Chapter 78

89 2 0
                                    

CHAPTER 78 💕

Maghapon ako kayna Bryle. Nanuod kami ng t.v, natulog, nakipagvideo games kay Brylen. Di ko nga maintindihan si Hubby eh. Mainit sya pero yung kilos naman nya, normal lang. Parang wala lang. Kaso wala syang gana kumain.

Kasalukuyan kaming andito sa kwarto nya, nanunuod ng teleserye.

"Baby, sorry if I can't take you for a date today. Promise paggaling ko, babawi ako.",sabi bigla ni Hubby sa likod ko. Nakasandal kasi ako sa dibdib nya at nakaupo sa pagitan ng mga hita nya. Nakayakap sya sa bewang ko.

"Wala yun. Wag mo na yung intindihin. Okay na 'to sakin. Yung magkasama lang tayo. Hindi na kailangan ng date.",sabi ko.

Inihanday nya yung baba nya sa balikat ko. "Kasi eto yung unang anniversary na isecelebrate natin ng magkasama pagkatapos ng coma mo. That's why I want it special.",sabi nya.

"Hubby...everyday with you is special to me. Hindi mo na kailangan maghanda pa ng sobra. You and me together is more than enough.",sabi ko at kiniss sya sa gilid ng labi.

"Thank you Wifey.",sabi nya at mas lalong hinigpitan ang yakap sakin.

Ngumiti lang ako at muli nang ibinalik ang atensyon ko sa panonood.

~*~

Hmm. Ang bango naman. Ang sarap pang matulog. Paano ang lamig. Tapos heto pa't may nakayakap sakin para bigyan ako ng init.

Teka!

Asan na nga pala si Bryle?

Minulat ko ang mga mata ko. At heto. Natagpuan ko sya sa mismong katawan ko. Sa kanya pala ako nakahiga. Paano? Nakahiga lang naman ako sa pagitan ng mga hita nya at nakaunan sa dibdib nya. Nakaside-view pala ako. Tapos sya naman, nakaalalay sa magkabilang side ng katawan ko. Marahan nya pang hinahaplos yung buhok ko.

Tumunghay ako para tignan kung gising sya.

Pagtunghay ko, nakita kong mulat pa nga sya. Nang patangin sakin, ngumiti lang sya sakin at kiniss ako sa buhok.

"Mabigat ba ako?",tanong ko.

"Nah. Sakto lang.",sabi nya at inadjust yung mga braso nya na nakayakap sakin.

"Sorry nakatulog ako.",sabi ko.

"It's okay.",sabi nya. "I know you need rest."

Ngumiti lang ako at isinandal ulit yung ulo ko sa dibdib nya. Eh sa ayoko pang umalis sa pwesto ko eh. Ang bango pati kasi.

"Baby...",tawag bigla ni Hubby.

"Hmm?''

"Kung sakali na hindi mo nalaman na ieengage ka, kung ikaw pa rin yung Lena noon. Yung Lena na si Manang ko lang. Mamahalin mo pa rin ba ako kahit na alam mo na na ikakasal ako sa iba? I mean, will you fight with me? For us?"

Medyo nagulat ako sa tanong nya. Pero napaisip din ako. Kung ako nga lang noon si Lena at nalaman ko na mahal ako ng lalaking mahal ko, pero nalaman ko na ikakasal sya sa iba. Ipagpalagay na natin na hindi ko alam na ako pala yun. Magiging handa nga kaya akong ipaglaban sya? Ipaglaban na mahal namin ang isa't-isa.

"Bakit mo naman natanong?",tanong ko.

"Wala lang. I just thought. So...what'll be your answer?",tanong nya.

"Yes.",sagot ko.

"Yes?"

"Oo. Lalaban ako para sayo. You know I already love you ever since I was Manang. Wala man akong masyadong alam tungkol sa pag-ibig nun, marunong naman akong lumaban para sa mga taong mahalaga sakin. I can't lose you. Kaya nga binawi kita kay Karina nun diba? Pinaglaban kita kay Ryder. At paulit-ulit kitang ipaglalaban kahit kanino pa. Whatever it takes.",sabi ko sabay tunghay sa kanya.

Mischievously in Love with a Gangster (Part 2:Changes)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon