Chapter 57

71 2 2
                                    

CHAPTER 57 💞

"Hey! Stop that looks Wifey!",maarteng sabi ni Hubby.

Nakaupo kami ngayon sa sofa sa bahay nina tita Alexa. Dito kasi yung venue ng gown fitting namin. Tsaka barong na din sa boys. Yep. Not tuxedo. Gusto kasi ni ate Mayton, Filipino tradition ang kasal. Pero si kuya Xander, naka tuxedo naman. Para daw sya lang ang naiiba. Sya lang daw ang pogi. Psh. Balik tayo sa maarte kong fiancé. Pinagtitripan ko na naman kasi sya. Ang cute nya kasi. Haha... Sinusubukan ko ulit syang hamunin sa eye contact battle. Kaso kapag napapansin nyang doon yun mapupunta, sumisimangot sya at nag-iiwas ng tingin. O kaya naman sasawayin ako. Tulad ngayon.

"Lena ano bang ginagawa mo kay Bry? Ang layo-layo mo inaangalan ka.",sabi ni Tanya.

Nasa kabilang sofa kasi ako. Katapat nung inuupuan ni Hubby.

Napangisi naman ako bigla.

"Pinapainlove ko.",sagot ko.

Nginiwian ako ni Tanya. Tumawa naman sina Mark.

"Hindi pa ba yan inlove sayo sa lagay na yan?",natatawang sabi ni Lance.

Galing managalog noh? Nag-aral pala kasi sya ng Filipino nun nung tulog pa ako. Kumuha sya ng personal tutor. Nagulat na nga lang rin ako para na talaga syang Filipino magsalita.

"Ewan.",kibit balikat kong sabi.

Si Hubby napapout.

"Binabaliw mo ako.",sabi nya.

Lalo akong natawa at nagsimula na naman syang titigan.

"Wifey!",saway nya.

Natawa na naman ako ng malakas. Haha... Laughtrip si Hubby.

"Ayoko na nga.",sabi ko habang nagpapakalma ng tawa.

"Ayaw mo na alin?",tanong ni Pia.

"Haha... Wala.",sabi ko lang. "Loser!",sigaw ko kay Hubby sabay taas ng naka-L sign kong daliri.

"Ano ba yun? Kayong dalawa napakaweird nyo din minsan eh.",sabi ni kuya Xander na katatapos lang sukatan.

"Chéri ikaw na!",tawag ni ate Dayne kay Jason. Isa kasi si ate Dayne sa mga magdedesign nung gowns. Isa rin sa nagsusukat. Tumayo na si Jason at nagpunta doon sa kwarto kung saan ginagawa ang pagsusukat.

"Kasi kuya pogi. Si Bry, ano---",naputol ang sasabihin ko nang bigla akong dambahan ni Ashton sa binti. "Ash!",masayang-masaya kong sigaw at agad syang binuhat at iniupo sa lap ko.

"Kamuka mo talaga Len.",sabi ni Mark.

"Malamang. Pamangkin ko eh. Ai wait. Kuya Xander pakinggan mo 'to... Ash, sino ako?"

"T-Tit-Tita... Lena!",sabi nya.

Tumawa si kuya Xander. Pumalakpak naman kami ni Ashton. Pati din yung iba.

"Eto pa. Eto pa.",sabi ko. "Ashton, let's sing ABC.",sabi ko.

"Lena two years old palang yan!",sabi ni C.A.

"Kaya nya!",singhal ko. "Sige Ashton. A...B...C..." Tapos sinundan na nya ako. May mga pagkakataon na nakakalimutan nya. Pero kapag sinabayan mo sya, makakaya nya.

"...won't you sing with...me!",sabi ni Ashton sabay taas pa ng dalawang kamay. Todo palakpak naman ako. Lalo na si kuya Xander na proud na proud sa baby boy nya. Binuhat nya yun at kiniss.

"Ang galing-galing ng baby ko.",sabi ni kuya Xander habang kinikiss si Ashton. "Okay Lena ah. Galing mo magturo!",sabi ni kuya Xander sabay gulo sa buhok ko.

Mischievously in Love with a Gangster (Part 2:Changes)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon