Chapter 42

66 1 1
                                    

CHAPTER 42 💕

Nagising ako at naabutang nakahinto na ang bus. Si Hubby naman tulog na tulog pa. Wala pa atang balak gumising.

Isa-isa na silang nagbababaan.

Napadaan si mommy Dessa. Pinicturan muna kami gamit yung DLSR nya bago magsalita.

"Wake your baby up Lena. Andito na tayo oh.",nakangiti nyang sabi at nagpatuloy na sa paglalakad.

Yeah right.

"Hubby...",tawag ko habang marahang tinatapik yung pisngi nya.
"Hubby..",tawag ko muli.

Dahan-dahan syang nagmulat ng mata at nag-angat ng ulo.

"Andito na tayo.",sabi ko.

Maluha-luha pa yung mata nya tapos ang gulo ng buhok. Kaya gamit yung isa kong kamay marahan kong pinunasan yung mga mata nya. Tapos inayos ko na rin yung buhok nya gamit yung mga daliri ko.

Ngumisi naman sya sakin.

"Thank you.",sabi nya.

"Oi ano ba yan! Bumaba na nga kayong dalawa!",sabi sa amin ni kuya Alexis na may bitbit na malaking timba pababa ng bus.

Tinawanan ko lang sya.

"Hai naku kuya Alexis! Maghanap ka na talaga ng girlfriend. Puro ka kasi fling eh.",singit ni Tanya na pababa na rin.

"Ayoko nun. Ew.",sabi nya sabay baba na.

Nailing nalang kami. Paano napakababaero. Wala daw syang trip maggirlfriend. Gusto daw nya girlfriendS.

"Wala na yang pag-asa." -C.A.

"Meron pa yan! Bakit si Bryle?" -Calvin

Makahulugan naman akong tinignan ni Hubby. Edi wow.

"At ako!",singit ni Allen.

"Jusko Allen. Sana totoo yan!" -Tanya

"Oo naman beh noh. Kala mo sakin sinungaling?" -Allen "Ikaw lang sapat na.",dagdag pa nya sabay kiss sa pisngi ni Tanya.

"Aww...",sabi ni Tanya.

"Bumaba na daw kayo!",sigaw ni kuya Alexis sa baba.

Nagtawanan tuloy kami. Matapos ay bumaba na rin. Baka manggat si mr. Bitter eh. Haha...

~*~

"Girls doon kayo sa,second floor. First room to the right." -tita Ela

"What?!",sabay-sabay na react nung mga boys.

Hagalpak naman ng tawa sina Lolo at tito.

"Bawal!",sabay-sabay na sigaw nina tita.

Natawa nalang rin kami at umakyat na doon para makapagpalit. Hindi namin kasama dito si ate Mayton. Doon sya sa kwarto nila ng fiancé nya at ng baby nila. Ang cute-cute ni Ashton. Pinakilala na sya sa empire. Kamuka namin sya ang galing!

"Len may extra tank top ka dyan? Init eh puro T-shirts pala nadala ko.",sabi ni C.A.

"Heto oh.",sabi ko at inihagis sa kanya yung damit.

"Thankie.",sabi nya nang masalo yun sabay palit na.

Banas na banas na rin ako kaya nagsando nalang rin ako. Kami-kami lang naman dito. Okay na 'to. Hindi namin nakasama si Lance. Paano family gathering kasi. Eh boyfriend naman ng mga pinsan ko yung apat kaya kasama. Sina Lee at Pia din. Syempre si Hubby fiancé ko,kaya kasama din family nila. Family friend din pati kasi.

"Girls kain na!",narinig naming sigaw ni tita Alexa.

"Taralets! Pagkakain swimming na!",atat na atat na sabi ni ate Dayne na nakasuot na ng bikini sa ilalim ng shirt at shorts nya.

Mischievously in Love with a Gangster (Part 2:Changes)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon