Chapter 40

80 2 1
                                    

CHAPTER 40 💕

Hai! Umaga na. Di pa ako mulat pero alam ko na. Wala ramdam ko eh. Itinaas ko ang mga kamay ko para mag-unat. Ang bango. Amoy...amoy shower gel ni Hubby. Ewan ko kung bakit alam ko yung amoy ng mga nilalagay nya sa katawan nya. Basta sigurado ko kay Hubby yun. Dahan-dahan akong nagmulat ng mata para makita na nakalapit ang muka nya sa akin habang nakatuon ang siko nya sa kama. Shirtless pa. At mukang bagong ligo. Kaya naman pala.

"Good morning Wifey.",nakangiti nyang sabi. Ang bango ng hininga.

Nahiya naman ako bigla. Bagong gising ako. Baka puro muta pa ako. Hindi pa ako nagtoothbrush. O nagsuklay manlang. Ang pangit ko! Itinaas ko yung mga palad ko at itinakip sa muka ko. I heard him chuckle. Tawa ka pa dyan!

"Hey...remove that baby. Let me see that beautiful morning face of yours.",sabi nya.

Okay.Butterflies magsilayas kayo sa tyan ko!

Umiling ako habang nakatakip pa rin ang mga palad sa muka.

"Pangit.",sabi ko.

"Oh no...you've never been ugly to me.",sabi nya habang marahan at pilit na tinatanggal yung kamay ko sa muka.

"Nakakahiya.",ungot ko.

"Hmm? Bakit ka mahihiya? Fiancé mo ako. Okay...Let me just kiss you.",sabi nya.

O___O

"No!",sigaw ko habang umiiling pa.

"Why? Bawal na ba kita ikiss?",sabi nya.

"H-Hindi pa ako nagtooth brush.",halos pabulong ko nang sabi. Todo takip pa rin ako sa muka.

Bahagya na naman syang natawa.

"Like I care.",sabi nya. "Sige na...",malambing nyang sabi habang tinatanggal yung kamay ko.
"Come on.",sabi nya.

Naman eh! Ginaanan ko yung kamay ko at hinayaan nalang syang tanggalin yun.

"Aww...Maganda naman eh.",sabi nya. Tapos mas inilapit pa nya yung muka nya. Yung isang kamay ko na hawak nya inilagay nya sa batok nya. Tapos hinawakan nya ako sa may gilid. Tapos dahan-dahan nyang pinagdikit yung mga labi namin.

Anak ng tokwa! Wala nga syang pakealam sa panis na laway. Halik kung halik eh.

Bahagya syang lumayo.

"Kiss back baby.",sabi nya tapos humalik ulit. Like what he said, I kissed back.

Wala na rin akong pakealam kung panis pa laway ko. Sya naman nauna eh. Dahan-dahan nyang inilipat yung mga labi nya sa may pisngi ko. Tapos sa may chin. Tapos sa may pulsuhan. Oh my goodness. It built delicious sensations all throughout my body. Nakakakuryente.

"Damn..",narinig kong bulong nya na para bang hirap na hirap.

"Enough Hubby.",sabi ko.

Pinadulas nya yung tungki ng ilong nya sa pisngi ko bago tuluyang lumayo.

He look worried. Bakit?

"What's wrong?",tanong ko.

Nag-iwas sya ng tingin.

"Nothing. I'm sorry.",sabi nya.

"For?",taka kong tanong.

Tinignan nya ako ng nakakunot ang noo.

"The kisses?",tanong ko at naupo sa kama. "Oh.. Kasi nagnakaw ka sa ibang parte. Well that's okay,I don't mind."

Yeah. Nasanay na rin ako sa kanya. Pero ang hindi ko masanay-sanay? Yung kuryente.

Mischievously in Love with a Gangster (Part 2:Changes)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon