Kabanata 32

38.9K 852 123
                                    

Hindi mawala ang labis na pag-aalala sa mukha ko habang habol-habol ko ng tingin si Kristian na patakbo-takbo pa kasama ng iba pang mga kaklase niya.

Kakatapos ko lang maka-usapa ang Principal ng school dahil nakipag-away na naman si Kristian sa isa niyang kaklase.

Papalapit na ako sa kinaroroonan ng anak ko at agad niya naman akong namataan, kaya agad niya akong nilapitan at mabilis na niyakap. "Mama! Naglalaro na ako kasi tapos na kami sa test namin ni Teacher!" Masiglang sabi sa akin ng anak ko.

Maluwag naman akong napangiti habang pinupunasan ang pawis ng anak ko, "Eh di mabuti.." Sabi ko, kinuha naman ni Kristian ang towel na hawak ko at ipinunas sa may bandang tiyan niya. "Baby, sabi ko sa 'yo, 'di ba huwag ka na makikipag-away?" Kusang nawala ang ngiti ni Kristian at unti-unti nang napayuko.

"Mama, hindi naman po ako una nag-away eh."

"Kahit na, baby." Sabi ko habang haplos-haplos ang pisngi ng anak ko, "Masama pa rin ang nakikipag-away."

"S-Sorry, Mama..."

Napangiti naman ako at mabilis na kinalong si Kristian, "Basta, next time ah? Bawal na may kaaway, magagalit na si Mama.."

Tumango naman siya at saka pinunasan ang luha niya, "Si Kuya mo nga pala?"

Itinuro naman ni Kristian ang classroom nila, "Nasa loob pa si Kuya, Mama! Di pa siya tapos sa test kasi di ko kasi siya pinakopya."

Napailing naman ako at agad na sinundot ang tagiliran ng anak ko, "Anong sabi mo?"

Napatawa naman si Kristian habang kinikiliti siya sa tagiliran niya, "J-Joke lang, Mama!" Tumatawang sabi niya,

Hinintay muna namin ni Kristian ang kapatid niya sa may waiting shed. Umupo muna ako habang si Kristian naman ay naglalaro sa tabi ko, "Baby, mapapawisan ka na naman." Sabi ko sa kanya, tumigil naman siya at umupo na rin siya sa tabi ko.

Matapos ang ilang minuto ay lumabas na rin mula sa classroom si Kristofer. Agad namang sumilay ang ngiti sa labi ko nang lapitan agad ni Kristian ang kapatid niya at saka inakbayan. "Kuya? Bakit ang tagal mo?" Tanong ni Kristian kay Kristofer,

Bago sagutin ni Kristofer ang kapatid niya ay niyakap na muna niya ako at hinalikan pa ako sa pinsgi nang pumantay na ako sa kanila, "Ngayon lang ako natapos sa test, Kris." Napangusong sabi ni Kristofer sa kapatid niya.

Napangiti naman ako at pinunasan rin ang pawis ni Kristofer sa noo niya, "Baby, saan n'yo gustong kumain?"

"Ay, Mama! Gusto ko sa Pizza hut kasi masarap 'yung Pizza don! Ewan ko lang kay Kuya!" Mabilis na sabi sa akin ni Kristian.

Napabaling naman ang tingin ko kay Kristofer na ngayon ay tahimik na nakamasid sa aming dalawa ng kapatid niya, "Pizza?" Nakangiting tanong ko kay Kristofer,

Tumango naman siya at saka humikab. Mukhang inaantok na ang anak ko kaya kinuha ko na ang bag nilang dalawa at agad na isinukbit sa magkabilang-balikat ko.

"Okay, eh 'di Pizza hut tayo." Sabi ko,

Pumara kami ng tricycle nang makalabas kami sa eskwelahan nila. Sumakay na kami at nagpahatid patungo sa Pizza Hut. "Mama, tulog muna ako ah?" Sabi ni Kristofer nang makasakay kami sa tricycle.

Sumandal siya sa akin at ipinikit na ang mata, Si Kristian naman ay nakaupo sa tabi ko sa loob ng ticycle habang nakatingin lang sa dinadaanan namin.

WITH LOVE (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon