Kabanata 10

45.4K 874 58
                                    

"Kara.."

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong isagot sa kanya, tila naman kasi na-stuck ako mula sa kinape-pwestuhan ako.

Mabilis rin ang bawat pagtibok ng puso ko na para bang may kung anong naglalaro 'doon.

Muli akong napatingin sa mapupungay na mata ni Travis nang marinig ko siyang bumungong hininga.

"Okay sige, H'wag mo munang sagutin. Hindi naman kita minamadali." Aniya.

Naglakad na siya at ako naman ay tila na-stuck na sa kinatatayuan ko, hindi kasi makasink-in sa utak ko ang mga sinabi niya sa akin.

Ang akala ko eh, iiwanan na ako ni Travis dahil nauna na siyang naglakad pero nagkakamali pala ako. Nakita ko kasi siyang huminto sa harapan ng isang ice cream stall at saka bumili ng dalawa.

Natawa naman ako nang tingnan niya ako habang tinitikman niya ang isang ice cream na hawak niya.

Habang papalapit ako ay kinuha ko pa ang panyo ko mula sa bulsa ko, at pinunasan ko ang bibig ni Travis na may ice cream pa sa labi.

Natatawa pa ako dahil mukhang tuwang-tuwa pa siya habang pinupunasan ko siya.

"Ang kalat mo naman kumain ng ice cream." Natatawang sabi ko at saka kinuha ko naman ang ice cream na para sa akin.

"Favorite ko kasi ang Vanilla flavor eh," Aniya.

Itinuloy namin at nakakapanibago lang dahil parang sumobra yata ang kulit ni Travis sa tabi ko. Oo nga pala, Travis ang tawag ko sa kanya dahil ayaw naman niyang tawagin ko siyang "Sir" kaya sinunod ko nalang siya.

Tila ba hindi mapakali si Travis at para bang kiti-kiti sa tabi ko. Daldal pa ng daldal na para parang hindi mauubusan ng kung anu-anong mga kwento.

"Alam mo ba 'yung mga favorite kong pagkain? Ang favorite ko kasi na ulam ay Adobo, at saka alam mo 'yung tuyo? Ang sarap kaya kumain ng ganun lalo na kapag naulan, di 'ba?" Kwento ni Travis na sabay ko lang na naglalakad.

"Talaga, kumakain ka ng tuyo?" Halos di makapaniwalang tanong ko,

Kumunot pa ng bahagya ang noo ni Travis pero agad rin itong napalitan ng nakakalokong ngiti.

"Oo, favorite ko nga ang tuyo eh," Aniya,

Tumango-tango na lamang ako habang sabay kaming naglalakad,

"Ikaw, anong favorite mo na pagkain? Pwede bang Adobo at tuyo na lang din para parehas tayo ng gusto?" Tanong ni Travis.

Napahagalpak naman ako ng tawa. Hindi kasi ako makapaniwala sa kakulitang ipinapakita sa akin ni Travis. "Favorite ko ang tuyo, dahil kadalasan ganyan naman ang ulam namin." Natatawa pa ring sabi ko.

Totoo ang sinasabi ko, tuyo naman kasi ang kadalasang inuulam namin sa bahay nila Mama. Hindi lang ako makapaniwala na kumakain pala ng ganun si Travis kahit na mayaman ang pamilya niya.

"Mahilig ka ba magluto?" Tanong pa ni Travis.

Tumango naman ako.

"Eh, ano pa ang mga hilig mo? Gusto ko kasi sanang malaman." Tanong pa niya.

Saglit akong napatikhim at saka nagsalita. "Hilig ko ang magbasa dahil maraming libro ang kapatid ko, hilig ko rin ang manuod ng t.v dahil may idol ako 'don, kilala mo ba 'yung kathniel?" Tanong ko sa kanya.

WITH LOVE (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon