Naalimpungatan ako mula sa pagkakatulog nang makaramdam ako ng pangangalam ng sikmura ko. Pikit-mata ko pang kinukusot ang mata ko habang papungas-punas na tumayo, nandito pa pala ako sa unit ni Travis.
Palabas na ako ng kwarto nang bigla kong maalala na dapat ko pa palang sunduin ang mga anak ko galing sa eskwelahan nila. Agad akong naalarma dahil nang makita ko ang oras ay pasado alas dos na ng hapon.
Kinapa ko ang cellphone ko sa bulsa ko pero hindi ko naman maramdaman kaya agad din akong bumalik sa kwarto para tignan 'don ang cellphone ko, mabuti na lang at nakita ko sa may bedside table ang cellphone ko, siguro ay nailagay ko kanina rito ang cellphone ko.
Bago ko buksan ang cellphone ko ay nilingon ko muna ang paligid. Wala pala si Travis, wala naman akong ideya kung saan siya pumunta.
Teacher Rosie
Good Afternoon po, Ma'am. Uwian na po ng mga bata, nandito pa po sa waiting shed ang dalawa, kasama ko. Pwede n'yo na pong sunduin ang dalawang anak n'yo.
Mariin akong napapikit at naalarma nang mapansing kanina pa pala nai-open ang message. Wala naman akong naaalala na ginamit ko ang cellphone ko kanina, at wala 'rin akong kaide-ideya kung bakit napunta sa bedside table ang cellphone ko.
Agad akong lumabas palabas ng kwarto, at mabilis na nagtungo sa may bandang pintuan palabas ng unit. Bago ko pa mahawakan ang seradura ng pinto ay kusang bumukas na 'yon at sumalubong sa akin ang dalawang anak ko.
Mabilis na naghumerentado ang puso ko sa kaba nang makita ko sa gilid nila si Travis na seryoso lamang na nakatingin sa akin.
"Hi, Mama!"
Ilang beses pa akong napalunok habang naramdaman ko ang pagkakayakap ng dalawa sa akin, "Mama! Bakit pala, hindi ikaw nagsundo sa amin?" Tanong sa akin ni Kristian. "Sabi kasi ni.... Kuya, ano pala pangalan niya?" Tanong pa ni Kristian habang itinuturo si Travis.
Kibit-balikat namang sinagot si Kristofer ang kapatid niya, "Nakalimutan ko eh," Aniya at ibinaling ang tingin kay Travis. "Ano palang pangalan mo po?"
Muli akong napalunok at nakaramdam ng sobrang pagkakaba, nang itaas ko kasi ang paningin ko kay Travis ay nananatili lamang ang seryosong tingin niya sa akin,
"Mama! Alam mo ba? Sumakay kami sa car na maganda? Ang yaman pala niya? Mama! Gusto ko 'din ng sasakyan eh! Tapos, ang galing pa nga eh, bahay pala 'to?" Tanong pa ni Kristian habang panay ang pagtingin sa paligid. "Akala ko kasi building lang na maganda,"
"T-Tara uwi na tayo..."
Kahit nanginginig ay nagawa ko pa 'ring hawakan ang kamay nila at mabilis na naglakad pero bago pa kami tuluyang maka-alis ay naramdaman ko ang mahigpit na pagkakahawak ni Travis sa balikat ko.
Sa puntong ito, puno na ng galit ang sarili niya kaya nang muli ko siyang sulyapan ng tingin ay kita ko ang galit sa mga mata niya, bago pa ako makapagsalita ay kinaladkad na niya ako patungo sa kwarto niya.
Narinig ko ang malalakas na pagsigaw ng mga anak ko pero nang maisara na ni Travis ang pintuan ng kwarto ay doon bumakas ang labis na kaba sa akin, Nagulat pa ako nang mariin niyang hawakan ang magkabilang pisngi ko. Pakiramdam ko ay magdudugo na ang pisngi ko sa sobrang diin ng pagkakahawak niya.
"Why did you hide them from me?!" Galit niyang tanong sa akin. Kita ko ang panginginig ng labi niya kasabay ng pagtulo ng luha niya.
"N-Nasasaktan ako...." Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko dahil naramdaman ko ang palad niya sa pisngi ko, sobrang sakit ng pagkakasampal niya kaya kahit pagdaing ay hindi ko na nagawa, mariin niyang hinawakan ang buhok ko at isinandal pa ako sa dingding ng kwarto niya.
"Seven years?! Seven years mong itinago ang lahat?! Fuck you... Kung hindi ko pa malalaman ngayon ay hindi mo pa 'rin sasabihin sa akin ang lahat ganun ba?!"
Muli kong naramdaman ang mariing pagpisil niya sa pisngi ko, "N-Nasasaktan na po ako...."
Hindi ko maiwasang hindi mapaiyak dahil sa sakit ng ginawa niya sa akin, Nanlaki ang mata ko nang ambang susuntukun niya kaya napapikit na lamang ako at hinayaang lumabas ang mga luha ko, pero ilang segundo pa ang nakalipas ay naramdaman ko na ang dingding pala ang sinusuntok niya.
"Ganun na ba talaga ako kasama para itago mo pa ang lahat sa akin?!"
Napahakbang ako palayo sa kanya habang tuloy-tuloy pa 'rin siya sa pagsuntok sa pader. Nakita ko na nga ang pagdudugo ng kamay niya pero sa takot na ako ang pagbalingan ay mas lumayo pa ako sa kanya.
"Tangina?! Pitong taon akong nawalan! Pitong taon akong nagmukhang tanga!"
Mabilis kong pinunasan ang luha ko nang balingan niya ako ng tingin. Ngayon ay lumapit na siya sa akin at hinawakan ng mariin ang balikat ko. "Kukunin ko ang anak ko." Nanginginig sa galit na sabi niya, "Akin lang ang mga anak ko."
Nang bitawan niya ako ay agad akong lumayo sa kanya, binuksan ko ang pintuan at nakita ko ang dalawang anak ko na umiiyak. Agad ko silang dinaluhan at mabilis na niyakap. "M-Mama..."
Muli akong napapikit at hinawakan ng mariin ang kamay nila, "T-Tara, uwi na tayo baby."
BINABASA MO ANG
WITH LOVE (Completed)
General FictionWomanizer 6: One word to describe, Travis. He is a WOMANIZER. Ni-hindi na nga siya naniniwala sa tunay na pag-ibig, not until he met Kara. A-16 years old na katulong sa bahay nila, maganda ito at well-sexy at ang pinaka-paborito niya ay may magandan...