Kabanata 16

39K 822 58
                                    

Apat na araw na ang nakalilipas nang huli kong makita si Travis. Araw-araw naman akong dumadaan at naglilinis sa mansyon nila pero wala naman siya 'ron.

"Manang Tessa, tapos ko na pong linisin ang 2nd floor." Sabi ko kay Manang Tessa na ngayon ay nagluluto na para sa panghapunan. Kani-kanina nga lang pala nakauwi si Sir Troy rito sa mansyon nila at dumiretso agad siya sa kwarto niya, hindi ko nga alam pero mukhang pagod pa nga ang isang iyon.

"Eh di, mabuti.." Sabi ni Manang Tessa. "Dito ka na rin kumain, sobra ang nailuto ko para sa ating mga katulong. Dalhan mo nalang ng ulam ang Mama mo at mga kapatid mo." Diretso pang sabi ni Manang Tessa sa akin bago pa lagyan ng panibagong rekado ang niluluto niya.

Tumango ako at nagtungo sa may bandang living room ng mansyon. Sa may lamesa pala sa tapat ng telebisyon ko nailagay ang cellphone ko.

Nang makuha ko ang cellphone ko ay tinignan ko kung may text galing kay Travis pero nadismaya naman ako dahil wala namang mensahe galing sa kanya. Sa halip, ay mayroong text na galing naman sa ka-grupo ko sa isang subject.

Good afternoon, Kara! This is Faye. Wala tayong pasok bukas at sa tuesday because activity day ng school. Mayroon tayong practice para sa group play natin. 10-3! Sa house nila Patrick sa Ayala Alabang.

Pinindot ko ang reply button.

Hi! Sige. Pupunta ako. Pwede ba akong sumabay sa 'yo? Hindi ko kasi alam kung saan ang bahay nila Patrick.

Pagkatapos kong maka-reply ay saglit pa akong lumingon sa gawi ni Manang Tessa. "Manang Tessa, may labahin po ba bukas?"

Umiling siya at saka sumulyap sa akin. "Nalabhan na ni Crisalda kanina."

Napatango-tango ako at agad na hinarap ang cellphone sa akin. Nakatanggap na naman ako ng text galing sa ka-grupo kong si Faye.

Yes! Pwedeng-pwede, Sa kalaw tayo bukas sa tapat ng Adamson. Sabay-sabay din kasi tayo nila Angel eh. Bago mag 9 AM dapat nasa meeting place na ah?

"Kara, kanina ka pa diyan?"

Napamulagat ako at agad naibaba ang hawak kong cellphone sa may bandang hita ko. Nakakagulat naman si Sir Troy!

"Ahh. Opo, naglinis po kasi ako sa 2nd floor."

Pinagkiskis pa niya ang dalawang kamay na parang nilalamig. Tumango-tango siya at saka binuksan ang malaking t.v na nasa harapan namin.

Tumayo na ako at yumuko nang madaan ang harapan niya, babalik na sana ako sa kusina para tumulong kay Manang Tessa pero muli siyang nagsalita.

"Kara, ilang taon ka na?"

Muntik na akong mapaubo sa tanong niya, "16 na po ako."

Bahagya pang napakunot ang noo ko ang mahihinang pagtawa niya habang umiiling-iling habang ang mga mata ay diretsong nakatutok sa telebisyon.

"Loko-Loko talaga, pati bata ba naman.."

Mas lalong napakunot ang noo ko, "Po?"

Umiling na siya sabay upo sa sofa. "Wala." Natatawa-tawang sabi niya, habang ako ay hindi ko naman maintindihan kung ano naman ang itinatawa-tawa niya.

"Uuwi ka na ba?" Tanong pa niya.

"Hindi po. Pupunta muna akong kusina, tutulong kay Manang."

WITH LOVE (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon