Kabanata 23

34.8K 676 9
                                    

It's been a week at hanggang ngayon ay hindi pa rin okay ang mahal ko.

Wala na rin talagang natira sa naitago kong pera. Nai-pangbili ko na kasi ng gamot ni Kara.

"May tatlong bibe akong nakita, mataba.. mapayat mga bibe.." Napangiti ako nang makita ko ang pagsilay ng ngiti sa labi ni Kara na nakahiga sa tabi ko.

"K-Kanina ka pa bibe ng bibe. LSS ka diyan noh?" Tanong sa akin ni Kara.

Tumango ako at inilapit ang mukha sa mukha niya. "Kamusta pakiramdam ng mahal ko?"

"P-Pakiramdam ko, pagod na pagod ako, K-Kahit nakahiga lang naman ako..."

Napabuntong hininga na lang ako at hinaplos na lang ang kamay niya.

"Sabi ng Doktor, malapit ka daw gumaling.." Ngumiti ako para kahit papaano ay mawala ang lungkot na nadarama ko.

"G-Gusto ko nang gumaling.."

After that, pina-inom ko muna ng gamot si Kara at pagkatapos ay pinagpahinga ko rin muna.

Ngayon, hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pambili para sa gamot ni Kara. Kaka-ubos lang kasi ng gamot niya.

Habang natutulog si Kara ay saka ko chineck ang laman ng wallet ko.

"470...." Napabuga ako sa hangin at saglit na napasandal sa dingding. "Eh, kulang pa sa pagkain namin ito.."

Katunayan nga ay mag aalas-tres na ng hapon at hanggang ngayon ay hindi pa ako nakakakain ng hapunan, kaya naisipan ko na pumunta muna sa isang tindahan at saka bumili ng sky flakes. Okay na sa akin 'yon.

Habang kumakain ako ay naisipan kong tawagan si Kuya Troy, dahil wala na talaga akong iba pang naiiisip kung paano ko masu-solusyunan ang problemang ito.

Nagpa-load pa ako sa tindahan at ngayon ay kasalukuyan kong tina-try na tawagan si kuya.

"Kuya, sagutin mo naman..." Napabulong ako sa hangin at muling tinignan ang cellphone ko.

Pang-anim na try ko na, pero out of coverage pa rin ang cellphone ng Kuya ko.

Nag-try pa ako hanggang sa abutin na ako ng mga mahigit sampung tawag sa Kuya ko, pero hanggang ngayon ay 'out of coverage' pa rin si Kuya.

Inis akong napasabunot sa buhok ko, Wala na talaga akong ibang maisip kung hindi si Kuya. Naka-ilang text na rin ako pero hindi naman nagrereply. Mag-gagabi na.

Ibabalik ko na sana sa bulsa ko ang cellphone ko nang may ideyang pumasok sa isipan ko.

Agad akong naglakad patungo sa isang sanglaan malapit sa ospital.

"Tumatanggap po ba kayo ng iPhone 6s?" Inilahad ko ang iPhone 6s na hawak ko sa babaeng kahera.

Tumango naman si Ate. "Opo, ang sangla po sa iPhone 6s ay 12 thousand then may 3% po kayo na tubo kapag tinubos n'yo na po ang cellphone niyo."

"Hindi po ba pwedeng lakihan n'yo pa ng kahit kaunti? Mahal po kasi ang bili ko sa iPhone ko. Gold pa naman ito." Tinanggal ko ang case ng iPhone ko at saka pinakita sa babaeng kahera. "Pwede bang kahit mga 20k?"

Nag-isip-isip si Ate at saka may tinignan sa hawak niyang papel na sa tingin ko ay Listahan.

"Naku! Pasensya na po, ang nakalagay po kasi sa list na hawak ko hanggang 12k lang po ang iPhone 6s..."

"Hindi na po ba talaga pwede.." I sighed. "Kahit 15 thousand na lang po.."

Napalunok ako bago ipahawak sa kahera ang cellphone ko.

First time kong magmakaawa ng ganito, hindi pala talaga biro. "Sige na nga, pero 5% na ang tubo mo kapag tinubos mo ang cellphone mo?"

Bahagya akong ngumiti.

"Okay lang po." Wala na akong balak tubusin ang cellphone ko, Kaysa tubusin ko ang cellphone ko ay ipangbibili ko na lang sa gamot ni Kara.

Bago ako bumalik sa hospital ay saglit muna akong umuwi sa bahay para maligo at magdala ng panibagong mga damit namin ni Kara sa hospital.

Kahapon pa pala ako hindi nakakaligo kakabantay kay Kara.

Pangalawang araw na rin kasi akong hindi nakakapasok sa trabaho dahil walang bantay kay Kara. Hindi ko tuloy talaga alam kung paano namin malalampasan ni Kara ang lahat ng ito.

Sabi pa namn ng doktor, ang dahilan kung bakit nagkaroon ng pneumonia si Kara ay dahil madalas daw siyang matuyuan ng pawis at kulang sa tubig ang katawan ni Kara, at lagi daw siyang pagod. Mahina rin daw ang katawan ni Kara, sabi ng Doktor.

Sana pala, sa umpisa pa lang ay hindi ko na inaaraw-araw si Kara. Sa tingin ko, isa rin kasi sa mga dahilan kung bakit nagkasakit si Kara ay inaraw-araw ko siya, napapagod siya pero hindi na niya magawang makapag-reklamo.

Kasalanan ko naman kasi talaga ito.

Hindi ko maiwasang hindi murahin ang sarili ko, Tang ina. Kung hindi dahil sa akin, hindi mapapalagay sa ganitong sitwasyon si Kara.

Bumalik ako sa hospital na bitbit ang mga damit ko at pati na rin ang ilang mga damit ni Kara. Okay na rin ang pang-isang linggong gamot ni Kara dahil nakabili na ako ng gamot kanina sa botika.

"S-Saan ka galing?"

Pinatong ko ang bag na bitbit ko pati na rin ang mga paper bags na hawak ko, na naglalaman ng gamot pati na rin ng mga pagkain niya.

Bago ako sumagot ay hinalikan ko muna ang noo niya, "Bumili ako ng gamot mo, tapos umuwi muna ako sa bahay para makaligo.."

Hindi naman naka-imik si Kara sa sinabi ko. "M-May pera ka pa? Kailan ba tayo makakauwi?"

Kibit balikat ako at pagak na napangiti, "Oo naman, pero kailangan mag-stay ka muna dito para tuluyan ka nang gumaling.."

Tumango naman siya at saka pinilit na maupo kaya inalalayan ko siya.

"Binili nga pala kita ng paborito mong apple, at saka orange..." Tumayo ako at inisa-isa ang laman ng paper bag.

Pinakain ko siya ng prutas at habang kumakain siya ay kine-kwentuhan ko nalang siya ng mga masasaya para hindi masyadong ma-stress si Kara.

"Nakakahiya nga eh! Inamoy ko nga kili-kili ko kanina bago maligo. Ang asim na! Yuck.."

"G-Grabe ka!" Mahinang tumawa si Kara. "Wag mo kasi kalilimutang maligo!"

Tumango naman ako at saka ngiti-ngiting nag-promise sign sa kanya. "Naligo na ako kanina!" Sabi ko.

Inamoy ko ang kili-kili ko, "Kita mo na, ang bango-bango ko na ulit!" Tumawa ako at saka idinikit ng bahagya ang kili-kili ko sa kanya.

"T-Travis Kadiri ka!" Natatawang sabi niya habang tinatakpan ng kamay niya ang ilong niya,

Tumawa na lang ako at saka hinalikan muli ang noo ng baby ko, "Sorry sa baby ko. Pinapangiti lang kita..."

WITH LOVE (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon