CHAPTER 65 💕
Nagpatuloy ang party-party. Kanya-kanya na ring bigayan ng regalo. Yung sa akin kasi, personal gift. For Bryle's eyes only first.
Nagtataka kayo kung nasaan ang mga eldest namin? Sina mommy Dessa? Wala sila. Nasa condo nila. Ewan ko pero eto yata yung pinahanda talaga ni mommy Dessa para kay Hubby. For the circle of friends only ni Hubby.
"C.r. lang ako Hubby.",paalam ko kay Hubby na nakaupo't umiinom-inom sa tabi ko.
"Samahan na kita.",sabi nya.
"No. Kaya ko na. Doon lang naman eh.",sabi ko.
Tinitigan nya lang ako pero hindi sya nagsalita.
"Sige na.",sabi ko at patayo na sana pero pinigilan nya ako.
"I want to come with you. Ayoko nang maulit pa yung nangyari noon. Doon lang pero ang dali kitang naiwala. Ayoko nang maulit pa yun."
God! So he was referring to the moment noong nawala ako noon nung birthday ko. Sa c.r. din nun. Nung magblackout.
He was traumatized. Kawawa naman ang baby boy ko.
Tinignan ko sya. Namumungay yung mga mata nya.
"Okay then. Tara.",sabi ko at tumayo na. Tumango sya at tumayo na rin. Tapos sabay kaming naglakad papasok sa bahay nila.
Nagulat ako sa nakita ko sa may bungad ng pinto papasok sa may sala kaagad nila. Yak. May couple na naghahalikan doon. Nakakalong sa lap nung lalaki yung babae habang mapusok silang nagkikiss.
"Come now baby.",sabi ni Hubby at hinila na ako.
Pagdating namin sa c.r., agad ko nang binuksan yung pinto,pero nagulat pa ulit ako sa nakita ko. Napaurong pa ako. Meron na namang couple na nandoon. Napatalikod ako at humarap kay Hubby na nanlalaki din ang mga mata. Nagulat din sya malamang.Tinakpan ko kaagad yung mga mata nya dahil yung babae wala nang pang-itaas! Waahhh!!! Nakakatakot ang mga bisita ni Hubby!
"Faster. Get... Get out of there.",nakapikit kong sabi habang nakatakip pa rin ang mga palad sa mata ni Bryle.
Nang matunugan ko na nakalayas na yung dalawang nilalang na yun, lumingon muna ako para icheck kung okay na nga. Nang makitang wala na, tinanggal ko na yung mga palad ko sa mata ni Hubby.
"Stay there. Madali lang ako.",sabi ko at dali-dali nang pumasok sa c.r. at inilock yun. Napabuntong-hininga ako. Ano ba yung kaabnormalan na yun? SPG!
Napasinghap nalang ako at binilisan na ang pagsi-c.r. Pagkatapos ay agad nang lumabas. Andoon lang si Hubby sa labas, nakapamulsa at nakasandal sa pader.
"Tara na.",sabi ko at nauna nang maglakad. Sumunod naman na sya.
Palinga-linga ako dahil syempre delikado na. Baka makakita na naman kami ng hindi kanais-nais sa paligid.
"Wala na sila.",sabi ni Hubby sa likod ko.
"Ha? Sino?",maang-maangan kong tanong.
"The SPG scene makers.",sabi nya.
Bigla namang nanlaki yung mga mata ko. Alam nya pala.
Napahilamos nalang ako ng palad sa muka at binilisan na ang paglalakad pabalik sa party area. Naupo na ulit kami doon sa may sofa na inuupuan namin kanina. Agad akong napainom ng tubig.
Grabe yun. Pero halos maibuga ko yung tubig na iniinom ko nang makita yung babae na nakita naming walang damit sa c.r. kanina na palapit samin.
"Hey baby, you okay?",tanong ni Bry habang hinahagod yung likod ko.
Hindi ako sumagot at tinignan ulit yung babae. Ayan na sya!
BINABASA MO ANG
Mischievously in Love with a Gangster (Part 2:Changes)
Teen FictionPagkatapos ng aksidenteng nangyari kay Lena, ano na kaya ang susunod na mangyayari sa kanila ni Bryle? Magiging masaya na kaya sila? O lalo lamang gugulo ang buhay na nasimulan nila?
