Chapter 71

64 2 0
                                    

CHAPTER 71 ❤

Sa bahay kami nina Hubby nagpunta. Nagpalit kami ng damit para sa double celebration sa bahay nina Jason. Baby pink na plain dress ang suot ko. Di naman yun formal event eh. Chill-chill lang. Pagkabihis ko, kinatok ko si Hubby sa kwarto nya.

"Come in!",sabi ng boses sa loob.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. At hayun si Hubby, nagbubutones pa ng black long sleeved polo shirt nya. Di na magkandaugaga sa pagbubutones sa sobrang pagmamadali.

"Hui. Relax lang.",sabi ko habang naglalakad palapit sa kanya.

"Eh kasi tapos ka na, tapos..."

"Take your time Hubby. Hindi naman ako nagmamadali eh.",sabi ko.

"Ah...yeah.",sabi nya habang sasala-sala pa ang pagbubutones.

Natawa ako at naglakad palapit sa kanya at bahagyang hinila yung polo nya. Ako na yung nagsimulang magbutones nun.

"Sabi nang relax eh.",natatawa kong sabi habang ibinubutones na yung panghuli. Yung sa may dibdib. Ang cute nya kasi mataranta.

Nakangiti lang sya habang nakatitig sakin.

"Ayan. Okay na diba?",sabi ko habang hinahaplos yung magkabilang braso ng damit nya.

"Thanks baby.",sabi nya sabay kiss pa sa buhok ko.

"Tara na?",sabi ko.

Kinuha nya muna yung phone nya at susi ng kotse sa may bedside table. Tapos lumapit sa ulit sakin.

"Let's go.",sabi nya.

Tumango ako ako at nauna nang lumabas. Nagpaalam na kami kayna mommy Dessa at Brylen. Wala si daddy Mike eh. Asa office daw. Si Brylen nagligalig pa kasi gusto daw nyang sumama. Mabuti nalang at medyo nauto ko at ni mommy Dessa.

"Wifey.",tawag ni Hubby.

Humarap ako sa kanya. Tapos inispread nya sakin ang isang black leather jacket na sa tantya ko eh sakto nga lang sa size ko.

"Wow.",nasabi ko nalang at isinuot na yung mga braso ko dun.

Nang maisuot sakin, tinignan muna ako ni Hubby, mula ulo hanggang paa. Sana okay lang yung suot ko. Kasi baby pink sleeveless sya na dress tapos black ankle boots, tapos heto. Sinuutan ako ni Hubby ng black na leather jacket.

"Hubby.",tawag ko. Pero patuloy lang sya sa pagtitig.

"Hubby.",tawag ko ulit. Aba wala pa rin.

"Bryle Esguerra!"

"What?",gulat nyang react.

"Okay ka lang?",tanong ko.

Unti-unti syang napangiti.

"Adorable.",bulong nya pero parinig ko naman.

Adorable?

"The second meaning.",nakasmirk nyang sabi.

Napaiwas naman ako ng tingin. Nakakahiya. Nagchuckle sya.

"Here baby. You wear this.",sabi nya. Paglingon ko, helmet.

"Nakamotor tayo?",tanong ko.

"Yep.",sabi nya.

Napahaplos ako sa buhok ko. Sabog 'to. Inipitan ko pa naman. Hai bahala na. Tinanggal ko nalang yung ipit ko at sinuklay yun ng kamay. Hindi ko maayos sa guhit kaya messy.

"Akin na.",sabi ko. Pagtingin ko kay Hubby, nakatulala na naman. Nakakatuwa talaga 'to. Mapagtripan nga.

Humakbang ako palapit sa kanya at isinabit yung isa kong braso sa balikat nya. Tapos inlapit ko yung muka ko sa muka nya.

Mischievously in Love with a Gangster (Part 2:Changes)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon