Kabanata 39

36.9K 877 109
                                    


"Hindi mo isasama ang dalawang bata."

Agad na nagpintig ang tainga ko sa narinig, Napalingon ako sa gawi niya at nakita ko ang matatalim niyang tingin sa akin. Napalunok muli ako ng mariin at saka huminga ng malalim bago muling balingan ng tingin ang dalawang anak ko.

"Tara na?" Tanong ko at bahagyang ngumiti sa dalawa.

Hinawakan ko na ang kamay nilang dalawa, Hindi ko na sana lilingunin pa si Travis kung hindi lang niya hinigit ang ang balikat ko at mariin muling hinawakan ang pisngi ko. "Hindi mo isasama ang dalawang bata. Naiintindihan mo ba?!"

"M-Mama.."

Hindi ko na naman maiwasang hindi mapaiyak. Habang panay ang pagtulo ng luha ko ay sinasalubong ko ng tingin ang galit na galit na si Travis sa harapan ko. Nanginginig na ang katawan ko sa takot.

Takot na baka mawala sa akin ang dalawang anak ko.

"Kuya! Bakit mo inaaway si Mama namin? Gusto mo bang suntukin na kita, ha?!" Umiiyak na sabi ni Kristian habang hawak-hawak ang laylayan ng damit ni Travis.

"H'wag mo na awayin si Mama namin! Susuntukin ka namin ni Kris kapag inaway mo pa ulit siya!" Sabi 'rin ni Kristofer.

Nang muli kong balingan ng tingin si Travis ay unti-unting nawala ang galit sa mukha niya, habang nakatingin sa dalawang anak niya.

Unti-unti ko 'ring naramdaman ang pagkakaluwag ng pagkakahawak niya sa pisngi ko, Sasawayin ko na sana ang dalawa dahil mali ang sinabi nang biglang mapaluhod si Travis at pumantay sa dalawa.

Halos mapako ako sa aking kinatatayuan at hindi na malaman ang gagawin, nakita ko 'kung paano biglang yakapin ni Travis ang dalawa, nagta-taas-baba ang balikat ni Travis habang yakap-yakap niya si Krisofer at Kristian, at ngayon alam ko at sigurado ako na umiiyak siya habang yakap-yakap ang dalawa.

"Bakit mo kami niyayakap? At saka 'wag ka na umiyak, Hindi ka naman namin niaaway ni Kuya!" Seryosong sabi ni Kristian at saka ako binalingan ng tingin, "Mama! 'Wag mo kami pagalitan ni Kuya ah? Hindi naman namin siya niaway eh."

"A-Anak..."

Napatahimik si Kritian at Kristofer mula sa kinatatayuan nila nang marinig nila ang sinabi ni Travis, sa puntong iyon ay tuluyan na akong napalapit sa kanila at saka pinantayan ang taas ng dalawa,

Ayokong maging selfish. Ayokong maging maka-sarili. Siguro ay ito na ang tamang panahon para makilala ng dalawang anak ko ang Tatay nila.

"Baby ko," Napalunok ako ng ilang beses bago ko pinunasan ang pawis nilang dalawa sa noo nila gamit ang palad ko,"Sabi ko sa inyo noon na, babalik 'din si Papa niyo at kaya siya bumalik dahil mahal niya kayo,"

"Bakit Mama? bumalik na ba si Papa namin?" Tanong ni Kristofer.

Napatingin ako kay Travis na ngayon ay nakatayo na habang malungkot na nakatingin sa amin, Sa emosyon pa lang na nakikita ko, galing sa kanya ay batid ko ang pagmamahal niya sa dalawang anak niya.

Unti-unti akong tumango, "S-Siya kasi si Papa niyo..."

Napatingin silang dalawa kay Travis, "Papa? Siya si Papa namin?"

Muli akong tumango at mabilis na pinunasan ang luha ko, Segundo lamang ang nakalipas at yakap-yakap na ni Kristian at Kristofer ang Papa nila.

"P-Papa..."

Mas lalo akong napaiyak nang makita ko kung paano magsi-alpasan ang luha ng dalawang anak ko, habang yakap-yakap si Travis. "M-Mahal na mahal kayo ni Papa. S-Sobrang mahal na mahal kayo ni Papa..." Sabi ni Travis habang yakap-yakap ang dalawa,

Muli kong pinunasan ang luha ko habang pinapanuod na lamang sila, batid ko ang kasiyahan sa mukha ni Kristian at pati na 'rin si Kristofer. Noon pa man, hinahanap na nila sa akin ang Papa nila pero hindi ko naman sila masagot kung nasaan ang Papa nila at alam ko na mahal na mahal 'rin nila ang Papa nila.

Pinalaki ko ng maayos ang dalawang bata. Kahit kailanman ay hindi ko sila tinuriang magtanim ng sama ng loob, sana lamang ay maintindihan nila kung bakit ngayon lang nila nakita ang Papa nila.

"Papa! Alam mo bang ni-miss ka na namin ni Kuya? 'Wag ka na aalis para lagi kami may Papa ah?" Masayang sabi ni Kristian habang sabay sila ni Kristofer na ikinakalong ni Travis.

Nakita ko ang pagtango ni Travis kasabay ng pagngiti niya, "Hindi na aalis si Papa. Promise ko 'yan."

Bandang ala-singko na pala ng hapon kaya hindi ko na napansin ang mabilis na pagtakbo ng oras, kasalukuyan akong nakaupo sa may kusina habang silang tatlo ay masayang naglalaro sa living room ng unit.

"Papa! Bakit ka naman nagso-sorry sa amin ni Kris? Hindi mo naman kami niaway 'diba? Dapat kasi kay Mama ka mag-sorry kasi siya yata 'yung niaway mo." Sabi ni Kristofer sa Papa nila.

Unti-unting napakunot ang noo ko sa narinig ko, napansin ko na may nakatingin sa akin at nang tignan ko ang gawi nila ay nakatingin nga sa akin si Travis.

Muli akong napalunok ng mariin bago muling pagtuunan ng pansin ang bag ni Kristian at Kristofer na inaayos ko na.

"K-Kara..."

Halos mapatalon ako sa sobrang pagkagulat nang maramdaman ko si Travis sa harapan ko. Mas lalo akong nagulat nang hawakan niya ang pisngi ko, "Ah." Daing ko nang mahawakan niya ang pisngi ko.

"M-May sugat pala ang pisngi mo,"

Inilayo ko ang mukha ko mula sa kamay niya at hinawakan ang pisngi ko, muli akong napadaing sa sakit. Hindi ko naramdaman na may sugat na pala ako sa pisngi.

Tumayo si Travis at naglakad palayo sa akin, itinuloy ko ang pag-a-ayos sa gamit nila Kristian at Kristofer at iniisa-isa ko pang inilalagay sa bag nila, "G-Gamutin ko muna."

Nagulat ako nang muli kong makita si Travis sa harapan ko, may hawak na siya ngayong bulak pati na 'rin ng betadine. Mariin akong napapikit nang maramdaman ko ang bulak na dahan-dahan niyang idinidikit sa pisngi ko.

Nang balingan ko siya ng tingin ay kita ko ang pamamasa ng kanyang mata at batid ko na may pinipigilan siya 'ron,"S-Saan pa masakit? G-Gagamutin ko...."

Sa pagkakataong ito, hindi ko na kaya pang pigilan pa ang sarili ko kaya muli na namang bumuhos ang traydor kong mga luha.

"D-Dito?"

Naramdaman ko ang palad niya sa may dibdib ko sa may bandang puso ko, Dahan-dahan akong tumango at sa sobrang bilis ay hindi ko na namalayang yakap-yakap na niya pala ako.

WITH LOVE (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon