Wakas

62.8K 1.1K 688
                                    

"Bakit ngayon lang kayo umuwi? Kanina ko pa kayo hinihintay." Sabi ko kina Kristian at Kristofer.

Naka-suot pa sila ng uniform nila. Galing sila sa kanilang eskwelahan, "Ma. Ngayon lang kami pinauwi ng teacher namin."

Lumapit ako sa dalawa at humalik sa pisngi nila. "Okay," Ngumiti ako ako sa kanila, "Magbihis na kayong dalawa. Di 'ba pupuntahan pa natin si Papa? Susorpesahin natin."

Tumango sila at agad nagtungo sa kani-kanilang kwarto.

Ako naman ay inilagay na sa sasakyan ang mga gamit namin. Ilang minuto pa ang nakalipas ay lumabas na rin ang dalawa sa kani-kanilang mga kwarto. Naka-bihis na ang mga ito at poging-pogi sa kanilang itsura.

Pasimple tuloy akong napangiti. "Kamukhang-kamuha n'yo Papa n'yo." Saad ko sa kanila nang makasakay kami ng sasakyan.

"Oo naman." Proud na sabi nila. "'Yun nga lang mas gwapo ako kay Papa." Sabi naman ni Kristian.

"Ang yabang mo na naman eh." Sabi namn ni Kristofer.

"Ako mayabang?" Sumimangot si Kristian, "Sinasabi ko lang ang totoo, Kuya. Mas gwapo ako sa 'yo."

"Magkamukha naman tayo eh." Mahinang sabi naman ni Kristofer.

Sa puntong ito ay tuluyan na talaga akong napatawa. "Parehas kayong gwapo." Sabi ko sa kanila, "Saka pag-aawayan n'yo pa ba ang bagay na iyan? Ayokong mag-aaway kayo."

Narinig ko ang pagtawa nila, "Hindi kami nag-aaway, Ma. Inlove na inlove nga ako sa Kuya kong ito eh." Ani Kristian sabay akbay Kristofer.

"Yuck, bakla si Kris."

Napatawa na lamang ako habang nagmamaneho.

Nang makarating na kami sa destinasyon namain ay nagsibabaan na kami sa kotse. "Kuya! Paki-kuha naman ng cellphone ko sa tabi mo." Narinig kong sabi ni Kristian sa kapatid niya.

Pagak akong napangiti nang makita ko na naman siya, "Happy Birthday, Travis." Ibinaba ko ang bulaklak na hawak ko sa isang nitso.

Travis Jacob M. Santos
December 2, 1980 - December 2, 2010
"Treasured in my heart you'll stay, until we meet again some day."

Siyam na taon na ang nakalilipas nang mawala sa amin si Travis. Sa siyam na taon na iyon ay hindi pa rin talaga ako lubusang nakakamove on sa kanya, at kahit kailan ay hindi pa rin talaga siya mawala sa puso at isip ko.

Nagsindi ako ng kandila at itinirik sa tabi ng lapida. Pilit kong iniiwasan ang muling pag-iyak pero sadyang mahina talaga ako. "Nakakainis ka talaga!" Mariin kong pinunasan ang luha ko, "Magpakita ka naman sa akin kahit sa panaginip lang oh...."

"Miss na miss na kita." Mariin akong napapikit at saka muling pinunasan ang luha ko, "Kamusta ka na kaya diyan? Sana miss mo na rin ako..... Kasi ako miss na miss na talaga kita..."

Pagak akong napangiti nang maramdaman ko na may malakas na hanging humaplos sa balat ko. "Naiinis ako sa 'yo." Napahawak ako sa bibig ko at pinipigilan ang muling paglabas ng luha ko, "Hindi ka man lang nagpapakita kahit na sa panaginip ko.... Gusto ko kasing sabihin sa 'yo na mahal na mahal kita, tignan mo oh..." Iniharap ko sa lapida ang daliri ko na may suot na singsing.

