CHAPTER 79 💕
"If only I can go there with you.",sabi ni Hubby sabay buntong-hininga.
Andito sya sa bahay ngayon. Sya kasi ang maghahatid sa akin papuntang airport. Four palang ngayon pero sabi ni Lolo, kailangan ngayon na ako bumyahe dahil pagdating ko doon, paniguradong five na rin naman. Ngayon na ang alis ko papuntang New York para sa meet and greet ko with the rest of the empire. Chinecheck ko yung iba ko pang gamit na dadalhin.
"Tsaka na daw diba sabi ni Lolo. Gusto daw nya sabay-sabay ka nilang makikilala kapag uwi nila dito para sa wedding natin.",paliwanag ko.
"Yeah. But... Three days? It's too long.",sabi nya.
"Tatawag naman ako eh. Tsaka magtetext.",sabi ko.
"Kahit na. Iba pa rin kapag andito ka.",sabi nya.
"Hubby..",sabi ko sabay upo sa tabi nya. "Tatlong araw lang yun. Paano pa kaya kung mas matagal pa? Dapat kahit papano masanay tayo na malayo sa isa't isa. Alam mo naman na hindi natin 'to maiiwasan in the future diba?',sabi ko.
"I know and I understand your point. Nakakalungkot lang.",sabi nya. Tapos kinuha nya yung kamay ko. "Tsaka nakakapag-alala. Kasi wala ako sa tabi mo dun."
"Hubby nandun sina Lolo. Hindi nila ako pababayaan.",sabi ko.
Marahan lang syang tumango. Tapos isinandal nya yung ulo nya sa balikat ko.
"Wag mo akong ipagpapalit sa kung sino mang Kano dun ah.",sabi nya.
Bahagya naman akong natawa.
"Hinding-hindi Bry. Tsaka, tatlong araw lang yun. Mahirap maghanap sa tatlong araw.",sabi ko.
Bigla syang nag-angat ng ulo.
"Ikaw mahihirapan maghanap. Eh sila, madali ka nilang mapapansin.",kunot na kunot ang noo nyang sabi.
"Wag kang mag-alala dahil hindi ko sila papansinin. Tsaka wala naman akong balak maghunting eh. Ikaw lang ang nakikita nito." Sabay turo ko sa mata. "Nito." Tapos sa sentido. "Tsaka nito." Sabay turo ko sa dibdib. "Aalis ako na ikaw lang ang kilala kong baby, at babalik ako na ikaw pa rin at ikaw lang."
Ngumiti sya at muling nagsandal ng ulo sa balikat ko.
"Dammit. I'm having involuntary heartbeat baby.",sabi ni Hubby na nakapagpatawa sakin.
"Di mo yan ikamamatay, wag kang mag-alala.",biro ko.
"Sana nga.",sabi nya. "Araw-araw mo nalang akong ginaganito eh."
Natawa nalang ako at nailing.
Mga patanghali nang maihatid ako ni Hubby sa airport. Kasama din namin sa paghatid si ate Dayne, tsaka si Mark at kuya Alexis. Ako lang mag-isa ang babyahe. Sasalubungin naman ako nina Lolo doon pagbaba ko ng eroplano.
"Bye baby. Take care okay? Tsaka, wag mo kalilimutang magtext o tumawag kapag nakalapag ka na. Please be safe.",sabi ni Hubby at niyakap ako. Niyakap ko din sya.
"I will.",sabi ko. Tapos kumalas na kami.
"Damn it. Kaya mo ba?",parang alalang-alala nyang tanong.
"I'm already nineteen Hubby. Hindi seven years old.",sabi ko.
"God. Alam ko. Kasi naman!",sabi nya sabay kagat ng labi. "Kaya mo ha?",mahinahon na nyang sabi.
Ngumiti ako at tumango.
"Tatlong araw lang yun Bry!",singit ni Mark.
"Shut up!",sigaw ni Hubby sabay baling ulit sakin.
BINABASA MO ANG
Mischievously in Love with a Gangster (Part 2:Changes)
Teen FictionPagkatapos ng aksidenteng nangyari kay Lena, ano na kaya ang susunod na mangyayari sa kanila ni Bryle? Magiging masaya na kaya sila? O lalo lamang gugulo ang buhay na nasimulan nila?