CHAPTER 37 💞
"Tulog na sya?",tanong ni mommy Dessa nang makabab na ako.
Nasa sala na sila ngayon. Tahimik lang sila, nakaupo. Naupo ako sa tabi ni mommy Dessa.
"Tulog na po.",sabi ko.
"Bakit nyo 'to ginagawa? Akala ko ba kuya Mike wala ka nang pakealam kay ate at sa anak nya?",biglang pagsasalita ni Emilia.
"Emilia hindi ko alam na nabuntis ang ate mo.",sagot ni daddy Mike.
Tumawa ng peke si Emilia.
"Hindi? Hindi mo manlang naisip na baka nabuntis mo sya? So hindi mo alam na may nangyayari sa inyo.",sabi ni Emilia.
"Emilia.",mahinahon pero may bantang sabi ni ate Cecil. Hindi nagsalita si daddy Mike.
"That's why we are doing this. Para itama ang lahat ng nangyari noon.",mahinahon ding sabi ni mommy Dessa.
"Pero hindi na maibabalik nito ang buhay ni ate!",umiiyak nang sigaw ni Emilia.
"Emilia,she died because of a disease. Hindi ko ginusto yun." -daddy Mike
"Pero sana namatay sya ng masaya kung hindi mo sya iniwan." -Emilia
"Pero may pamilya na ako nang mga panahong yun Emilia." -daddy Mike
"Pamilya?!Eh bakit ka pa pumayag sa gusto ni ate na makasama ka kung alam mo naman pala sa sarili mo na mali!" -Emilia
Nanggagalaiti na sya.
"Because she told me na magpapakamatay sya kung hindi." -daddy Mike
Halatang nagulat si Hubby sa sinabi ni daddy Mike. Hindi pa nya alam ang tungkol dun?
Kung nagulat si Hubby,mas nagulat si Emilia. Umiling-iling sya habang nakapikit.
"Hindi yan totoo.",sabi nya.
"That is the truth Emilia. Naging mahalaga sya sa akin. At hindi kakayanin ng kunsensya ko na malaman matatapos ang buhay nya nang dahil lang sa akin...I just made a sin. I admit. I've crossed the lines. Pero handa na akong panagutan yun."
Umiyak lang si Emilia. Hindi na sya nakapagsalita. Tumayo ako at lumapit sa kanya. Matapos ay naupo sa tabi nya at niyakap sya. Hindi nya ako tinaboy. Niyakap lang nya ako at nagpatuloy sa pagluha.
~*~
Maaga akong nagising ngayon. Ewan kung bakit. Nilingon ko sa tabi ko sina Hubby at Brylen na mahimbing pa ring natutulog. Inayos ko yung kumot nila bago ako bumaba ng kama at maglakad na palabas.
Pagbaba ko ng hagdan...
"Emilia?"
Napahinto sya sa paglalakad. Nilapitan ko naman sya.
"Aalis ka na?",tanong ko.
Dito kasi sila natulog kagabi. Pero ang aga naman nya umalis.
"Lena..oo eh. Kailangan kong ipaalam kay ate 'to. Bibisitahin ko muna sya.",sabi nya.
Kaya pala.
"Gusto mo bang samahan kita?",sabi ko.
"Naku Lena hindi na. Kaya ko na 'to.Sige ah. Alis na ako.",sabi nya.
"Ingat ka Emilia."
Tumango sya.
"Salamat.",sabi nya at lumabas na.
Dumiretso naman ako sa kusina.
"Good morning po!",masigla kong bati sa mga tao doon sa kusina.
"Magandang umaga Lena.",sabay-sabay nilang bati.
BINABASA MO ANG
Mischievously in Love with a Gangster (Part 2:Changes)
Teen FictionPagkatapos ng aksidenteng nangyari kay Lena, ano na kaya ang susunod na mangyayari sa kanila ni Bryle? Magiging masaya na kaya sila? O lalo lamang gugulo ang buhay na nasimulan nila?