Kabanata 30

37.1K 701 68
                                    


"Why are you still awake?"

Agad akong napatayo mula sa pagkakaupo ko sa harap ng mesa. "Ginabi ka yata ulit? Anong oras na ah?" Sabi ko sabay pahapyaw na tumingin sa wall clock.

Pasado alas onse na ng gabi at ngayon lang nakauwi si Travis.

Sa halip na sagutin niya ang tanong ko ay nilapitan niya na lang ako at saka dapat akong hahalikan, pero agad akong napa-iwas nang maamoy ko ang alak sa bibig niya, "Napainom ka."

"Birthday kasi ni Kuya Joel. Niyaya ako na uminom sa kanila kaya ngayon lang ako nakauwi,"

"Kumain ka muna," Sabi ko sa kanya at dumiretso sa kusina para mai-ready ang maka-kain niya.

"Ayokong kumain." Aniya, "Bukas na lang siguro," Sabi pa niya.

Wala na akong nagawa pa kaya niligpit ko rin kaagad ang mga plato. Nauna na sa kwarto si Travis na mukhang lasing kaya nakatulog agad sa kama.

Muli akong napahinga nang malalim bago sumampa sa kama. Kagabi pa ako hindi makatulog ng maayos dahil lang sa nasaksihan ko kagabi, Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam at wala akong kaide-ideya kung sino ang kausap ni Travis sa telepono.

Kinaumagahan, naalimpungatan ako nang maramdaman ko ang kamay ni Travis na pumupulupot sa katawan ko, "Good morning, baby." Aniya kahit na papikit-pikit pa siya.

Wala ako sa sariling napangiti nang makita ko ang gwapo niyang mukha. Pinisil kong muli ang pisngi niya pero hindi naman siya nagrereklamo sa ginagawa ko. "Ang gwapo gwapo mo talaga.." Natutuwang sabi ko,

Tumawa lang si Travis at hindi na ako sinagot pa. Ilang minuto ko ring pinaglaruan ang oisngi niya hanggang sa magsawa ako kaya tumayo na ako at dumiretso sa kusina upang ipaghanda ng makakain si Travis, "Kumain ka ng marami ngayon ah. Hindi ka pa naman kumain kagabi," saad ko.

"Yes, baby."

Pagkatapos naming kumain ay saglit na nagpahinga si Travis, dahil kailangan na niyang maligo para makapag-biyahe na, Ako naman ay hinugasan ko na ang pinagkainan namin.

Matapos kong maghugas ay saka ako umupo sa sofa at doon nagpahinga. Nagulat na lang ako nang bigla kong maramdaman sa tabi ko si Travis na ngayon ay nakatapis pa rin ng tuwalya, "Baby, paisa naman oh..."

Naramdaman ko ang kamay niya na naglalakbay na sa dibdib ko. Bago pa makalapit ang mukha niya sa mukha ko ay agad akong napatayo, "Travis, anong oras na oh.." Turo ko sa orasan. "Wala ka nang makukuhang pasahero niyan," sabi ko sa kanya.

Napa-kamot na lang ng ulo si Travis at nagtungo na sa kwarto upang magbihis na.

"Kara, basta mamaya ah?" Paalala niya,

Kakatapos lang niyang magbihis sa kwarto at ngayon ay nakaharap na siya sa akin na tila maamong tupa, "Bahala na," Sagot ko,

Pasimple pa akong napangiti nang makita ko ang unti-unting pagsimangot niya sa harapan ko, "Naman oh! Sige na kasi!" Aniya at saka hinawakan ang baywang ko, "Basta mamaya...." Pangungulit pa niya.

Wala akong nagawa kung hindi ang tumango na lang siya. Nagpaalam na rin siya sa akin at tulad nga ng nakasanayan ay pinaalalahanan niya na naman ako na huwag magpapapasok ng kahit sino sa bahay na ito.

Nang maka-alis siya ay saka ako nagsimula sa gawaing bahay. Inumpisahan ko ng maglaba para bago mag-tanghali ay tapos na ako sa labahin ko.

WITH LOVE (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon