"Hindi kami nag-a-away, baby." Natatawang sabi ni Travis sa dalawa.
Kasalukuyan kaming lulan ng sasakyan at si Travis naman ang nagmamaneho. "Pero..... Sabi ni Kuya nag-aaway daw kayo? At saka bakit pala may sinabi ka na masarap, Mama? May nag-aaway bang nasasarapan?" Kunot noong tanong naman sa akin ni Kristian.
Napahinga naman ako ng malalim. "Kristian, hindi kami nag-aaway." Sabi ko pa.
"Eh? Pero sabi mo kanina, Masakit? Tapos Masarap?" Tanong pa ni Kristian.
Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Travis sa tabi ko. "Baby, wala 'yon. Hindi kami nag-aaway ni Mama, Di 'ba Mama?" Sabi ni Travis sabay lingon sa akin.
Wala ako sa sariling napatango.
Hanggang sa makarating kami sa eskwelahan ng dalawa, "Mama! Papa! Mamaya SM tayo ah? Excited na ako!" Sabi ni Kristofer bago sila pumasok sa loob ng classroom.
"Ako din! Excited na din ako!"
Niyakap ko ang dalawa, "Mag-aral ng mabuti ah?"
"Okay, Mama."
Nang makapasok sila sa klase nila ay naramdaman ko ang braso ni Travis sa balikat ko. "Pwede bang samahan mo muna ako?" Tanong niya sa akin.
"Ahm." Napalunok ako, "Saan ba?"
"Mamaya ko nalang sasabihin." Aniya kasabay ng kanyang pagngiti.
Kibit-balikat na lamang ako, "Okay, basta 'wag mo akong dadalhin sa malayo."
Tumango naman siya.
"Opo."
Sumakay kami sa sasakyan niya. "Okay lang ba sa Papa mo na hindi ako makakapasok ngayon sa trabaho?" Tanong ko ngunit ngumiti lamang siya.
Hanggang sa makarating kami sa isang matayog na Condominium sa may Makati. Nagtataka man ay sumama ako sa kanya patungo sa loob ng Condominium building.
"Are you okay?" Tanong niya at muli akong inakbayan.
"Oo naman."
Nang makasakay kami sa elevator ay pinindot ni Travis ang 12th floor. Panay lamang ang kanyang pag buntong hininga sa tabi ko.
Nasa tapat na kami ng isang kwarto. Kumatok si Travis ng ilang beses bago may magbukas ng pintuan.
"Good morning-Sir Travis!"
Agad nanlaki ang mata ko nang makita ko si Mama, at ang mga kapatid kong si Yssabelle ay Carrisa.
"M-Mama..."
Halos manginig ang aking buong katawan, Para ba akong napatigil mula sa kinatatayuan ko.
"A-Anak.."
Kusang tumulo ang luha ko. Sunod-sunod at tila walang tigil. Namalayan ko na lamang na yakap-yakap na pala ako ni Mama. "K-Kara.. Pagpasensyahan mo na ang Mama mo..."
Walang tigil ang buhos ng luha ko. Napatingin naman ako sa mga kapatid ko na umiiyak din sa gilid namin.
"Umupo ka muna.... Sir Travis... Umupo ho muna kayo. Pagpasensyahan n'yo na kung medyo magulo ang bahay,"
"Okay lang po iyon, Tita." Sagot ni Travis na umupo sa tabi ko.
"Mabuti naman at nagkita na tayo anak. Matagal ko nang pinagsisihan ang ginawa ko sa 'yo." Umiiyak na naman si Mama. "Sobra kong pinagsisisihan na pinalayas kita noon sa bahay natin. Nadala lang siguro ako ng matinding galit sa 'yo. Ayoko lang naman na matulad ka sa akin, na nabuntis ng maaga. Pagpasensyahan mo sana ako, Anak. Dapat pala ay hindi nalang kita pinaalis sa bahay natin."
BINABASA MO ANG
WITH LOVE (Completed)
General FictionWomanizer 6: One word to describe, Travis. He is a WOMANIZER. Ni-hindi na nga siya naniniwala sa tunay na pag-ibig, not until he met Kara. A-16 years old na katulong sa bahay nila, maganda ito at well-sexy at ang pinaka-paborito niya ay may magandan...