"Hindi ko talaga inaalis ang singsing na binigay mo sa akin.. Dahil para sa akin ay mag-asawa na tayong dalawa. A-Ang sabi mo kasi 'Will you marry me?' Di 'ba dapat pakakasalan mo pa ako? Sabay pa nating palalakihin ang mga anak natin, sabay pa natin silang makikita na magkaroon ng magandang buhay at sabay pa tayong tatanda pero hindi man lang nangyari...."

"M-Mama..."

Hindi ko namalayang yakap-yakap na pala ako ni Kristian at ni Kristofer, "H'wag ka na umiyak, please? Di 'ba, nasasaktan si Papa kapag umiiyak ka..."

Pagak akong napatawa at muling niyakap ang mga anak ko, "Dito ba tayo mag-o-overnight?" Tanong ko sa kanila.

Tumango naman sila, "Inilaan talaga namin ang oras na ito para kay Papa."

Sabay-sabay kaming kumain sa lugar na iyon, nagke-kwentuhan kami tungkol sa mga masasayang bagay. Panay nga ang ngiti ko habang daldal ng daldal si Kristian, pero alam ko na sa ngiting iyon ay may kulang pa rin.

Madalas kasi, tuwing gabi bago matulog ay nahuhuli ko siyang umiiyak habang nakatingin sa litrato ng Papa niya. Naiintindihan ko iyon dahil maski ako ay hindi ko maiwasang hindi mapa-iyak sa tuwing naaalala ko si Travis.

Si Kristofer naman ay malihim, parang kapatid niya. Nahuhuli ko rin 'yang umiiyak minsan, may pagkakataon pa nga na paggising niya tuwing umaga ay hahanapin niya ang Papa niya.

"Miss ko na talaga si Papa."

Napabaling ako ng tingin kay Kristofer, Hindi ko namalayang takip-takip na niya pala ang mukha niya. "Naka-graduate na kami ng kapatid ko sa high school, ang akala ko noon kasama namin siya na aakyat sa stage.. 'Yung tayong buong pamilya para kunin ang award namin ni Kris..."

Lumapit ako kay Kristofer at agad na niyakap, "Papa... P-Para sa'yo lahat ng award namin ni Kris ah? Para sa inyo ni Mama...."

Hinawakan ko ang kamay ng dalawang anak ko, "Kung nandito lang si Travis ngayon.. Tiyak ako na masisisyahan siya sa inyong dalawa..."

Tulad nga ng napag-usapan namin ay nag-overnight, bandang alas otso nang umaga nang magpasiya na kaming umuwi dahil may pasok pa ang dalawa mamaya.

"Mama. Dadalhin lang namin itong mga gamit sa sasakyan." Wika ni Kristian na hawak ang mga ginamit namin.

Tumango ako at muling bumaling sa ibaba. "Uuwi na muna kami ha?" Pagpapaalam ko sa kanya.

"Babalik kami dito sa friday, wala kasing pasok ang anak natin sa sabado." Ngiti ko pa. Hindi ko na naman namalayang lumalabas na naman ang mga luha ko, "Happy birthday ulit, baby boy ko."

"I love you."

Agad akong napatingin sa likuran ko nang may marinig akong may bumulong sa akin. Kilalang-kilala ko ang boses na iyon. "Travis... Bakit ngayon ka lang nagpaparamdam?" Pagak akong napatawa habang pinupunasan ang pisngi ko.

"Mahal na mahal din kita, okay?"

Napapikit ako nang madama ang malakas na hanging humahaplos sa buong katawan ko, "Alam kong nandito ka lang sa tabi ko.... H'wag kang mag-alala. Lagi rin kaming nandito para sa 'yo."

Hindi man naging happy ending ang kwento naming ito ngunit naniniwala ako na balang-araw ay magiging happy rin ang istorya namin at sana'y wala nang ending.

Travis-Maraming salamat sa masasaya at magagandang ala-alang kasama ka. "You will always be my love of my life. Baby...."

WITH LOVE (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon