Chapter 56

82 1 3
                                    

CHAPTER 56 💕

Takte talaga si Bry! Nang dahil sa kiss na ginawa nya, ayun! Kamuntikan na kaming malate sa una naming klase. Sabay kaming nagrecess ni Hubby kanina. Pagkatapos nun may dalawang oras pa syang klase. Ako naman, diretso sa practice namin nina Harper.

"Baby do it like you do...oohhh...",sabay naming kanta ni Harper.

"Bravo!",sigaw nung choreographer namin. "We are definitely ready for tomorrow!",may pagpalakpak pa nyang sabi.

Hinubad ko na yung pinasuot sakin na heels ni choreographer. Pinractice kasi kung kakayanin ko ba na sumayaw nang naka 3 1\2 inch heels. Fortunately, keri naman.

"Sige maglunch na kayo!",sabi nya.

"Tara na Lena.",sabi ni Tristan.

Narinig ko na naman ang pagsinghap ni Yulene. Kanina pa noong inalok ako ng tubig ni Harper, inabutan ako ng towel ni Red at ngayon naman na niyayaya akong maglunch ni Tristan.

"Isama mo na muna yang pinsan mo Harps.",sabi ni Red.

Tinignan ako ni Harper tapos bahagya syang nagbow at hinila na si Yulene palayo.

"Tara na nga Lena.",sabi ni Red.

Sumunod nalang ako sa kanila papuntang cafeteria. Umorder na kami at kumain habang nagkukwentuhan. May isang oras pang klase si Hubby. Napatingin ako sa di kalayuan at nakita sina Lee, Pia at C.A. Diba na kasi pare-parehas sila ng course?

"Lee!",tawag ko habang nakataas ang kamay.

"Ui Lena!",masayang sabi ni Lee sabay takbo palapit sakin. Tumayo naman ako at yumakap sa kanya. Grabe isang linggo halos kami hindi nagkita-kita ng mga 'to. Yumakap rin si Pia at C.A.

"Ui mamaya tayo ha? Kayna kuya Xander.",sabi ni C.A.

Susukatan na kasi kami ng gown. Partner nina Mark syempre mga girlfriend nila.

"Oo. Susunod kami ni Bryle... Ai nga pala. Red, Tristan, pinsan ko, si C.A. Tapos bestfriends ko, si Aleeyah at Sophia. Lee, Pia, C,A., Red and Tristan. Newly found friends ko.",pakilala ko sa kanila.

Nagkamayan sila at nagbatian.

"Dito na kayo kumain. Sabay-sabay na tayo.",sabi ni Red.

"Sige, sige!",sabi ni Lee sabay upo na. Naupo na rin sina Lee at Pia.

Sabay-sabay kaming kumain habang nagkukwentuhan. Ang kukulit nila. Pagkatapos namin maglunch, balik na ulit ako sa klase. Biology na naman. With our terror teacher. Nasa kalagitnaan kami ngayon ng pagsasagot ng activity nang...

"Kaninong cellphone yun?!",sigaw ni sir.

Juice colored. Hindi sakin yun. Hindi. Hindi. Karingtone lang. Waahhh!! May nagbavibrate sa bulsa ko!

Nakatingin na sakin lahat ng mga kaklase ko. Jusmiyo anak ng tokwa! Akin nga! Bakit hindi 'to nakasilent? Bakit?! Bakit?!

Wahhh!!! Oo nga pala naglaro dito si Red kanina. At malamang hindi nya naisilent. Kaya eto ngayon nag-iingay.

"Ms. Selena!!!!"

"Sorry po!",sabi ko sabay tayo na at bitbit ng bag ko at mga gamit ko palabas. Tinignan ko yung tumatawag. Si Hubby! Wahhh Hubby!!!! Dahan-dahan ay bumagal na ang paglalakad ko at sinagot ko na yung phone.

"Bryle Esguerra bakit?!",sabi ko. Naku po naman! Badshot na naman ako kay sir Biology!

Tae pinagtitinginan na ako dito sa hall. Wag nyo nga akong tignan!

Katahimikan sa kabilang linya.

["Baby, you okay?"]

"No I am not. No. No. No.",sabi ko.

Mischievously in Love with a Gangster (Part 2:Changes)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon