Kabanata 17

37.1K 736 29
                                    


"Kara, bakit hindi ka pa sumabay sa aming kumain?" Napatingin ako kay Ma'am Lizette. Itinuro niya ang upuan na katabi ni Travis na tahimik na kumakain. "Sa tabi ka ni Travis-Zach! Ano ba?! H'wag kang makulit nakain tayo!"

Halos mapatawa naman ako sa nakita ko. Kanina ko pa kasi napapansin ang pangungulit ni Sir Zach kay Ma'am Lizette. Kakauwi lang kasi nila Ma'am at Sir dito sa bahay nila kaya Kumpleto sila ngayon at may kainan.

Nakita ko nga rin ang girlfriend ni Sir Troy, pero ang sabi naman niya ay 'Soon to be Girlfriend' niya raw si Ma'am Reign.

"Kara." Napabaling ang atensyon ko kay Travis. "Dito ka sa tabi ko."

Tumango ako at lumapit na rin sa tabi niya. "Kumain ka ng marami ah?" Aniya, pagkaupo ko. Siya na rin kasi ang naglagay ng mga pagkain sa plato ko. "Pagkatapos nating kumain, ihahatid nalang kita sa bahay n'yo ah?"

Muli akong tumango sa kanya. Hindi nga pala ako pwedeng matulog dito sa bahay nila dahil, nandito na ang mga magulang ni Travis. "Ako nalang kaya ang matulog sa inyo?"

Agad akong umiling sa sinabi niya. "Hindi ka pwede sa amin." Sabi ko. "Mas lalo kang mapapansin ng Mommy at Daddy mo niyan kapag sa amin ka pa natulog." Mahinang sabi ko pa at ipinagpatuloy na ang pagkain.

Hindi na sumagot pa si Travis hanggang sa matapos na kaming kumain.

Kukunin ko na sana ang mga hugasin dahil tapos na ang lahat na kumain nang mapansin ako ni Ma'am Lizette. "Kara. Si Manang na ang bahala diyan." Aniya. Ibinaba kong muli ang mga plato. "Sundan mo muna si Travis sa kwarto niya at tanungin mo, kung anong problema. Napakahirap kausapin ng anak kong 'yon!"

"Opo Ma'am..."

"Ito ang cellphone." Iniabot sa akin ni Ma'am Lizette ang cellphone na hawak niya. "Tatawag kamo si Liezel diyan." Sabi pa sa akin ni Ma'am.

"Sige po." Sagot ko.

Naglakad na ako at tumungo sa hagdanan paakyat, pero bago pa ako makarating doon ay madadaanan ko muna sila Sir Troy at ang Girlfriend niya. "Kara! San punta?" Masiglang bati sa akin ni Sir.

"Sa Kwarto lang po ni Sir Travis." Sabi ko at ipinakita ko pa sa kanya ang hawak kong cellphone ng Mama niya.

"Nasa taas din si Papa." Sabi pa niya. Kunot-noo ko lamang siyang tinignan. "Pinapagalitan yata si Travis eh," Kibit-balikat na sabi pa niya.

Naglalakad ako sa hagdanan paakyat nang makasalubong ko ang si Sir Zach na mukhang mainit pa ang ulo. Hindi kasi niya kasi ako pinansin tulad ng pangkaraniwan. Mukhang nagkakainitan nga sila ni Travis.

Hindi ko naman alam kung anong meron kay Travis. Hindi ko na namalayan na umakyat na pala siya sa kwarto niya pagkatapos niyang kumain. Hindi ko na napansin dahil maghuhugas na sana ako ng mga hugasin sa kusina.

Kumatok ako sa kwarto ng pintuan niya pero hindi naman binubuksan ni Travis ang pintuan, kaya nagpasaya akong buksan na lang ang pintuan.

"Travis..."

Hinanap ng aking tingin si Travis na nakaupo lang sa kama niya. Papalapit ako ng papalapit sa kanya nang bigla niya akong yakapin ng mahigpit.

"K-Kara.." Napatulala ako nang marinig ko ang pag-iyak niya habang yakap-yakap ako ng mahigpit.

"T-Travis, Bakit ka naiyak?"

Iling lamang ang isinasagot niya habang panay ang tulo ng luha niya sa balikat ko.

"K-Kara..." Nanlalamig ang kamay niyang hinawakan ang kamay ko at humarap sa akin.

Kita ko tuloy ang mukha ni Travis na umiiyak habang pulang-pula ang mukha. Nagtataka man, pero pinilit kong pakalmahin si Travis na nasa harapan ko.

"A-Ano bang problema mo?"

Muli siyang umiling at pinunasan ang dugo niya sa may labi niya. Sa parteng iyon siguro sinuntok ni Sir Zach ang anak niya.

"P-Please be with me...." Dinala niya ang kamay ko sa labi niya at pinaghahalikan ito. "Run away with me, Kara.."

*******

Author's Note: The next update will be publish (privately.) I't means, ang makakabasa lang ng next update ay yung mga followers ko lang, dahil may se.xual content ang next update. Ayoko kasing maireport ang story na ito katulad nung nangyari sa isa kong story. Ang mas worst eh, kapag wattpad pa mismo ang mag-delete sa With Love. (Ayoko mangyari yun!) Sana maintindihan n'yo ako.

WITH LOVE (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon