Chapter 38

67 1 1
                                        

CHAPTER 38 💞

Isang linggo na ang nakakalipas nang malaman ni Brylen ang katotohanan tungkol sa pagkatao nya. All effort si daddy Mike sa pag-aalaga kay Brylen. Kaso si Brylen, malamig pa rin sa kanila. Ako pa rin mommy nya. Tapos si Bry si daddy. Pansin ko nga na gustong-gusto na nyang marinig yung salitang kuya mula kay Brylen eh. Maya't maya ba namang kulitin. Di naman sya pinapansin. Si ate Cecil,pumayag naman sya na kunin na nina daddy Mike si Brylen. Oo halatang nalulungkot sya. Pero sabi nya wala naman na daw syang magagawa. Family ni Brylen eh. At masaya naman daw sya na nahanap na ni Brylen ang tunay nyang pamilya. Paalis na nga pala sila. Pinetisyon na sya ng asawa nya sa Canada. Bale doon na sila titira. Kasama pala dapat si Brylen. Pero hindi na. Sa amin na sya eh.

"The pyramid!",sigaw ng choreographer namin.

"Tara Lena.",sabi ni Emilia.

Tumango ako at bahagyang tumalon para makuha nung mga lifters yung paa ko. Tapos pinatong kami sa taas ng pyramid.

"Now throw!"

Ayun tapos hinagis kami sa ere. Sarap!

"Hoo! Nakakapagod.",sabi ni Emilia nang matapos na ang practice.

"Oo nga eh.",sabi ko naman.

Tanggap na ni Emilia yung totoong nangyari sa ate nya. She has to take it. Kasi yun ang totoo eh. She will only be free to accept the reality.

Hindi na nanonood si Hubby nang practice. Ewan ko ba kung bakit. Andoon nalang sya sa labas ng gymnasium.Paglabas namin nakita ko sya sa may bench. Nakaupo tapos busy sa cellphone. Naglalaro nung usong laro ngayon. Yung ano...Clash of...Clans? Basta. Yun ata yun.

"Hubby.",tawag ko.

"Huh?",tanong nya habang tutok na tutok pa rin sa cellphone nya.

"Tara na po." -ako

"Oh yeah.",sabi nya sabay tago na agad nung phone nya at tayo.

"Ui matatalo ka.",sabi ko.

"So?Panalo naman ako sayo.",sabi nya.

Napaiwas ako ng tingin. Narinig ko pa yung mahinang tawa ni Emilia. Okay. I blushed.

"Halika na.",sabi nya at hinawakan na ako sa kamay. "Oh.Emilia you want to see Brylen at home?"

"Uhm..Hindi na. Baka sa susunod na araw.",sabi nya.

"Okay.",sabi ni Hubby. Tapos naglakad na kami papunta sa kotse.

Hinatid na nya ako sa bahay namin. Umuwi na rin sya kaagad. Ako naman dumiretso na sa kwarto ko para makapagpalit. Sakit ng katawan ko katatambling. Nahiga nalang ako sa kama. Aruy! Sakit ng likod ko. Makatulog na muna. Baka maalis na rin yung sakit nito paggising ko.

--------

"Mommy..."

Napamulat ako ng mata at naabutan si Brylen na nakaupo sa tabi ng kama ko. Tapos si Hubby na nakatayo.

"Hello.",nakangiti kong sabi.

Bumangon ako. Dahan-dahan. Aba masakit ang likod at mga muscles ko. Nakakapangiwi. Napansin ko namang kumunot ang noo ni Bry. Tapos naupo dya sa tabi ko sa kama.

"Aww..",react ko nang bahagya nyang pisilin yung braso ko.

Lalong kumunot ang noo nya.

"Muscle cramps.",sabi nya. Tapos kinuha nya yung phone nya at nagpipindot. May tinatawagan ata.

"Sinong tinatawagan mo?" -ako

"Mrs. Aguila's agency."

Mrs.Aguila. Ah yung therapist.

Mischievously in Love with a Gangster (Part 2:Changes)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon