"Kara.."
Kasalukuyan kami ngayong nasa Max's sa may Bonifacio Global City. Dito kasi ako dinala ni Sir Travis. Nahihiya pa nga ako dahil naka-uniform pa ako, nanliliit rin ako sa sarili ko dahil sa itsura ko, samantalang itong si Senyor Travis na nasa tabi ko ay gwapong gwapo sa suot niyang button down shirt na tinernuhan ng pants na babagay sa suot niyang damit.
Tumingin ako sa kanya. "Po?"
Ngumiti naman siya at saka niya ipinagpatuloy ang pagkain niya. "Ano gusto mong panuorin? The conjuring 2 or finding dory?" Tanong niya habang may laman pa nga ang bibig.
Pigil akong napatawa. Napaka-cute naman kasi.
Ang totoo niyan, hindi ko talaga alam ang The Conjuring 2 at Finding Dory na iyan. Narinig ko lang 'yan kanina lang sa may entrada ng eskwelahan na pinag-uusapan ng mga schoolmates ko. Sabi ng iba ay maganda naman daw ang dalawang palabas na 'yon.
Umiling naman ako. "Wala po akong pambili ng ticket."
Tumango-tango siya at tinignan ang wrist watch niya.
"Sige, ako namang bahala, eh." Ngiting sabi niya.
Napatungo ako at napakagat pa sa ibabang labi ko.
"N-Nakakahiya na po talaga."
Narinig ko ang mahinang pagtawa niya sa harap ko kaya itinaas ko na ang paningin ko sa kanya.
"H'wag ka na mahiya, ako lang ito oh." Sabi noya sabay turo sa sarili niya habang natatawa.
Napangiti ako.
"Basta, manunuod tayo ah? Kumain ka muna. Pagkatapos, manunuod na tayo." Sabi niya.
Pagkatapos naming kumain ay dinala na niya ako sa Cinema. Bumili siya ng ticket naming dalawa at pumasok na rin sa loob ng sinehan.
"Ang dilim po pala rito." Wala sa sariling sabi ko, first time ko lang naman kasing nakapasok sa ganitong lugar.
Madilim na malamig.
Naramdaman ko ang pagkaka-akbay sa akin ni Sir.
"Natatakot ka ba? Gusto mo, finding dory na lang muna panuorin natin?" Aniya.
Mabilis na umiling ako. Baka kasi kapag lumabas kami rito ay bumili na naman ng panibagong ticket si Sir, ayoko namang mangyari pa 'yon dahil sobra na ang gastos niya sa akin. Nahihiya na nga ako, at ewan ko ba sa sarili ko kung bakit hanggang ngayon kasama ko pa siya.
Sa kalagitnaang ng movie, bigla akong nagulat nang lumabas ang multong may belo sa ulo. Muntik pa nga akong mapasigaw kung hindi lang ako niyakap ni Sir.
"Shit! K-Kara, finding dory na lang kaya?" Sabi niya habang nakayakap na sa akin.
Napalunok ako.
Napakunot ang noo ko at bahagya nang natawa. "Sir, natatakot ka ano?" Tanong ko.
Hindi na ako nakatingin ngayon sa big screen na nasa harapan. Sa halip ay nakatingin na ako kay Sir, na ang mukha ay halos nasa leeg ko na.
Natawa na ako ng tuluyan at hinawakan ang malamig na kamay niya.
"Hindi ako natatakot." Sabi niya sabay nguso.
![](https://img.wattpad.com/cover/75337992-288-k129644.jpg)
BINABASA MO ANG
WITH LOVE (Completed)
Algemene fictieWomanizer 6: One word to describe, Travis. He is a WOMANIZER. Ni-hindi na nga siya naniniwala sa tunay na pag-ibig, not until he met Kara. A-16 years old na katulong sa bahay nila, maganda ito at well-sexy at ang pinaka-paborito niya ay may magandan...