"Ano ang tinitignan mo riyan? Wala diyan si Senyor Travis." Sabi sa akin ni Manang Tessa na nasa likuran ko na pala.
Nawala ang ngiti sa labi ko at muling isinara ang pintuan ng kwarto ni Sir Travis.
Tatlong araw na kasi ang lumipas nang huli ko siyang makita, hanggang ngayon nga ay hindi pa siya umuuwi rito, hindi ko naman alam ang dahilan niya.
"Yung baon mo ay pinatago sa akin ni Ser, kukunin mo nalang kapag papasok ka na." Sabi pa ni Manang.
Tumango naman ako.
Unang araw na nang pasukan ko ngayon at ang inaasahan kong makikita ko ay si Sor Travis pero mukhang mabibigo naman ako.
Ilang araw na siyang hindi nagpapakita sa akin, wala man lang akong balita sa kanya kung ano na ang nangyayari sa kanya, may parte rin kasi talaga sa puso ko na labis na may pag-aalala sa kanya.
"Ay teka, yung baon mo nga pala! Akala ko bukas pa ang pasukan mo, nakalimutan kong araw ng lunes pala ngayon." Napapalakpak pa si Manang kaya bahagyang napatawa naman ako.
May inilabas siyang pera mula sa bulsa niya. "Oh, eto. ₱ 150 ang baon mo," sabi niya sabay abot ng perang hawak nya sa akin.
"Para ngayong araw lang 'yan ah?"
Nanlaki naman ang mata ko. 150 pesos para sa isang araw!
Hindi ba't masyadong malaki ito para sa high school student na kagaya ko? Katunayan nga ay first time kong makakahawak nang ganitong kalaking halaga sa tuwing papasok ako ng eskwelahan.
"Ang sabi ni Sir, mag-aral ka raw ng mabuti." Sabi pa ni Manang Tessa,
Wala naman ako sa sariling napatango sa sinabi niya.
Nakapag-ayos na rin ako at mayamaya lang ay papasok na ako sa eskwelahan.
Grade 9 nga pala ako ngayon, ang totoo nga niyan ay naeexcite ako na may hinahaluang kaba ang nararamdaman ko, isang taon rin kasi akong tumigil sa pag-aaral.
Paglabas ko ng mansyon ay agad rin naman akong nakahanap ng masasakyan 'kong jeep papunta sa San Marcelino, mabilis rin naman akong nakarating sa eskwelahang papasukan ko.
Mabilis ko ring nahanap ang room ko at nang makapasok ako ay agad bumungad sa akin ang napakalamig na hangin na nagmumula sa aircon ng classroom na ito.
Konti pa ang mga estudyanteng katulad ko sa klase pero, matindi na rin ang kaba ko sa dibdib ko, panay kasi ang tinginan sa akin ng mga kapwa ko estudyante.
"Hi,"
Lumapit ang isang babae sa akin na sa tingin ko ay mukhang mayaman, mukha rin namang mabait,
"Hello." Sabi ko, ngumiti rin naman ako.
"Transferee ka?" Tanong niya.
Umiling naman ako.
"Hindi."
"Ahh. Okay, ako kasi transferee." Sabi niya.
Napataas naman ang paningin ko sa kanya.
"Ako nga pala si Angel." Sabi pa niya,
"Kara."
Mababait rin naman pala ang mga kaklase ko rito, hindi nga tulad ng inaasahan ko na mga mataray na mayayaman.
BINABASA MO ANG
WITH LOVE (Completed)
General FictionWomanizer 6: One word to describe, Travis. He is a WOMANIZER. Ni-hindi na nga siya naniniwala sa tunay na pag-ibig, not until he met Kara. A-16 years old na katulong sa bahay nila, maganda ito at well-sexy at ang pinaka-paborito niya ay may magandan...