Chapter 66

89 2 0
                                        

CHAPTER 66 💕

"Bye! Oi Bry ihatid mo yan si Lena ah!",bilin ni ate Dayne na nakasakay na sa kotse ni Jason. Pauwi na silang lahat. Eh kaso 'tong si Hubby ayaw pa akong pauwiin. Wala daw kasi syang kasama. Ayaw daw nyang mag-isa dito sa bahay nila.

"Oo ate Dayne. Akong bahala.",sabi ni Bry.

"Ingatan mo yan.",sabi naman ni Mark.

"Kahit di nyo na sabihin.",sabi ni Hubby.

"Babye!",sabi ko habang kumakaway.

Tapos isa-isa nang nagsialisan yung nga kotse nila. Pinadala ko na kay Drake yung kotse ko. Sabi kasi ni Hubby yung kanya nalang daw gagamitin nya paghatid.

Pumasok na ako sa loob. Sumunod naman si Hubby. Umakyat ako sa kwarto ko at agad na naupo sa kama.

"What'll we do now?",tanong ni Bry.

"I'll gonna give you my gift.",sabi ko.

Napangiti sya bigla at naupo din doon sa kama.

"You have a gift for me?",tanong nya.

"Syempre naman.",sabi ko at yumuko para kunin yung box ng regalo ko.

"Wow. That's huge.",sabi nya.

Ngumiti ako at iniabot yun sa kanya.

"What's this?",tanong nya habang hindi pa rin maalis ang ngiti sa labi.

"Just open it baby boy you are asking too much.",sabi ko.

Bahagya syang natawa. "Thank you.",sabi nya tapos kiniss ako sa noo.

Pinunit nya yung wrapper tapos binuksan yung box. Tumunghay muna sya at tinignan ako sa manghang mga mata bago kunin yung laman nun. Yung basketball, na sinulatan ko ng message ko para sa kanya.

To the guy who stole my heart,
      It has been four years ago since we first met. Natatandaan mo ba yung kauna-unahang beses na nagkakilala tayo? Sa mall yun diba? Nahulog mo yung phone mo kasi sabi mo binangga kita. Nilait-lait mo pa ko nun diba? Isip-isip ko, ikaw na yung pinakanakakabwisit na tao sa buong mundo. I never thought that, that encounter with you, eh madadagdagan pa. Naalala ko nun sabi ng kumukupkop sakin, ipapadala ako sa isang pamilya kung saan mag-aalaga daw ako. I really thought na ang aalagaan ko is 'baby'. Pero mali pala. Kasi hindi ka naman baby. Pero ang nakakatawa,you are really not a baby pero ngayon, you are 'my' baby.
      I never thought na sa pamamahay na yun, sa katauhan ng mo. Ng isang arogante at nakakabwisit na lalaki, mararanasan kong mainlove, sa kauna-unang pagkakataon.
    Oo. Nainlove ako sayo. Nakakatawa diba? Kasi araw-araw palagi tayong nag-aaway. Ni hindi ko malaman kung kelan ako nagsimulang makaramdaman ng ganito kaespesyal sayo. Yung pakiramdam na palagi, maya't maya, gusto ko ikaw yung nakikita ko. Hindi ako mapakali kapag wala ka. Yung kapag kaharap kita, halos hindi ako makapagsalita, makakilos, makaisip ng tama. I've never ask myself if I was really in love or something. I have no idea. All I know that time is, you are someone really special and very important to me.
    This might be the weirdest thing you could ever hear, but yes. Hindi ko nun alam na mahal na pala kita. Not until my bestfriends made me realize. All my weirdest, foreign feelings lead to one reason. I was in love. And it was to no one, but to you.
    Pero maraming humadlang. Tadhana, isa na. Naalala mo ba nung araw na sinabi mo sakin nun na mahal mo ako sa park? Gustong-gusto ko nun sabihin sayo kung gaano kita kamahal. Kung gaano ka kahalaga sakin. Pero pinigilan ko kasi may nakatakda na akong kapalaran. Ang ikasal sa iba, para palayin yung mga pinsan ko sa pagkakatali sa mga taong hindi nila mahal. Alam mo ba kung gaano ako nasaktan nun nung sinabi ko sayo na hindi kita mahal? Durog na durog ako nun. Lalo pa nung kinailangan ko talagang lumayo sayo dahil sa mga gustong manakit sayo gamit ako. Sobrang hirap. Yung pakiramdam na araw-araw parang palaging may kulang. Ang sakit-sakit magtiis.
   Nung araw na nalaman ko yung totoo tungkol sa 'kapalaran' ko, hindi ako natuwa nun. Ang tanging nasa isip ko ay ikaw, habang ikinakasal sa iba para lang iligtas ako. Kaya hindi na ako nag-atubili pa nung sabihin sayo.
   December 26, 20**. One of the most memorable moments of my life. Bryle Esguerra, became my official boyfriend. Lahat ng sakit at hirap ng paglayo sayo, all worth it. Maraming pang nangyari pagkatapos nun alam natin parehas yan. Hindi naging madali ang lahat. And Hubby, sorry kasi sa loob ng dalawang taon at higit pa, nawala ako sa tabi mo. Sorry kasi napahirapan kita. Sorry kasi ang tagal mong naghintay sa pagbalik ko. Pero ngayon, pinapangako ko na hindi na ako aalis ulit. Hindi na kita iiwan.
      Salamat sa araw-araw na pagsasabi na maganda ako ah. Salamat sa araw-araw na pagyakap at paghalik sakin kapag napapagod ako. Salamat sa araw-araw na pagsasabi na mahal mo ako. At salamat sa araw-araw na pagpapadama na mahalaga ako sayo.
     I promise to do my very best to be a good wife to you and a good mom sa mga sinasabi mo nga eh future kids natin. I love you Bryle Esguerra. I love you Hubby. Happy 20th Birthday!

Mischievously in Love with a Gangster (Part 2:Changes)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon