Kabanata 12

41.3K 861 77
                                    


"Akala ko talaga, hindi kita makikita ngayong araw." Sabi ko sa gitna ng biyahe namin.
Text naman ako ng text sa 'yo pero hindi ka naman nagrereply, akala ko nga napano ka na e," sabi ko pa habang diretso ang tingin sa hawak kong boquet ng bulaklak.

Nilingon ko si Travis na ngayon ay ngiti-ngiti habang nagmamaneho.

Pagak naman akong napatawa. May mood swings ba ang isang ito? Kanina lang ay bwisit na biwist siya pero ngayon tila maganda na ang mood niya.

"Makakalimutan ko ba ang araw na ito?" Aniya habang ang mga mata ay diretsong nakatingin sa kalsada.

"Paano mo nga pala nalaman na birthday ko?" Nagtatakang tanong ko, wala naman kasi akong naaalala na nabanggit ko ang araw ng aking kaarawan. Ang alam lang niya yata ay ang buwan.

Nginisian niya muna ako bago sumagot. "I have my ways."

Napatawa naman ako sa sinabi niya.

"Ikaw talaga! Baka mamaya kung anu-ano na pala nalalaman mo sa akin ah?"

"Hindi ah!"

"Sure ka?"

"Oo nga," Sabi pa niya.

Masaya siyang nagkwento habang nagmamaneho patungo sa Tagaytay. Noong una ay nag-alala ako nang malaman kong dadalhin pala niya ako sa rest house nila sa tagaytay dahil hindi naman ako nakapag-paalam kila Mama, pero ang sabi naman sa akin ni Travis ay naipagpaalam na raw niya ako dahil bago raw siya pumunta sa school ko ay dumaan daw muna siya sa bahay para maipagpaalam ako kay Mama. Hindi ko nga ulam kung bakit agad napapayag si Mama ng ganun-ganun lang.

Nalaman ko rin na busy si Travis sa trabaho niya sa Quezon City kaya hindi nakakauwi sa bahay si Travis. May condominium pala siya doon.

Mahirap naman kasi ang trabaho niya dahil habang wala ang Mommy at Daddy niya dahil ito ay nasa Amerika ay siya muna ang nag-aasikaso ng mga negosyo nila. Ang Kuya niya kasing si Troy ay hindi maaasahan sa trabahong pang mga negosyon, Arkitekto naman kasi ang kurso ni Troy at kasalukuyan pa siyang nag-aaral.

"Nag-alala pa naman ako sa 'yo, alalang-alala ako kung bakit hindi mo ako magawang tawagan o di naman kaya ay makapag-reply man lang sa text ko," Pag-aamin ko, napatawa lamang si Travis.

Napangiti na lamang ako habang tinititigan ang mukha niya. "Buto hindi ka naboboring sa condo mo?"

Ilang segundo pa bago makasagot si Travis. "Uhh Oo. Gabi na rin kasi ako umuuwi."

"Gabi na? Talagang nagpapakapagod ka pala ano?"

"Hindi naman. Nagpapahinga rin naman ako sa opisina eh."

"H'wag mo pagudin masyado sarili mo, baka mamaya ay bigla ka nalang magkasakit."

"Wow! Nag-aalala ka talaga sa akin?" Masayang sabi ni Travis at saka ibinaling saglit ang kanyang paningin sa akin. "Di bale, hindi naman ako nagpapakapagod ng husto, dahil ayoko namang nag-aalala ka."

----

Nakarating na rin kami sa Tagaytay at sa mga oras na ito ay isa lang ang tangi kong masasabi.

MAGANDA!

Maganda ang rest house nila Travis dito sa tagaytay! Napakalaki ng bahay na animo'y mansyon na rin sa sobrang laki. May sarili pa nga itong swimming pool sa may garden, at napaka-ganda rin ng loob. Lalo na ang mga ari-arian sa loob, dahan-dahan pa nga ang bawat pagkilos ko dahil baka makasira ako ng kung anong mga bagay sa napakagandang bahay na ito.

Kasalukuyan nga akong nasa kwarto, para magbihis. Si Travis kasi ay nasa labas dahil amy tumawag sa kanyang sa tingin ko ay empleyado niya, mukha pa ngang mainit ang ulo ni Travis habang kausap niya iyon sa telepono niya.

WITH LOVE (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon