Chapter 32

90 1 0
                                    

CHAPTER 32 💕

Nabitawan ko yung album nang biglang bumukas yung pinto.Si Emilia.
Dali-dali ko naman yung pinulot.

"Emilia sorry sa pakikia--"

"Akin na yan!",sigaw nya sabay hila sa akin nung album.

"Emilia sorry.",sabi ko.

"Bakit mo 'to pinakialamanan?",sabi nya.

"N-Nacurious lang naman ako eh.I'm sorry."

Bumuntong-hininga sya at itinago yung album sa bag nya.Oh no. Nagalit si Emilia.

"Emilia sorry.",sabi ko ulit.

Humarap sya sa akin at naglakad palapit.Tapos naupo din sya sa kama.
Tinitigan lang nya ako pero hindi sya nagsalita.Kaya ako na yung naunang magsalita.

"Emilia..Emilia yung nasa picture..sya ba yung ate mo?",tanong ko.

She nodded.

"A-At yung lalaki doon,sya ba..sya ba si Mike?"

Tinignan lang nya ako sa namumungay na mga mata.Ilang saglit lang,pumikit sya at tumango.

Sa nakita ko sa picture,mukang nasa mga 19-20 silang edad.They must be former lovers.

"Lena..masama sya!",sigaw ni Emilia.

Mas lalo akong nagulat nang makitang umiiyak na sya.

"Emilia..what do you mean?",halos pabulong ko nang sabi."Hindi sya masama Emilia.Daddy Mike is a good man."

Pumikit sya at umiling-iling.

"Lena nag dahil sa kanya nawala si ate.",sabi nya.

I was shocked.

"A-Anong sinasabi mo?"

Tumayo sya at kinuha ulit yung album.Tapos bumalik sa kama at naupo.Binuklat nya yung album tapos ipinakita sa akin yung picture na magkasama yung ate nya at si daddy Mike.Nagpunas muna sya ng luha bago magsalita.

"Boyfriend ni ate si kuya Mike nun nung college sila.Kwento sa akin ni ate,mahal na mahal daw nila nun ang isa't isa.Kaso nagkahiwalay sila,nang umalis si kuya Mike at ipakasal sa iba.Kay Odessa Ramirez.Yung nanay ni Bryle.Sa America sila nun tumira.Sobrang nangulila noon si ate.Pero hindi sya nawalan ng pag-asa.Umasa sya na babalik si kuya Mike sa kanya.Babalik sila sa dati kahit pa alam na nya na may asawa at anak na ito.Makalipas ang ilang taon,bumalik sila dito sa Pilipinas.Labing dalawang taong gulang na ako nun.At naintindihan ko lahat ng nangyari."

Hindi ako nagsalita at tahimik lang na nakinig sa kanya.Gusto kong malaman ang lahat.Bakut masama si daddy Mike sa paningin ni Emilia?Bakit nya ito sinisisi sa pagkamatay ng ate nya?

"Tandang-tanda ko nun.Ako ang saksi.Yung araw nang muling magkita sina ate at si kuya Mike.Kitang-kita sa mga mata nila na namiss nila nun ang isa't isa.Sinabi ni ate na mahal pa rin nya si kuya Mike.At..sinabi ni kuya Mike,na ganun rin sya kay ate."

Daddy Mike cheated on mommy Dessa?I can't believe this.

"Kahit mali.Kahit na bawal.Pumayag si ate na maging.."Pumikit si Emilia."Na maging kabit ni kuya Mike dahil sa sobrang pagmamahal nya rito."

Hindi ko maintindihan pero naiyak nalang rin ako bigla.I felt bad for Emilia's sister.

"Palihim silang nagkikita.Walang pagsidlan ang saya ni ate kahit pa alam nya na mali.Pero wala syang pakealam.Ang mahalaga sa kanya,kasama nya yung lalaking mahal nya.At alam nya na sya rin yung mahal nito.Pero lumipas ang ilang buwan at hindi na muling nagpakita si kuya Mike.Hanggang sa wala na talaga silang naging komunikasyon.Sobrang nalungkot si ate.Hindi nya alam kung saan hahanapin si kuya Mike.Hanggang sa napagdesisyunan nalang naming umuwi ng probinsya.At doon..nalaman namin na nagdadalang-tao si ate."

Mischievously in Love with a Gangster (Part 2:Changes)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon