Chapter 39

64 1 0
                                        

CHAPTER 39 💕

"Wohoo! That's cool dad!",sigaw ni Brylen kay daddy Mike nang makagawa ito ng 3-point shot.

Nagbabasketball sila nina Hubby.

"Ikaw naman kuya. Then I'll be the next!",sabi ni Brylen.

Nagpatuloy lang sila sa masayang paglalaro. Kami naman ni mommy Dessa ngiting-ngiti habang nanunuod sa kanila. Pagkatapos nilang maglaro kanya-kanya na silang palit. Nakakatuwa talaga sila panoorin.

May pasok pa ako mamayang 10:30. Bale 9:20 na kaya kaylangan ko nang umalis.

"Wifey may klase ka pa noh? Let's go na?",sabi ni Hubby na bumababa na ng hagadan habang nagbubutones pa ng polo.

Saulado nyan ang schedule ko. Ewan ko kung bakit at paano.

Tumango ako sa kanya.

"Mommy,daddy,una na po ako. Brylen babay."

"Ingat kayo." -mommy Dessa

"Bry ingat sa pagdadrive." -daddy Mike

"Yep dad. See you later. Bye man!",sabi ni Hubby sabay high five pa kay Brylen.

"Bye ate!",sabi ni Brylen at kumiss sa pisngi ko.

"Bye.",sabi ko naman.

Matapos ay naglakad na kami palabas at pasakay ng kotse nya. Dumiretso na kami sa school. Dala ko naman na lahat ng gamit ko eh.

"Wifey text me kapag tapos na klase mo ha? Don't forget.",sabi nya pagkababa ko ng sasakyan.

"Yes sir!",sabi ko.

"Okay.",sabi nya at kiniss pa ako sa noo."Take care."

"I will. You too.",sabi ko.

Tumango sya at ngumiti tapos sumakay na ng sasakyan. Nagpunta na ako sa klase ko. Apat na oras ng math. Wahh! Nakakaantok. Nakaaircon pa kasi.

May pinapasolve si Sir. Kaya busying busy ako. Kaso naistorbo ako nang may bumato ng papel sa ulo ko. Luminga-linga ako para makita kung san yun nanggaling. Mga painosente.
Di ko nalang pinansin yung papel na gumulong at ipinagpatuloy ang pagsosolve. Ilang saglit lang,may bumato na naman sakin. Letse!Luminga-linga ulit ako. Mga painosente na naman. Hanggang sa napansin ko ang magaling na si Cheska na tataas-taas ang kilay. Halatang-halata sa muka nya. Baliw! Parang ewan. Ano 'tong pabato-bato ng papel? Bata? Bata? Pwes. Isusumbong ko sya kay Sir. Bata-bataan pala eh.

Pinulot ko yung papel at nagtaas ng kamay.

"Yes Ms. Bartolome?",sabi ng teacher namin.

"I think Ms. Salvador has something to tell me sir. She's been throwing crumpled papers on me to get my attention po eh."

Kumunot ang noo ni sir at tumingin kay Cheska. Mukang nagulat si Cheska sa ginawa ko. Lalo tuloy syang nagmukang guilty. Nagtawanan yung mga kaklase ko. Isip bata kasi.

"Quiet students. Ms. Salvador. Is that,that important to tell right now?"

Umirap si Cheska. Tapos tumayo at binitbit yung bag nya at naglakad palabas ng classroom. Kita mo. Di talaga sya maintindihan. Di ko nalang sya pinansin at nagpatuloy na ako sa ginagawa.

Pagkatapos ng klase,lumabas na ako kaagad. Tinext ko si Hubby na nakalabas na ako. Eh don't forget daw eh. Naglalakad na ako sa corridors papunta sa gate nang may biglang bumato ng lobo sa akin. Well hindi lang sya lobo. May laman lang namang pintura yung lobo kaya nang tumama yun sakin, pumutok at bumuhos sa damit ko.

—_____—

Color red pa. Muka tuloy akong duguan. Ew. Tumunghay ako nang makarinig ng tawanan. Sino pa nga ba? Edi sina Cheska at mga alipores nya. Takte uso pa pala ang bullying sa college? Nakakaani.

Mischievously in Love with a Gangster (Part 2:Changes)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon