Kabanata 26

34.5K 667 25
                                    


Kinaumagahan bandang alas siete ng umaga ay naalimpungatan na ako. Nang ibaling ko ang paningin ko sa kabilang bahagi ng kama ay hindi ko na nakita pa na naroon pa si Travis.

Naka-amoy din ako ng tila nilulutong ulam sa may kusina. Malakas rin ang pakiramdam ko na si Travis ang naglututong iyon.

Bago pa ako makatayo ay pumasok na sa kwarto si Travis,

"Good morning," Bati niya.

Ngumiti siya at nakita ko pa ang sandok na hawak niya, "Pinagluluto kita ng paborito mong nilagang manok!"

Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit pero hindi ko naman magawa, naiisip ko rin kasi yung ginawa niya kasama ng babae niya. Masyado lang talagang masakit para sa akin 'yon.

"Happy monthsary!" Pahabol na sabi pa ni Travis,

Dumiretso muna ako sa banyo para maghilamos, pagkatapos 'non ay lumabas na ako at naabutan ko pa sa kusina si Travis na inaayos ang mga pagkain sa lamesa,

"Uhh-Kara, tapos na akong magluto. Upo ka na, kain na tayo.."

Sumunod naman ako sa sinabi niya, umupo na ako at tumambad nga sa akin ang mga pagkain sa lamesa. "Bakit may cake ulit?" Tanong ko nang makita ko ang mga nakahilera 'don. May chocolates pa. "Daming pera ah?"

"Uhh-kasi may natira pang pera sa akin at--"

"Saan galing ang pera mo?"

"K-Kay Aling Nelda kasi 'di ba--"

"Saan galing ang pera mo?"

"Kasi pinautang ako ni Aling Nelda kahapon--"

Napapikit ako at pagkatapos ay muling nagsalita, "Travis. Saan. Galing. Ang. Pera. Mo."

Napahawak si Travis sa ulo niya bago tumungo,

"K-Kara, kasi..."

"Kasi?"

Ramdam ko ang panginginig ng labi ko habang naghihintay ng maisasagot ni Travis,

"K-Kasi sobra 'yung pera na naibigay sa akin ni Ma'am kaya pinaghanda kita.."

"Ma'am mo?"

Tuluyan na akong napatayo at mariing pinunasan ang luha ko. "Ma'am mo pala ah!" Pagak akong napatawa habang ang mga luha ko ay patuloy na bumabagsak, "Ano? Ang sarap ba? Ilang beses n'yo kayang ginawa?"

"Kara!" Napatayo na si Travis at nagulat ako nang mariin niyang hinawakan ang braso ko. "Hindi ko nagugustuhan 'yang lumalabas sa bibig mo!"

"Bakit? Sa tingin mo gusto ko 'rin 'yang ginawa mo?" Tinabig ko ang kamay niya na nakahawak sa braso ko at muling pinunasan ang luha ko,

Nang muli kong balingan ng tingin si Travis ay iiling-iling na siya na tila ba hindi na rin malaman ang gagawin, "Kara, ginawa ko lang naman 'yon kasi wala na akong malalapitan! Ano sa tingin mo? Na lalapit ako kay Mama? Paano kung ginawa ko 'yon? Eh 'di pinalayo na nila ako sa 'yo!"

Napatakip na ako ng kamay ko sa mukha ko at tuluyan na akong napahagulgol. Sa kakaiyak ko, hindi ko namalayang yakap-yakap na pala ako ni Travis, "Ikaw lang ang nasa isip ko habang ginagawa ko 'yon sa ibang babae."

"T-Travis.. Hindi ko kasi kaya eh,"

"Ssssshhh..." Mas lalo akong napa-iyak nang muli akong halikan ni Travis sa pisngi ko, "Kahit ako, hindi ko kaya. Pero dahil sa 'yo, gagawin ko ang lahat para maging maayos ka.. Para gumaling ka.."

"T-Travis..."

"Tahan na po baby ko...."

Hindi ko maiwasang hindi mapangiti lalo na nang kurutin niya ang pisngi ko. "Kara, Mahal na mahal ka ng Travis mo, always remember that!"

---

Kasalukuyan akong naka-upo sa salas habang nanunuod ng T.V, si Travis naman ay tinatapos lang ang pinaplantsa niya sa kwarto. Sabi ko nga sa kanya kanina, ako nalang ang ma-ma-malantsa pero nagpumilit naman siya na siya nalang daw ang mamamalantsa at huwag na 'raw ako.

"Tao po.."

Napa-kunot ang noo ko nang makarinig ako ng boses ng ilang mga kalalakihan sa labas, tatayo na sana ako para tignan kung sino ang mga 'yon, pero naunahan na ako ni Travis.

"Pre!" Mas lalong napa-kunot ang noo ko, "Nanalo sa pustahan si Tisoy kanina! Libre niya daw! Inom tayo sa labas!"

Hininaan ko ang volume ng t.v para mas marinig ko ang usapan nila, kilala pala ni Travis ang mga iyon? Kapit-bahay namin ang dalawang lalaking iyon.

"Hindi ako pwede eh," napakamot pa sa batok si Travis,

"Siya na pala yung tinutukoy mong girlfriend mo?" Tanong ng isang lalaki kay Travis sabay turo sa akin.

"Oo pre," Tumingin naman sa akin si Travis, "Kara, eto nga pala si Christian," sabay turo niya sa lalaking medyo may kaputian.

"Hi po, kapitbahay n'yo ako, diyan lang kami sa labas."

Ngumiti naman ako at tumayo, "Hello, kumain na kayo?"

"Oo,"

"Kara. si Marc," Sabi ni Travis sabay turo niya sa singkit na katabi ni Christian.

"Hello po."

"Nakilala ko sila noong nasa hospital ka, kapag nauwi ako sa bahay nakikita ko 'tong dalawa. Pero mababait naman 'tong mga kaibigan ko." Ani Travis.

Tumango naman ako, "Hello sa inyo!"

Bumalik na sila sa pinag-uusapan nila habang ako naman ay pinatay na 'rin ang t.v. "Sige na naman Pare, inom na tayo! Diyan lang man tayo sa labas,"

Napakunot ang noo ko at saka nilingon naman ako ni Travis na tila may pagtatanong rin ang kanyang mukha. "Hindi kasi ako pwede,"

"KJ mo naman Travis, kami naman ang bahala sa alak. Para lang may kasama kami nito ni Christian." Sabi ni Marc.

Hindi makasagot-sagot si Travis, kaya ako naman ay lumapit na sa kanila. "Sa labas lang ba kayo?"

"Oo, labas na labas lang, hindi naman kami lalayo." Sagot ni Christian,

Tumango naman ako at saka binalingan ng tingin si Travis na ngayon ay tahimik pa 'rin.

"Trav, sige na." Sabi ko kay Travis,

Napangiti naman ako nang makita ko ang pagliwanag ng mukha ni Travis, "Talaga? Pinapayagan mo ako?"

"Oo, basta 'wag ka papalasing ng sobra."

Mabilis na tumango-tango naman si Travis. "Opo! Hindi talaga."

WITH LOVE (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon