Chapter 45

63 1 0
                                        

CHAPTER 45 💕

Selena's POV

"Sige Lena. Ipagpatuloy mo lang yang paggising mo sa Hubby mo.",sabi ni tito Carlo bago tuluyang bumaba ng bus.

Kami nalang ni Hubby dito. Napakatulog mantika talaga.

"Mahal kong Bry gising na.",sabi ko habang marahan syang tinatapik sa pisngi. "Hubby...gising na.",sabi ko at kiniss sya sa pisngi.

Nagmulat sya ng mata. Hai salamat.

"Hai... Nagising din ang fiancé ko.",sabi ko at kiniss sya sa tungki ng ilong. "Ang tulog-mantika.",sabi ko at pinisil naman yun.

"Mahal din kita Lena.",pupungas-pungas pero nakangiti pa rin nyang sabi.

Aww... Ang sarap nun pakinggan. Hindi ko napigilang mapangiti.

"Baba na tayo Hubby. Naiwan na tayo oh.",sabi ko at tumayo na. Tumayo na rin sya, tapos sabay kaming bumaba.

Ten p.m na pala. Dito kami bumaba kela Drake. Dito kasi inistop by yung mga kotse. Pagkatapos nang maiksi lang naman na paalaman, kanya-kanya nang sakay tapos drive pauwi.

"Nag-enjoy ka sa trip natin apo?",tanong ni Lolo.

"Sobra po Lo! Grabe po ang cute-cute po ni Ashton noh?",sabi ko.

"Sobra. Kamukang-kamuka nyo nga.",sabi ni Lolo.

"Ang galing nga po eh.",nakangiti kong sabi.

"Kaso nagkasunburn ka.",sabi ni Lolo.

"Ae yun lang po.",natatawa kong sabi.

Tumawa din si Lolo.

"Pag-uwi natin applyan mo ulit ng ointment.",sabi ni Lolo.

"Opo Lo.",sabi ko.

Pag-uwi namin sa bahay, dumiretso na kami ni Lolo sa kanya-kanya naming kwarto. Kabababa ko lang nung gamit ko nang bigla namang tumunog yung phone ko. May message si Hubby.

Hubby:

You home already baby?

Naupo ako sa kama. Pero hindi ako nagtype ng message. Pinundot ko yung number nya at kinontact.

["O? Hello baby.Miss me already?"]

"Yeah.",sagot ko.

Ang weird diba? Narinig ko syang nagchuckle.

["Me too. Nakauwi na kayo?"]

"Uhuh. Kayo?"

["Yeah...Kani-kanina lang."]

Humihikab pa ata sya nung sinabi nya yan.

"Naku. Mukang inantok na ang prinsipe ko. Tulog ka na."

["Ayaw. I want to talk to you first."]

Naku po naman. Dapat hindi ko na sya tinawagan eh. Magpupuyat pa ata kami.

"Bukas nalang tayo mag-talk ha? Tulog ka na."

["Wifey please?"]

Jusme Hubby.

"Okay.",sabi ko lang. Tumayo na ako sa pagkakaupo.

["What're you doing?"]

"Half bath."

Inihahanda ko palang yung isusuot ko. Pero heto na. Papasok na ako sa c.r.

["Okay... So how's your sunburn?"]

"Hubby wait a sec.",sabi ko.

Kumuha ako ng maliit na bag at inilagay dun yung phone ko. Tapos sinabit ko sa may taas.

Mischievously in Love with a Gangster (Part 2:Changes)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon