Kabanata 13

39K 802 45
                                    


"Ahhh... Nabigla ba kita- Hindi naman kita minamadali, I'm sorry.." Sabi sa akin ni Travis.

Napangiti na lamang ako sa hindi ko malamang dahilan. Hindi ko alam. Basta ang alam ko lamang ay masaya ako. Masaya ako kapag kasama ko siya. 'Yung tipo bang nagiging kumpleto ang araw ko kapag nakita at nakasama ko na siya.

Aaminin ko, gusto ko na siya. Pero, sapat na ba talagang dahilan na gusto ko lang siya? Hindi ko talaga alam kung ano ang dapat kong gawin dahil naguguluhan ako.

Paano na lamang kung um-oo ako sa tanong niya? Ano na lang kaya ang magiging bunga para sa aming dalawa? Hindi rin talaga ako sigurado kung, ano na lamang ang maaaring mangyari kung sakali ngang maging kami.

Alam ko na iba ang estado ng aming buhay. Literal na ibang-iba. Malayo sa naging buhay niya. Kung siguro'y ako ang makakasama ni Travis ay paano na lamang ang kinabukasan niya? Alam ko naman na kaya niyang bumuhay ng isang pamilya pero paano naman ang pansarili ko? Hindi naman dapat na lagi-laging umaasa sa kanya.

Ngayon pa nga lang, sobra-sobra na akong nahihiya kay Travis. Sa katunayan nga ay napakarami niya na talagang ibinigay na tulong sa akin. Mapa-pinansyal man o mapa-materyal na bagay, pero hindi pa rin naman talaga sapat ang mga bagay na iyon para masabi kong ang hinihingi niyang sagot ko para sa kanya. Syempre, kailangan ko rin talagang isipin ang bagay na iyon, kailangan 'yung galing sa puso. Hindi yung pang-utang na loob lamang.

Kung sakali man, first time kong sasabak sa ganitong relasyon, kaya nakakatakot. Hindi ko alam kung ano ba ang maaaring magiging kahihinatnan nang lahat. Sabi ng karamihan na nakaranas na pagdating sa love, hindi daw talaga pwedeng hindi ka masasaktan. Natatakot ako kung ganun nga ang maaaring mangyari sa akin. Ang lahat naman ng bagay ay walang kasiguraduhan.

Napatigil ako sa pag-iisip nang marinig kong tumunog ang cellphone niya. Nakita ko kung paano paulit-ulit na patayin ni Travis ang tawag.

"Sagutin mo na kaya? Okay lang naman sa akin." Simpleng sabi ko sa kanya.

Saglit niya akong tinignan at pagkatapos ay binalik ang tingin sa kanyang cellphone. Ngumiti siya bago itinuro ang cellphone na hawak niya. "Saglit lang ito ha?"

Tumango ako at saka kumuha naman ng dessert. Ang sasarap talaga ng pagkain dito. First time ko ngang makatikim ng ganitong klaseng mga pagkain kadalasan kasi eh, puro prito lang ang ulam namin sa bahay. Pritong tuyo, pritong itog, pritong hotdog. Maswerte na nga kami kung mag-ulam kami ng fried chicken sa bahay.

Matapos ang ilan pang mga minuto ay bumalik na rin si Travis sa pwesto niya.

"Ang bilis mong kumain! Susubuan pa kita eh..."

Napatawa naman ako nang makita kong humaba ang nguso niya.

"Ang sarap kasi.." Natatawa ko pang sabi.

Tumango lang siya at ipinagpatuloy ang pagkain. "Oo nga pala, ano pala ang gusto mong gawin mamaya? Pwede kitang ilibot sa ranch kung gusto mo." Magiliw na sabi niya.

Muli akong napangiti. "Mas lalo kang mapapagod kung ililibot mo pa ako, okay lang naman ako dito.."

"Hindi naman ako pagod eh.."

"Sure?"

Ngumisi siya at saka tumango. "Hindi ako mapapagod pagdating sa 'yo.. And i will never be..."

"Wow!" Natatawang sabi ko. "Ganyan ka rin kaya sa ibang babae mo?" Tanong ko pa.

Pilyong ngumiti maman siya sa akin, gusto niya rin sigurong makita na naaasar ako. "Hindi. Wala akong girlfriend, matagal na." Saad pa niya. "Wala talaga promise. Ang pinakahuli eh, 'yung nakita mo noon pa."

WITH LOVE (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon