Chapter 2

77 3 0
                                    

CHAPTER 2 💞

Selena's POV

"Saan tayo pupunta?",I asked Bry.

"Sa bahay ng Lolo mo."

"Urgh!At ano namang gagawin natin doon?Psh.Aksaya sa oras.",sabi ko sabay suot na nung earphone ko.

Ayoko doon.Hindi pa man ako nakakarating sa bahay nya,ayoko na doon.Ano namang gagawin ko kasama si tanda diba?Wala manlang syang masayang maikwento.

Ilang saglit lang,nandoon na rin kami.Hindi ko hinubad yung earphone ko at bumaba nalang.Nauna na akong pumasok sa loob.Sumunod nalang si Bry.

"Apo!",I slightly heared him said.

"Tss.",I just said at dumiretso na sa sofa at naupo.

Hinubad ko yung earphone ko.Nauuhaw na ako.

"Manang!Pengeng juice.",utos ko doon sa napadaang matandang babae.

"Lena?Lena ikaw na ba yan?",sabi nya tapos lumapit sya sa akin at niyakap ako."Miss na miss ka na namin."

Agad ko syang itinulak.

"Lumayo ka nga sakin!",sigaw ko.

"Nay Ising.",tawag ni Bry at itinayo yung natumabang matanda.

"Lena,anak ano bang nagyayari sayo?"

"Wag mo kong tawaging anak!Hindi kita Nanay!"

"Lena.",saway ni Lolo.

Tumayo ako doon sa sofa at naglakad papunta sa kusina.

Ano ba yun?Noong isang gabi yung matanda sa bahay nina Bry.Ngayon naman,ito?

Pagpasok ko sa kusina..

"Lena!",sigaw nung apat na babae doon sabay dumog sakin ng yakap.

"Get off me!",sigaw ko.

Dali-dali naman silang kumalas.

"Ang kakapal ng muka nyong tawagin ako sa pangalan ko!Mga palamon lang kayo ni Lolo dito kaya matuto kayong lumugar!"

"Lena..Lena halika na.",sabi ni Bry na hinihila na ako sa kamay.

Ibinalik nya ako sa sala.

"Lo ano bang klaseng staffs meron kayo?Bakit sila ganun?!Ang kakapal ng muka!",asar kong sabi sabay upo na.

Bumuntong hininga si Lolo.

"Dahil noong may alaala ka pa,pamilya mo sila kung ituring.Pero ngayon nagbago ka na.",sabi nya.

"Nagbago?Paanong nagbago?Nawalan lang ako ng alaala.Hindi ako nagbago.Kalokohan!"

"Lena,Lolo mo ang kausap mo.",sabi ni Bry.

"Ewan ko sa inyo!",sigaw ko sabay tayo na ulit.

Naglibot-libot ako doon sa bahay.Mayaman pala ang pamilyang pinanggalingan ko.

Nakita ko yung apat sa may garden.May ilan pa silang kasamahan doon.

"Hoy ikaw!",sabi ko sabay turo doon sa isang babae."Kumuha ka ng juice.Dalhin mo dito sakin pagkatapos."

"O-Opo.",sabi nito sabay alis na.

"Anong tinitingin-tingin nyo?Hindi kayo binabayaran ni Lolo para tumunganga!",sigaw ko doon sa mga staffs na nakamasid pa sa akin.

Agad naman silang nagbalikan sa trabaho.

Mga muka silang tanga.

Ang daming bulaklak dito ah.Ang gaganda.Sarap wasakin.

Mischievously in Love with a Gangster (Part 2:Changes)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon