CHAPTER 53 💕
"Alis na ako Lena ah. May pagkain naman dyan, kain ka nalang kapag nagutom ka.",sabi ni Emilia na bihis na bihis na at handa na sa pagpasok.
Ayoko munang pumasok. Panigurado naman na wala rin ang isip ko sa pag-aaralan. Besides, ayoko muna talagang makita si Bryle. Pati na rin si Yulene na nakakasama ko sa practice.
"Sige Emilia. Salamat.",sabi ko.
Ngumiti lang sya at tumango.
"Babye.",sabi nya habang sinasara na yung pinto.
Tumango lang ako at bahagyang nagwave.
Wala akong ginawa sa bahay ni Emilia kundi manood ng t.v. Nang masawa, nagsketch nalang ako. Maya-maya nagbasa. Nang magutom, kumain ng kaunti. Tapos balik sa t.v. Inantok ako sa panonood, kaya, naisipan ko na munang matulog.
* * *
Allen's POV
Andito kaming lahat sa cafeteria. Naglalunch. Himala nga nagkasabay-sabay kami. Taena walang kagana-gana si Bryle. Hindi pa rin kasi namin nakikita si Lena. Kagabi pa. Wala na ngang tulog 'to dahil hanggang alas tres sya ng madaling araw nagpunta sa kung saan-saang lugar na maaring puntahan ni Lena. Nagbakasakali kami na papasok sya ngayon kaso, wala pa rin.
Kagabi nakatanggap kami ng isang text mula kay Lena. Laman ng text... I'm still alive. Taena halos magmura si Bry sa laman nung text. At kawawang cellphone naihagis pa.
Hindi pa nauubos yung pagkain, tumayo na kaagad si Bryle sa upuan.
"San ka?",tanong ni Drake.
"I'm going to find my fiancé.",sabi nya tapos naglakad na sya paalis.
Pare-parehas nalang kaming napabuntong-hininga.
"Nasan na kaya si Lena?" -Leeyah
"Grabe ano ba talaga kasing nangyari?!" -C.A.
"Si Yulene.",walang ganang sabi ni Bryle.
Si Yulene. Ang unang babaeng nagpatibok sa puso ni gangmaster.
→Flashback←
"Tangina hinding-hindi ko yun liligawan! Ang kapal naman nya!",inis na sigaw samin ni Bryle.
Paano si Yulene Delos Santos ng Grade 8, Section A, crush na crush 'tong si kumag. Maganda eh. Kaya nga nilapitan ni Bryle. Laro-laro lang naman. Dagdag paiyakin. Eh ang sabi sa kanya...
'Ligawan mo muna ako.'
Edi bwisit ang abot ni Bryle. Paano first time yan na may magrequest sa kanya ng ganyan. Kapag kasi tinanong ni Bryle ang babae na 'will you be my girlfriend?' Wala nang arte-arte. Sasagutin agad yan. Eh kaso iba 'tong Yulene na 'to eh. Daming request eh gusto rin naman.
"Woo! First time in the history may isang babaeng di nakuha si Bryle Esguerra!",asar ni Calvin.
"Hayop! Hindi ako manliligaw. Makikita nyo. Yun ang manliligaw sakin.",mayabang na sabi ni Bryle.
Ilang araw palang ang lumipas, tangina nagdilang anghel si kumag. Sya nga ang niligawan. Paano nainip ata si Yulene sa kaiintay kaya di na rin nakatiis. At si Bry na notorious na babaero, wala pang 12 hours, ginirlfriend na.
"Ano pustahan! Dalawang araw!" -ako
"Isa!" -Calvin
Tapos tumaya na rin yung iba. Araw yun kung hanggang kailan babae ni Bryle.
Makalipas ang dalawang araw...
"Break na kayo?!",excited kong tanong.
BINABASA MO ANG
Mischievously in Love with a Gangster (Part 2:Changes)
Teen FictionPagkatapos ng aksidenteng nangyari kay Lena, ano na kaya ang susunod na mangyayari sa kanila ni Bryle? Magiging masaya na kaya sila? O lalo lamang gugulo ang buhay na nasimulan nila?
