"Galingan n'yo baby ah!" Sabi ko sa kanila at saka pinaulanan ng halik ang kanilang pisngi.
Nasa labas na kami ng kanilang classroom, "Opo! I love you, Mama!" Masiglang sabi sa akin ni Kristofer.
Muli akong napangiti at niyakap ang dalawang anak ko, "Kapag mataas ang scores n'yo mamaya, Ililibre kayo ni Mama sa Mcdo! 'Di ba, favorite ng dalawang baby ko 'yon?"
Unti-unting sumilay sa akin ang mapuputi nilang ngipin at mas lalo akong napangiti nang mag-apir pa sila sa aking harapan, "Kuya! Galingan na'tin ah?" Malakas na sabi ni Kristian sa kapatid niya.
"Galingan mo 'din dapat para may Mcdo tayo!"
Isa-isa kong iniabot ang bag nila, at pagkatapos ay nagpaalam na 'rin sa kanila. "Ba-bye, Mama!" Sabay nilang paalam sa akin.
Umalis na 'rin ako ng eskwelahan nang masigurado kong okay na sila sa klase nila. Kailangan ko 'ring dumiretso sa presinto dahil wala pa 'ring mag-aasikaso kay Travis.
Tumawag na naman kasi kaninang umaga sa akin si Sir Zach, at sabi niya sa akin ay huwag ko munang gawin ang trabaho ko sa opisina, sa halip ay puntahan ko na lamang si Travis sa presinto.
Naka-usap ko na 'rin ang abogado ni Travis. Mayroon siyang kaso na pwede namang mapiyandahan pero sa ngayon ay under investigation pa raw ang pending niyang case kaya hindi pa pwedeng makalaya si Travis.
Siguro ay bibilang pa ng isa hanggang dalawang araw pa, na mamamalagi sa kulungan si Travis.
Kagabi nang puntahan ko siya sa presinto ay hindi naging maganda ang naging takbo ng usapan namin, alam ko kasi na may galit na nararamdaman sa akin si Travis, kaya umuwi na lamang ako at hindi na nakipagtalo pa sa kanya.
Ayoko pa sanang dagdagan pati ang problema niya kung sakali man na makikipagtalo pa ako sa kanya. Naiintindihan ko naman siya, alam ko na mahirap ang sitwasyon kapag nasa loob ng kulungan kaya normal lang siguro na magalit.
Bago ako pumunta sa istasyon ay dumaan muna ako sa isang supermarket, Bumili ako ng tinapay at maiinom ni Travis sa loob. Dumaan 'rin ako sa McDo at nag-take out ng pagkain niya, hindi pa pala siya kumakain simula pa kagabi kaya nag-order din ako ng ilan pang extra rice para sa kanya.
Pagkarating ko sa Police station ay agad kong nakita si Melvin. Kausap niya ang ilan pang mga kasamahan niya at nang mamataan niya ako ay agad niya akong nilapitan.
"Dadalawin mo ulit ang boss mo?"
Tumango ako at iniabot sa kanya ang isang take-out 'rin galing sa McDo. "Dinalhan 'din kita ng pagkain mo, pasasalamat ko sa'yo dahil binantayan mo ang dalawang bata kagabi."
Napangiti siya habang tinatanggap ang bigay 'ko.
"Salamat, Kara."
Napabaling ang aking paningin sa selda at natanaw ko si Travis na mataman na nakatingin sa akin, "Ikaw? Kumain ka na ba? Gusto mo, sabay na tayo kumain?" Tanong sa akin ni Melvin.
Umiling na lamang ako at naglakad papasok kasabay niya, "Hindi na, kumain na kasi ako bago ko ihatid ang dalawa sa eskwelahan nila." Sagot ko.
Sinamahan ako ni Melvin hanggang sa makarating ako sa tapat ng selda. Naabutan ko pa si Travis na nakayuko lamang kahit na batid kong alam niya na nandito ako sa harapan niya.
"Santos. May dalaw ka."
Tuluyan nang itinaas ni Travis ang paningin niya akin. Hindi niya magawang ngumiti, tumayo lamang siya at umupo sa pwesto niya.
