Kristofer. "Nilalagnat pala si Kristofer," Dabi niya habang pinupunasan niya ang noo ni Kristofer.

"Pinainom ko na siya ng gamot kanina,"

Habang naglalakad kami palapit sa aming bahay ay namataan ko si Melvin na tila may hinihintay sa may bandang harapan ng bahay.

Sumilay ang mga puti niyang ngipin nang makita niya ako ako pero agad 'rin namang nawala 'yon nang makita niya si Travis sa tabi ko.

"Hi, Tito Melvin!" Ani Kristian sabay lapit kay Melvin.

"Hi, Kris."

"Melvin, Kanina ka pa?" Tanong ko sa kanya.

Umiling naman siya at saka mabilis na pinisil ang pisngi ni Kristian, "Bibisitahin ko sana 'yung dalawa kaso wala naman pala kayo dito."

Bahagya akong napangiti. "Pasensya ka na. Sinundo ko kasi sila sa school nila tapos galing pa ako sa office," Sabi ko sa kanya.

Tumango naman siya. "Bakit mo nga pala siya kasama?" Tanong niya habang seryoso lamang ang tingin sa akin.

Mariin akong napalunok bago sumagot, pero magsasalita na sana ako nang biglang magsalita si Kristian. "Tito Melvin! Nandito nga pala si Papa!" Masayang sabi ni Kristian sabay turo kay Travis na ngayon ay seryoso na 'rin ang mukha habang karga-karga si Kristofer.

"Pare..."

Muli akong napalunok nang batiin ni Melvin si Travis. Tumango lamang si Travis at saka ako inakbayan. Nagulat ako sa ginawa niya.

WITH LOVE (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon