A/N: This is the last chapter, pero my epilogue pa naman. please try to understand the characters and scenario's. Maraming salamat sa lahat ng reads, votes and comments. Lahat ng iyon ay na-appreciate ko ng soba. Thank you so much mga tropapitz!
You can now read, Womanizer Series 7: (In The Name Of Love) so much thank you!
----------
"Travis!"
Nanlalaki ang mata kong tinitignan si Travis. Mariin akong napalunok ng ilang beses at nanginginig ang kamay kong hinawakan siya.
"T-Travis..."
Hinawakan ko ang kamay niya at dinala sa labi ko, "Ma'am! Tara na! Sibat na tayo! Ayan na ang mga parak!" Narinig kong sabi ng isang tauhan ni George sa kanya.
Napaiyak na lamang ako habang tinitignan ang duguan na si Travis sa harapan ko. Napahiga na siya sa semento at kita ko ang hirap niya sa nararamdaman niya,
"K-Kara..."
Mabilis ko siyang niyakap nang magsalita siya. "T-Travis.. Kinakabahan ako sa 'yo..." Napahagulgol na ako habang yakap-yakap ko siya.
"A-Aray.." Napa-daing siya. Marahil ay dala ng matinding sakit na nararamdaman niya.
"H'wag ka mag-alala. Parating na ang tutulong sa atin. Naririnig ko na 'yung tunog ng ambulansya." Ngiti ko sa kanya habang pinupunasan ang sunod-sunod na pagpatak ng pawis niya.
"K-Kara.."
"Travis!"
Nataranta ako nang makita kong tila mas lumala pa ang kalagayan niya. "T-Tahan ka na..."
Napa-iling na lamang ako habang hawak-hawak ang magkabila niyang kamay. "P-Paano ako tatahan kung ganiyan ka.."
"K-Kara.... May ibibigay sana ako sa 'yo.... Nasa bulsa ko eh..." Nahihirapan niyang sabi.
"Ano ka ba naman...." Muli kong dinala ang kamay niya sa labi ko. "H'wag ka na muna magsalita, okay? Mas mahihirapan ka kung pipilitin mo ang sarili mo." Pagpapakalma ko sa kanya.
Dahan-dahan siyang umiling at may pilit na kinuha sa bulsa niya pero hindi naman niya kinakaya kaya ako na lang ang kumuha sa bulsa niya, "Ano ba 'to.." Tanong ko nang makuha ko ang isang maliit na box.
"P-Pwede bang suotin mo na?" Nahihirapan pa niyang sabi. Napamura siya at muling napahawak sa may kanang dibdib niya.
Binuksan ko ang isang box na hawak ko at nakita ko ang isang singsing. Muling
bumuhos ang luha ko habang tinititigan ang singsing."W-Will you marry me?"
Muli akong napayakap sa kanya at mabilis na napatango ng paulit-ulit. Sinuot ko ang singsing kasabay ng muling pagpatak ng luha ko. Nang balingan ko ng tingin si Travis ay mas lalo pa siyang nanghihina.
"Travis!"
Marahan kong tinapik ang pisngi niya, Nataranta ako lalo na nang hindi niya idilat ang mata niya. "T-Travis... Idilat mo 'yang mata mo..." Sunod-sunod kong tinapik ang pisngi niya, "Magtatampo ako sa 'yo kapag hindi ka dumilat!"
"K-Kara..."
Nanginginig akong napangiti, "G-Ganiyan nga.... H'wag ka muna matutulog ah?"
Marahan naman siyang tumango.
"P-Pagod na ako."
"Travis!" Muli kong hinawakan ang pisngi niya, "K-Kayanin mo please? Malapit na ang tutulong sa atin..."
"Pwede bang kiss?" Nanghihinang sabi niya sabay turo sa lips niya, bahagya pa siyang napangiti.
"Kahit kailan ka talaga!" Natatawa ngunit kinakabahan na sabi ko, "Tigas talaga ng ulo mo eh, noh? Tapos pangiti-ngiti ka pa."
"S-Sige na.." Pagpupumilit niya at bakas ang hirap sa boses niya.
Marahan kong inilapit ang mukha ko sa kanya hanggang sa magdikit ang aming mga labi. Nalasahan ko mula sa labi niya ang dugo mula sa sugat niya, at hindi ko na naman inalintana pa iyon. Sumagot din siya sa halik ko.
"Travis.." Pinunasan ko ang luha niya na naglandas sa pisngi niya. "H'wag mo kaming iiwan, okay? Sabay pa nating palalakihin ang mga anak natin."
"K-Kahit naman mawala ako, lagi naman kitang babantayan.."
"Travis naman..." Muli kong pinunasan ang luha ko, "'Wag ka namang magsasalita ng ganiyan."
"K-Kara... Mahal na mahal ko kayo ng mga anak natin..." Hinawakan niya ang pisngi kong napuno na ng luha. "M-Mahal na mahal kita, Kara.." Aniya kasabay ng pagpikit ng kanyang mga mata. Bumagsak na rin ang kamay niya mula sa pisngi ko.
"Travis! Gumising ka!"
Panay ang paghalik ko sa ulo niya. "Tulong! Tulungan n'yo kami!" Nagsusumigaw na ako habang panay ang pagbuhos ng luha ko.Hindi ko namalayang sa kakaiyak ko ay inilalagay na pala sa stretcher si Travis. Hindi ko pa rin binibitawan ang kamay niya hanggang sa makarating kami sa ambulansiya.
"T-Travis.. Mahal na mahal din kita..." Panay ang pagbuhos ng luha ko habang pinipisil-pisil ang kamay niya. Hanggang ngayon ay pikit pa rin ang mata niya.
Nang makarating kami sa hospital ay panay lamang ang pagtapik ko sa pisngi niya, "T-Travis... Gumising ka... Nandito na tayo.."
Mabilis na lumapit ang ilang mga doktor at nurse sa amin, hinawakan ang kamay at nag-check ng pulse rate, pati na rin ng heart beat.
"He's dead on arrival."
BINABASA MO ANG
WITH LOVE (Completed)
General FictionWomanizer 6: One word to describe, Travis. He is a WOMANIZER. Ni-hindi na nga siya naniniwala sa tunay na pag-ibig, not until he met Kara. A-16 years old na katulong sa bahay nila, maganda ito at well-sexy at ang pinaka-paborito niya ay may magandan...