Kabanata 33

37.6K 819 223
                                    





"Mama! Ano pala ibig sabihin ng kilig?" Tanong sa akin ni Kristian.

Halos mapanganga naman ako sa tanong ni Kristian, kasalukuyan kaming nakaupo sa pahabang sofa at nanunuod ng palabas sa telebisyon. Nakatulog naman sa tabi ko si Kristofer kaya si Kristian na lang ang kausap ko ngayon.

"Bakit mo naman naitanong 'yan?" Tanong ko pa,

Bahagyang pinahaba naman ni Kristian ang nguso niya kaya piningot ko naman 'yon. "Mama! Masakit eh!" Aniya

Napatawa naman ako at saka nagsalita, "Ano? Bakit mo pala naitanong kung ano 'yung kilig?"

"Mama! Sabi kasi ni Kuya! Kinikilig daw ako kay Selena! Totoo po ba 'yon, Mama?" Tanong pa niya,

"Ikaw talaga!" Natawa naman ako ng kamutin ni Kristian ang ulo niya, "Bata-bata mo pa! Hindi ka pa pwede diyan!"

Hindi na naman sumagot si Kristian, Sa halip ay ipinagpatuloy niya nalang ang panunuod sa telebisyon. Mukhang inaantok na rin siya kaya napagdesisyunan ko na, kalungin si Kristofer para maihatid sa kwarto. Mabuti na nga lang at hindi siya naalimpungatan sa ginawa ko, pagkatapos kong maipasok sa kwarto si Kristofer ay isinunod ko naman si Kristian na nakatulog na rin sa sofa, binuhat ko rin siya at dinala sa kama naming tatlo sa kwarto.

Nang matapos ako sa kanilang dalawa ay saka ako napabuntong hininga at saka muling lumabas ng kwarto ng kwarto para linisin ang kalat ng dalawa kong anak sa salas ng bahay.

Matagal na rin pala kaming nangungupahan sa bahay na ito. Matapos ko kasing umalis sa condo unit ni Sir Zach ay dito ko na rin ipinagpatuloy ang buhay ko kasama ng mga anak ko. Maayos rin naman ang buhay namin ng mga anak ko rito. Mababait rin naman ang mga kapitbahay namin at isa pa, malapit lang ang bahay namin sa eskwelahan ng dalawang bata.

Bago ko mapatay ang electricfan sa salas ay may narinig naman akong kumatok.

"Kara.."

Bahagyang nangunot ang noo ko ngunit saglit lang 'yon dahil nakilala ko ang boses ng lalaking nasa labas. Binuksan ko ang pintuan at sumalubong sa akin si Melvin na may hawak-hawak pang bulaklak.

"Melvin, gabi na ah?"

Napangiti naman siya at saka niya inabot sa akin ang bulaklak na hawak niya, "Paborito mo talagang bigyan ako ng bulaklak, ano?" Nangingiting sabi ko.

Napatango naman siya at saka nagsalita, "Ngayon lang natapos 'yung duty ko," Aniya habang kamot-kamot ang batok, "May buy bust operation rin kami sa may Pasong Tamo, mabuti na nga lang at naging succesful 'yon,"

Napangiti naman ako at mas nilakihan pa ang awang ng pintuan, "Pumasok ka muna,"

"Kunin ko muna 'yung Pizza ng mga bata, um-order rin kasi ako sa Domino's bago ako pumunta rito," Aniya at nagtungo sa motor niya. Nakita ko nga ang box ng Pizza na naroroon,

"Gising paba sila Kris?" Tanong niya sa akin ng makalapit,

"Kakatulog lang, mabilis inantok ang dalawa." Sabi ko,

"Sayang naman, binili ko pa naman sila ng ganito.."

"Pwede pa naman bukas," Sabi ko nang maibaba ko ang bulaklak na hawak ko sa mesa, "Ngayon ka lang ulit napapunta rito? Busy ka na talaga siguro," Sabi ko.

Halos magdadalawang taon ko na 'ring kakilala si Melvin. Isa nga pala siyang pulis sa Quezon City Police District. Mabait si Melvin at may angking kagwapuhan, kaya nga hanggang ngayon ay nagtataka ako kung bakit wala pa rin siyang asawa ngayon, sa pagkakaalam ko kasi ay twenty seven years old na si Melvin.

WITH LOVE (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon