Kasalukuyan akong naglalakad palabas ng building mula sa opisina ni Travis sa itaas. Breaktime kasi ngayon; kaya napagdesisyunan ko na kumain sa canteen sa labas ng building.
Busy 'rin si Travis sa kanyang trabaho, halos hindi nga kami nakapag-usap kanina. "Kara! Kanina pa may naghahanap sa 'yo," Sabi sa akin ng isang ka-opisina ko nang mamataan nya ako sa may labas ng canteen.
"Sino?" Nagtatakang tanong ko.
Lumingon ako sa paligid at wala naman akong nakitang iba pang kakilala bukod pa sa mga ka-officemates ko. "Hindi ko kilala eh," Sabi niya at napakibit-balikat, "Nasa loob nga siya ng canteen. Kanina ka pa niya hinihintay."
Tumango na lamang ako at pumasok sa loob ng canteen. Inilibot ko pa ang aking paningin at nang may makita ako na hindi naman pamilyar sa akin ay agad kong nilapitan, "Magandang tanghali po," Sabi ko sa babaeng sa tingin ko ay mas matanda sa akin ng mahigit dalawangpung taon.
Inalis niya ang salamin niya at kasabay 'non ang halos pag-awang ng labi ko, "Maupo ka."
Pamilyar sa akin ang mukha ng babae. Pamilyar sa akin, pero hindi ko naman maalala kung saan kami nagkita.
Naupo ako sa harapan niya, "B-Bakit n'yo po pala ako hinahanap?" Nagtatakang tanong ko.
Hindi siya sumagot sa sinabi ko, sa halip ay binuksan niya lang ang mamahaling bag niya at may iniabot sa akin na envelope. Nagtataka man, eh kinuha ko pa 'rin 'yon.
"Buksan mo iyan." Seryosong sabi niya habang naginginig ang kanyang mga kamay.
"A-Ayos lang po ba kayo?" Hahawakan ko sana ang kamay niya pero agad niyang tinaboy ang kamay ko.
"Wag mo akong hawakan!"
Napalunok ako at saglit na napatingin sa mga tao sa loob ng canteen. "Buksan mo nalang iyan at tignan ang laman sa loob!"
Dahan-dahan kong binuksan ang envelope at saka inisa-isa ang ilang litrato at nga papel sa loob.
Sa unang litrato pa lang ay halos manginig na ang katawan ko, "Ultrasound photos ko 'yan, noong ipinagbubuntis ko ang anak ko."
Halos mapako ang aking paningin sa litrato. Bakit niya ipinapakita ang mga ito sa akin?
"B-Babae sana ang magiging anak ko..." Napatigil siya sa pagsasalita at mabilis na pinunasan ang luha niya, "K-Kung hindi lang tinakasan ni Travis ang responsibilidad niya...."
Nangatog ang aking tuhod nang marinig ko ang sinabi niya. "P-Pasensya na po, pero hindi ko po kayo kilal--" Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko dahil tumayo na siya at tumalikod sa akin.
Tumayo na 'rin ako mula sa pagkakaupo at mabilis na naglakad. Papalabas na ako sa canteen nang makita ko si Travis na naglalakad papalapit sa akin.
"Kara!!"
Halos magpantig ang tainga ko sa tunog ng baril na narinig ko. Awtomatiko akong nakaramdam ng panghihina nang maramdaman ko ang pagbaon ng bala sa ulo ko.....
"MAMA! Mama! Gumising ka na!"
Agad kong iminulat ang mata ko at huminga ng malalim. Tinignan ko ang paligid. "Mama! Okay ka lang ba?"
Tumango ako kay Kristofer, "K-Kanina pa kaya kita ginigising, Mama! Nananginip ka ba?"
Hindi ako nakasagot sa itinanong ng anak ko, sa halip ay napayakap na lang ako sa kanya. "Ang kapatid mo nasaan?"
Ininguso naman ni Kristofer ang pintuan, "Kasama siya ni Papa! Nagluluto kasi sila eh,"
Tumayo na ako at saka napahilamos sa mukha. Mariin akong napapikit at pilit na kinalimutan ang napanaginipan ko kanina.
BINABASA MO ANG
WITH LOVE (Completed)
Ficção GeralWomanizer 6: One word to describe, Travis. He is a WOMANIZER. Ni-hindi na nga siya naniniwala sa tunay na pag-ibig, not until he met Kara. A-16 years old na katulong sa bahay nila, maganda ito at well-sexy at ang pinaka-paborito niya ay may magandan...