"Kara. Kapag may problema, tawagin mo lang ako ah?" Ngiting sabi sa akin ni Melvin.
"Oo, Salamat."
Umupo ako sa silya katapat ni Travis, may mesa sa pagitan naming dalawa kaya doon ko ipinatong lahat ng ipinamili ko para sa kanya.
Hanggang ngayon ay seryoso lamang siyang nakatingin sa akin, habang nakapangalumbaba. Parang may iniisip pero ibinalewala ko na lamang iyon, sa halip ay inasikaso ko ang ipinamili ko para sa kanya.
Nang tiyempong maka-alis si Melvin ay saka nagsalita si Travis. "Pulis na pala kinalolokohan mo ngayon?" May pag-ngising sabi niya habang hinahabol ng tingin si Melvin.
Bahagyang napakunot ang noo ko pero hindi ko na inalintana pa iyon, "Ahh alam ko na, Kaya mo pala ako iniwanan dahil sa pulis na 'yon no?" Sabi niya at saka tumango-tango pa.
Kinuha ko mula sa loob ng paper bag ang take-out galing sa Mcdo at ipinakita sa kanya 'yon. "Binilhan kita ng pagkain mo, kumain ka na." Sabi ko at saka inilapag sa harapan niya ang pagkain.
Hanggang ngayon ay hindi pa 'rin niya ako nilulubayan sa tingin niya kaya medyo naiilang na ako, Narinig ko pa ang pagngisi niya kaya pasimple ko pang tinignan ang laman ng pinamili ko.
"Naka-ilang boyfriend ka na?"
Napatigil ako at unti-unting itinaas ang paningin ko sakanya. Kinuha ko mula sa isa pang paper bag ang binili kong tinapay at inumin niya, "Binili 'rin kita ng tinapay in case na magutom ka ulit, may tubig ka 'r-"
Napatigil ako sa pagsasalita nang ngumisi siya sa akin, "Ganiyan ka ba sa mga lalaki mo? Ang sweet? Ang lamya? Parang virgin na virgin ah?"
Napalunok ako at ibinaba sa mesa ang ipinamili ko, "K-Kumain ka na, kagabi ka pa kasi hindi kumakain at-"
"Tang inang 'yan." Mahinang sabi niya at napa-iling-iling na lamang, "Ang landi mo. Putangina."
Napa-awang ang labi ko sa sinabi niya, hindi ko namalayan na unti-unti na palang bumabagsak ang mga traydor kong luha. "W-Wala akong boyfriend..." Napatigil ako sa aking pagsasalita at muling pinunasan ang luha ko, "Kung makapang-husga ka, akala mo napaka-perpekto mo. Parang ako pa ang may pinakamalaking kasalanan sa'yo. H-Hindi ko alam kung bakit galit na galit ka sa akin p-pero 'yung sabihan mo akong malandi?"
Muli kong pinahid ang mga luha ko, "Sige, sabihin mo na lahat ng gusto mong sabihin sa akin. Pokpok, kaladkaring babae, malanding babae. Sige, sabihin mo na lahat sa akin..." Kinuha ko na ang panyo mula sa bulsa ko at ipinahid sa mukha ko, "Alam ko sa sarili ko na mabuti at matino akong tao. Pero sige, isisi mo na 'rin ang lahat sa akin, iniwanan kita 'diba? Niloko kita 'diba? Sige, na sa akin na ang lahat ng sisi."
Muli kong pinahid ang luha ko at saka tumayo na, hindi na ako nararapat pa sa posisyon na ito: ayoko na.
"Ano? Aalis ka na?"
Hindi na ako sumagot pa sa tanong niya, maglalakad na sana ako paalis nang marinig ko siyang magsalita, "Sige alis na, diyan ka magaling eh."
BINABASA MO ANG
WITH LOVE (Completed)
General FictionWomanizer 6: One word to describe, Travis. He is a WOMANIZER. Ni-hindi na nga siya naniniwala sa tunay na pag-ibig, not until he met Kara. A-16 years old na katulong sa bahay nila, maganda ito at well-sexy at ang pinaka-paborito niya ay may magandan...