CHAPTER 35 💞
Kumatok ako sa pintuan ng kwarto nila ni mommy Dessa.Sabi kasi ni Nanay Celia andito daw sya.
Narinig ko ang mabilis na mga yabag palapit sa pinto na lalong nagpadagdag sa kaba ko.Bigla iyong bumukas.
"Ode---",naputol ang sasabihin ni daddy nang mapagtantong hindi naman ako si mommy Dessa,na hinihintay pala talaga nya.
Maiintindihan ko kung magagalit man sya sakin.Malamang sinisisi na nya ako ngayon kung bakit nangyayari ang lahat ng ito.Iintindihin ko yun.Kakayanin ko.
Tinignan ko lang sya.Ngayon ko lang sya natitigan ng matagal.Kamukang-kamuka pala talaga sya ni Bry.Sa lahat ng anggulo.Kung titignan,alam na kaagad ang magiging itsura ni Hubby about 22 years from now.
"Lena?",medyo gulat pa nyang sabi.
Nagising ako sa mga pag-iisip ko ng kung anu-ano.
"Daddy Mike..p-pwede po ba tayong mag-usap?
Inasahan ko na ibabagsak nya ang pinto.Sisigawan ako o palalayasin ako ng bahay nila.Pero nagulat ako nang kabaliktaran ang nangyari.Tumango sya at tumabi sa pinto para bigyan ako ng daan papasok sa kwarto nila.Pumasok ako.Basag yung mga gamit.Marahil ay tulad sya ni Hubby na nagwawala kapag nagagalit.Nakakatakot.Nagkibit balikat nalang ako at sumunod sa kanya paupo sa kama.
Hindi sya galit?
Katahimikan ang unang namayani sa amin.Pero naisipan ko na kaagad yung basagin.
"Daddy..pasensya na po.Pasensya na po kung ganito po yung nangyari sa---"
"Kasalanan ko.",putol nya.
Tumunghay ako at tinignan sya.
"You are right.Lalabas at lalabas din ang totoo.Pero mas lalo ko pa yung pinatagal.Kung hindi dahil sayo,baka itinatago ko pa rin yun hanggang ngayon.Ang totoo nyan,matagal ko na ring gustong sabihin kay Odessa.Kaso natakot ako.Mahal na mahal ko sya.I can't hurt her.Pero hindi ko alam na sa ginagawa kong pagtatago mas lumalaki ang tyansa na masasaktan ko sya.Na syang nangyayari na ngayon."
A love an Esguerra.
"Daddy Mike,maayos ang lahat.Mahal na mahal din po kayo ni mommy Dessa.Kitang-kita ko po yun sa kung paano nya kayo alagaan.Kung gaano ko po kamahal si Bry higit pa yung ibinibigay nya sa inyo.Mabuting tao po si mommy Dessa.Maiintindihan nya po.Siguro,hindi palang sya handa ngayon.Pero makikita nyo po,isang araw magugulat nalang kayo,maayos na ang lahat."
Tumango lang si daddy.
Katahimikan muli.
"D-Daddy..kung hindi nyo po mamasamain,pwede po bang malaman kung bakit po..ah..bakit nyo po..."
"Bakit ko nagawa yun?",sabi nya.
Napakagat ako sa labi at napatungo.
"It's okay Lena.",sabi nya.
Tumunghay ako at muli syang tinignan.
"Well,as you know,Hazel,Brylen's mother is my first girlfriend. I love her so much then. I was a player,a breaker. Well isa nga siguro yun sa mga namana sakin ni Bry na nagawa mong baguhin. And to me,Hazel was the one who did it. But everything was ruined nang ipagkasundo na akong ipakasal sa iba. I thought after your mom left,makakalaya na ako. Pero hindi pa rin pala. I was engaged with Odessa. Dinala nila kami sa America para doon ipakasal. Hindi manlang ako nakapagpaalam kay Hazel. Wala akong nagawa. When dad say,dad will do and you can't do anything but to follow. Naputol ang koneksyon ko kay Hazel. I start living my own life with Odessa. Hanggang sa makabuo kami ng pamilya. I became really happy with them. Nakalimutan ko ang mga naiwan ko sa Pilipinas. Including Hazel. After some 14 years,bumalik kami. Then we met again. Hindi ko akalain na makalipas ang labing limang taon,hindi pa rin pala sya nakakalimot. She told she still loves me. I told her that I was already married and happily living my own life with my wife and our son. But she's willing to do everything to have me back."
BINABASA MO ANG
Mischievously in Love with a Gangster (Part 2:Changes)
Teen FictionPagkatapos ng aksidenteng nangyari kay Lena, ano na kaya ang susunod na mangyayari sa kanila ni Bryle? Magiging masaya na kaya sila? O lalo lamang gugulo ang buhay na nasimulan nila?
