CHAPTER 73 💕
Natapos ang pamamasyal namin ni Hubby sa pagkain ng unli ice cream. Ang dami ko ngang nakain na chocolate ic cream eh. Si Hubby naman hindi pa naubos yung isa cone nya dahil pinapanood lang nya ako.
"Bye baby. See you later.",sabi nya nang makababa na ako.
"Babye. See you later too.",sagot ko.
Ngumiti sya at kiniss ako sa noo.
"Ingat ah.",sabi ko bago ko isara ang gate.
"I will.",sagot nya.
Ngumiti ako at tuluyan nang pumasok sa bahay. Pagpasok ko, naabutan ko si Lolo sa sala, nanonood ng t.v.
Ang galing! Andito na ulit sya!
"Lolo!!!!",masayang-masaya kong sabi at agad na lumapit at yumakap at kumiss sa kanya.
"Oh apo. You miss me?",sabi nya.
"Palagi naman po eh.",sabi ko.
"Namiss din kita apo.",sabi ni Lolo.
"Kumain na po kayo?",tanong ko.
"Inaantay pa kita para sabay na tayo eh. Kumain ka na ba?",sabi ni Lolo.
"Hindi pa po Lo. Tara po.",sabi ko at tymayo na. Tumayo na rin si Lolo. Taps sabay kaming nagpunta sa hapag.
~*~
"Len! Ang tagal naman eh!"
Ayan na naman ang mainipin kong pinsang si Markus. Magsisimba kami ngayon. Tapos pagkatapos ng misa, rehearsal ng kasal nina ate Mayton. Pare-pareho pa nga kami ng t-shirt eh. Nakalagay sa harap, Mayton and Xander Wedding. Tapos sa likod, kung kaano-ano ka. Kaya ang nakalagay sakin, 'Cousin of the groom'.
"Oo andyan na!",sigaw ko habang naglalakad, mali. Tumatakbo pababa sa hagdan.
Family kasi ni Hubby ang kasama nya ngayon. Eh si Lolo asa office pa. Susunod nalang daw.
Nang makita ako ni Mark, patalon syang tumayo sa sofa.
"Taralets! Taralets!",sabi nya at nauna nang lumabas.
Sinundan ko nalang sya. Pinagbuksan nya ako ng pinto ng sasakyan. Nang makapasok ako, pumasok na rin sya at agad na nagmaneho.
"Susunduin mo pa si Lee?",tanong ko.
Hindi sya nakapagsalita agad.
"No.",malamig na sagot nya.
Mukang may LQ yung dalawa ah. Di na nga ako magtatanong. Baka uminit pa ulo nito eh.
"Kuya Mark.",tawag ko.
Nilingon nya ako. "Kuya?"
Ahaha... Sarap asarin neto. Ayaw pa rin talaga na tinatawag syang kuya.
"Matanda ka na kasi.",natatawa kong sabi.
Nanlaki yung mga mata nya tapos nanalamin sya doon sa rearview mirror.
"Baby face kaya ako!",sabi nya.
Natawa naman ako sa kanya. "Baby face?"
"Maraming nabibihag 'to.",sabi nya sabay hawak pa sa baba nya.
"Talaga lang ah?",sabi ko.
Tumawa naman sya. Ayan. Masaya na sya. "Gonzales eh."
"Edi ikaw na nga.",sabi ko.
Tumawa ulit sya at nagpatuloy nalang sa pagmamaneho.
Pagdating namin sa simbahan, medyo marami na ring mga tao. Pero mabuti nalang ay may nakareserve na seat para sa tribo namin. Sa dami namin, apat na mahabang upuan ang sakop namin. At mabuti hindi pa nagsisimula ang misa.
BINABASA MO ANG
Mischievously in Love with a Gangster (Part 2:Changes)
Teen FictionPagkatapos ng aksidenteng nangyari kay Lena, ano na kaya ang susunod na mangyayari sa kanila ni Bryle? Magiging masaya na kaya sila? O lalo lamang gugulo ang buhay na nasimulan nila?