Chapter 76

75 3 0
                                    

CHAPTER 76 💕

Mabilis talagang lumilipas ang mga araw. At kita mo nga naman. Pasko na bukas. Yep. Bisperas na po ngayon. Nagbibihis na ako para sa party. All-red kami at ngayon, kasama ulit namin yung family nina Hubby. Nakared na off-shoulder blouse ako at white pants. Merry Christmas!

Nga pala. Nagpacheck-up si ate Mayton last week. At nalaman naming buntis sya! May isa na namang Gonzales na madadagdag samin!

Nang matapos ko nang ibraid yung mahaba kong buhok, nagpulbo lang ako at bumaba na. Kanina pa natapos sina Tanya. Ang bagal ko lang talaga.

Pagbaba ko, naabutan ko sina tita na ready na rin para sa party. Nakalatag na ang mga pagkain sa mahabang table ng mansion ni Lolo.

"O bunso. Ang ganda-ganda mo.",sabi ni tita Alexa habang hinahaplos-haplos yung buhok ko.

"Thank you po.",sabi ko lang.

Nagpunta na muna ako sa kusina lara uminom saglit ng tubig. Eh sa nauhaw ako eh. Pabalik na sana ako sa labas nang may bigla naman sumulpot sa harap ko.

"Merry Chtistmas my beautiful baby!",bati nito. Oo. Ni Bryle Esguerra.

"Merry Christmas too my handsome Hubby.",sabi ko at kiniss sya ng mabilis sa labi. Sa tingin palang nya, basang-basa ko na kasi eh.

Ngumiti sya at hinawakan na ako sa kamay at nilead palabas ng kusina.
Ilang saglit lang, nagsimula na rin yung party. Nagkwentuhan, kumain, nagregaluhan kami.

"Lolo?",hindi makapaniwala kong sabi habang tinitignan ang isa na namang susi. Pero hindi na sa kotse. Sa condo? O sa bahay? Basta sa kwarto!

"It's a key for your future penthouse Lena.",sabi ni Lolo.

"P-Pero hindi po ba masyado pang maaga?",tanong ko.

"I know apo. I just want to give it to you earlier. I am so excited to have you in our company.",sabi ni Lolo.

"Thank you po Lolo.",sabi ko at yumakap at kumiss sa kanya.

Nagpatuloy ang party hanggang sa abutin na kami ng madaling araw. Pero napag-usap-usapan naman nila na uuwi sila.

"Baby... Merry Christmas again.",sabi ni Hubby at iniabot sa akin yung isang payat at mahabang box. Paalis na sila kasi. Yung gift ko din di ko pa nabibigay.

Kinuha ko yung cute na color pink na box at binuksan yun. Bracelet. Silver ito. May maliliit na bato na nakapaligid doon. Parang nakabaon sya doon sa metal.

"Wow. Ang ganda." Tumungahay ako at tinignan sya. "Thank you."

Kinuha ko yun sa lagayan at tinangkang isuot sa kamay ko. Bakit parang ang laki?

"Baby no.",sabi ni Hubby at dahan-dahan iyong kinuha sakin. Tapos bigla syang lumuhod. Sunod ay naramdaman ko nalang yung malamig na metal sa paa ko. Tumayo sya at ngumiti sa akin. "It's an anklet."

"Anklet?",tanong ko.

"Uhuh. So in every step you take, you will know that I am always right with you.",sabi nya.

Tumungo ako at tinignan yung anklet na nakakabit na sa right na paa ko. Tapos tumunghay ako at tumingin ulit sa kanya.

"Thank you Hubby.",sabi ko. Tapos mula doon sa bulsa ng pants ko sa likod, kinuha ko naman yung regalo ko para sa kanya. Nakalagay din yun sa isang maliit na box. Earring. Kasi nasa akin yung kapares.

"What's this?",tanong nya habang kinukuha yun sakin. Ngumiti lang ako sa kanya. Dahan-dahan naman nya yung binuksan. Hikaw sya na silver.
"Earring.",sabi nya habang kinukuha yun doon sa lagayan. Lumapit ako sa kanya at itinaob yung kamay nya. Tapos sa palad nya, ipinakita ko yung nakaukit doon sa loob nung maliit na hikaw.

Mischievously in Love with a Gangster (Part 2:Changes)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon