Chapter 51

75 2 1
                                        

CHAPTER 51 💞

Pagdating ko sa school, diretso na agad ako sa klase ko. Nireport ko na yung powerpoint presentation ko, specially half made and fully edited by Bryle Esguerra. Ang galing ni Hubby! May mga effects pa yung paglilipat. Kaya ayun! I got an A!
Bawing-bawi! Napasa ko na rin yung math ko. Ayos talaga!

Ang practice ko naman kasama sina Harper today, five hours. Tatlo after my recess and two hours after lunch. Mahaba-haba din yun. Tapos mamayang hapon, cheering ulit. Hoo!

Sakto! 9:30 ang tapos ng last class ko bago ang practice ko. Aabangan ko muna si Hubby sa may parking!

Dali-dali ko nang inayos ang mga gamit ko at nagpunta sa may parking. Naupo na muna ako sa may gilid at nagbasa. Pero natigil ako nang may biglang magsalita.

"Look who's here."

Napatunghay ako at tinignan kung sino yun. Si Shev! Yah! Sabi ni Hubby lumayo daw ako sa kanya eh. Sa pakiramdam ko tama sya. Di 'to mapagkakatiwalaan! Dali-dali akong tumayo at paalis na sana pero hinawakan nya ako sa may pulsuhan..

"Woah. Woah. Wait up babe.",sabi nya.

"Let me go.",sabi ko habang nagpupumiglas sa hawak nya. Wag kang bumitaw makita mo! Gagamitin ko sayo yung technique ng pambubugbog na natutunan ko kay Hubby!

"Ang sungit mo naman.",sabi nya at binitawan na ako. "You know, maganda ka, kaso napakailap mo. But Bryle looks really serious about you,."

Alam ko!

Hindi ako nagsalita.

"Kaya mas lalo akong ginaganahang painitin ang ulo nun eh.",nakangisi nyang sabi.

"What do you want from him?",mariin kong tanong.

"Wala naman.",sabi nya.

Tinitigan ko sya at pinanliitan ng mata.

Ha! Alam ko na!

"You're a gangster.",sabi ko.

"Woah! So alam mo pala ang tungkol dun? Wait. Wait. Wait. Were you that Bryle's babe na pinag-uusapan sa buong gang society na nadamay sa katangahan nina Ryder?",mangha nyang sabi.

Hindi ulit ako nagsalita.

"Ikaw nga! Oh. How tragic. Pero maganda ang lovestory nyo ah. Nagustuhan ko.",sabi nya.

"Argh!",nakairap kong sabi at tatalikod na sana kaso pinigilan na naman nya ako sa may pulsuhan.

"Wait! May itatanong lang ako.",sabi nya.

"30 seconds Mister.",mariin ko ulit na sabi. Naiinis na talaga ako sa kanya. Anong paiinitin nya ang ulo ni Hubby?!

"Ang bilis na---"

"One."

"Okay,okay!",sabi nya. "Well, gusto ko lang malaman kung bakit hindi na umaaccept ng war ang Trexzon. Ano bang pinagkakaabalahan nila masyado ha?"

Hindi ulit ako nagsalita.

"'Cause you see, Trexzon isn't officially out of the gang society. At hanggang ngayon after their two damn years na walang war, hawak pa rin nila ang title as the most powerful gang of all.",sabi nya.

"What? At paano naman nangyari yun?"

"Oh dear babe. Hindi mo alam kung gaano kalakas ang grupo ng boyfriend mo. They're fucking monster-like yah know. 22 major and 26 small gangs broken. Geez.",parang kinikilabutan pa nyang sabi.

"Hindi ko alam.",sabi ko lang.

Kaya naman pala kinatatakutan talaga si Hubby.

"Bakit ba ayaw mo pang sabihin?",sabi nya.

Mischievously in Love with a Gangster (Part 2:Changes)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon