Kabanata 37

37K 874 87
                                    

"Kara. Sabi sa akin ni Attorney ay nilalagnat si Travis. Hindi ka na 'raw nakakapunta? May problema ba?"

Mariin akong napapikit at napabuga sa hangin bago magsalita. Kausap ko kasi sa cellphone si Sir Zach.

Dalawang araw na 'rin kasi akong hindi pumupunta sa presinto, wala na 'rin naman akong balita dahil ngayon lang ako natawagan ni Sir.

"Pwede na kasing makalabas si Travis ngayon, pauwi na 'rin kami ni Lizette at mamaya na ang flight namin pauwi." Sabi ni Sir Zach mula sa kabilang linya, "Kung pwede sana eh, paki-check muna si Trav habang wala pa kami diyan."

"S-Sige po. Ihahatid ko lang po ang dalawang bata sa school nila at pagkatapos ay pupunta na 'rin po ako sa presinto." Sagot ko.

"Salamat, Kara."

Sinilip ko ang dalawa na naglalaro sa may salas, ibinaba ko na ang cellphone ko at saka lumapit sa kanila.

"H'wag na kayo magpapawis ah? Naka-uniform na kayo." Sabi ko sa kanila.

"Mama! Wala ba talagang Part two 'yung Train to busan? Sabi kasi ni Kuya, meron daw!"

Bahagyang napakunot ang noo ko pero saglit lamang iyon, "Train to busan? Eh 'diba, hindi pa nga napapanuod ni Mama 'yon."

"Mama! Panuorin mo na kasi!" Sabi ni Kristofer, sabay abot sa akin ng CD. "Kristian! H'wag na lang tayo pumasok kaya? Panuorin nalang ulit natin 'to?"

Nawala naman ang ngiti ko sa sinabi ni Kristofer, "Halika na kayo, hindi kayo pwedeng um-absent." Sabi ko sa kanilang dalawa.

Sumakay kami sa tricycle patungo sa school ng dalawa. Panay nga ang paglalaro nila habang nakasakay sa tricycle kaya sinuway ko na, "Kristian, Kristofer, H'wag naman makulit oh."

Napatigil naman ang dalawa nang mapansin nilang seryoso na talaga ako, "Bakit Mama? Galit ka na ba?" Tanong ni Kristian.

"H'wag lang kayo makulit kasi puro pawis na kayo," Sabi ko sa kanila at isa-isang pinunasan ang likod nila. "Ayoko lang naman na matuyuan kayo ng pawis para hindi kayo magkasakit,"

Tumango naman silang dalawa at sabay akong hinalikan sa pisngi, "Sorry, Mama!"

Nang makarating kami sa eskwelahan ay agad akong nagpaalam sa dalawa, nakatanggap kasi ako ng text na galing kay Atty. Pwede ko na 'raw samahan si Travis palabas ng presinto.

Sumakay agad ako ng jeep patungo sa istasyon. Manilis lang naman ang biyahe kaya wala pa yatang fifteen minutes ay nakarating na 'rin naman agad ako.

Una kong namataan si Melvin na nakaupo lamang sa isang silya. Napansin niya 'rin naman ako at agad niya naman akong nilapitan, "Susunduin mo na si Santos?" Tanong niya.

Tumango naman ako.

"Masama 'raw ang pakiramdam ng isang 'yon pero ayaw namang magpadala sa hospital." Sabi pa niya.

"Eh, pwede na naman siyang makalabas kaya sa tingin ko ay kaya niya na naman,"

"Samahan na kita sa loob," Sabi pa niya at saka niya ako inakbayan.

Habang naglalakad papasok sa loob ay hindi ko maiwasang hindi mailang lalo na nang mas lumapit pa si Melvin sa akin habang akbay-akbay ako, "Miss ko na ahad ang dalawang bata," Sabi niya habang nakangiti.

WITH LOVE (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon