"Sige na naman oh..." Sabi ni Travis.
Kanina pa siya ganyan, kanina pa siya ganyan ng ganyan. Paano ba naman kasi ay panay ang pangungulit niya na dapat iPhone 6S daw ang bibilhin niya sa akin. Ayoko namang pumayag dahil napakamahal ng presyo, nakakalula. Kahit simple at mumurahing cellphone ay okay lang naman sa akin.
"Okay na ako sa 3210 na nokia." Saad ko sabay turo sa estante ng mga cellphone na Nokia.
"Ayaw mo ba ng iPhone 6? Sige na kasi, para parehas tayo.." Aniya sabay lahad sa akin ng cellphone niya na katulad nang dapat na bibilhin niya para sa akin.
"Gusto ko kasi, parehas tayo ng cellphone para couple hehe.." Aniya habang natatawa, "I mean, parehas tayo ng cellphone, para maganda naman tignan." Sabi pa niya.
"Napakamahal naman po kasi ng iPhone 6S na sinasabi mo."
"Naman oh!! Sige na kasi!"
Bahagyang napakunot ang noo ko sa itsura niya. Kamot-kamot pa ang ulo kaya medyo natawa ako.
"Ikaw nga. Bahala ka, napakamahal naman kasi ng gusto mo."
"Yes!!" Ani Travis na halos mapatalon pa sa tabi ko.
Agad niyang binili ang iPhone na gusto niya para sa akin, akala ko nga ay okay na pero nagkakamali pala ako.
Mangungulit na naman pala si Travis.
"Sige na naman oh.. Gusto ko kasi 'yung parehas tayo ng case." Aniya habang pahaba ng pahaba ang nguso. Hindi ko maiwasang hindi mapatawa sa ipinapakita niya. Loko-loko talaga.
"Sige," Sabi ko, tutal ay hindi naman ako mananalo sa isang ito.
Habang busy sa pagpili si Travis ng case na para sa amin ay panay naman ang tingin sa akin ng sales lady, medyo naiilang tuloy ako.
"Ang cute n'yo naman pong dalawang mag-kuya." Ngiting sabi ng sales lady sa amin.
Napatigil si Travis sa kanyang ginagawa at ako naman ay tila nagulat sa sinabi ng Sales Lady.
Kuya??
"Hindi po kami mag-kuya." Sabi ko sa sales lady.
Naramdaman ko rin ang kamay ni Travis sa balikat ko. "Hindi ko to kapatid Miss, Liligawan ko nga to eh!"
Bigla-bigla ay tila nawalan ng kulay ang buong mukha ko.
Liligawan??! Ako??!!?
Nakaramdam naman ako ng kung anong kiliti sa tiyan ko. Ewan ko, pero kinikilig yata ako.
"Ay naku! Akala ko naman magkapatid po kayo." Sabi naman ng sales lady.
Napatikom nalang ako ng bibig ko at hinayaan nalang si Travis sa kung anong kalokohan na ginagawa niya.
Habang bumibili siya ng case ay tila nawawala naman ako sa sarili ko, paano ba naman kasi ay hindi ko makalimutan ang sinabi niya kanina. Para bang tumatak na sa isipan ko ang sinabi niya.
"Oh? Okay ka lang?" Tanong sa akin ni Travis matapos niyang makabili ng case.
Tumango naman ako. "Oo naman."
Habang naglalakad-kakad kami sa Mall ay hindi ko maiwasang hindi magtanong sa kanya, "Travis...."
"Yeah?"
"Totoo ba 'yung sinabi mo kanina 'don sa babae na, liligawan mo ako?" Tanong ko, halos mapapikit na ako sa hiyang naramdaman ko sa tanong na iyon.
Muli ko na namang naramdaman ang kamay niya sa balikat ko. "Uhhh.. Oo?"
Kahit kinikilig ay saka naman ako napakunot ng aking noo. "Oo?" Patanong na sabi ko, "Bakit parang hindi ka sigurado sa sinabi mo?" Tanong ko pa ulit sa kanya.
"Sure ako 'don.." Aniya at saka tumigil sa paglalakad kasabay ko at humarap sa akin. "Humahanap lang ako ng tiyempo na aminin sa'yo 'yon." Sabi pa niya, "Baka kasi ayaw mo sa akin.."
Tuluyan na talagang bumilis ang pagtibok ng puso ko. "B-Baka kasi ayaw ko sa'yo?" Nag-aalangang tanong ko.
Tumango naman siya.
"Bakit naman?"
Ngumuso ito at saka medyo lumayo ng kaunti sa akin, kamot-kamot pa niya ang ulo niya at saka itinuloy ang pagsasalita. "Eh di 'ba, unang kita mo pa lang sa akin turn off ka na?" Aniya, "Uhh.. I mean-di 'ba, nakita mo 'yung mga kalokohang ginagawa ko 'noon? Kaya naiisip ko na baka ayaw mo sa katulad ko, pero promise naman eh, nagbago na ako, nag-tatry naman na akong magbago." Sabi pa niya.
Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman. Basta lang na bumibilis ang tibok ng puso ko sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Para bang kapag kinakausap niya ako ay may kuryente akong nararamdaman sa katawan ko.
"Pinipilit ko naman na magbago na para sa'yo eh.." Saad niya,
hindi naman ako makapagsalita, hindi ko kasi alam ang sasabihin ko. Para bang napipipi ako na hindi ko malaman. Ahhh ewan
"K-Kara...."
Itinuon ko ang paningin ko sa kanya at ngayon ay seryoso na siyang nakatitig sa akin.
"Kara, gusto kita."
Sa sinabi niyang iyon, ay para bang may nagwala na mga kung ano sa loob ng tiyan ko. Ito na ba 'yung naririnig ko sa mga kapatid ko na pbb teens?
"Kara, Matagal ko nang gustong sabihin sa'yo na gusto kita.... Na liligawan kita.."
Bahagya akong napailing-iling.
"P-Pero, sixteen years old pa lang ako at ikaw ay twenty one na." Sabi ko, "Mahirap ako, tapos ikaw mayaman ka.."
"W-Wala namang problema 'don di 'ba?"
"H-Hindi ko alam.."
Lumapit pa siya sa akin at saka hinawakan ng dalawang kamay niya ang balikat ko. "Kara naman.. Nag-uumpisa pa lang ako oh..."
"P-Pero kasi...."
"Gusto mo ba ako?" Biglang tanong niya,
Ilang beses akong napalunok at saka muling lumapit pa siya nang mas malapit sa akin.
"Kara.. gusto mo ba ako??"
BINABASA MO ANG
WITH LOVE (Completed)
General FictionWomanizer 6: One word to describe, Travis. He is a WOMANIZER. Ni-hindi na nga siya naniniwala sa tunay na pag-ibig, not until he met Kara. A-16 years old na katulong sa bahay nila, maganda ito at well-sexy at ang pinaka-paborito niya ay may magandan...