CHAPTER 49 💞
Naalimpungatan ako nang makaramdam ako nang medyo mabigat na bagay na nakapatong sa tyan ko. Pagmulat ko, braso! Nang lingunin ko yung katabi ko, si Hubby. Teka paanong! At bakit sya nandito? Tulog na tulog pa sya. Lumapit ako para amuyin sya. Hindi naman sya amoy alak. Ang bango nga eh. Pero, anong ginagawa nya dito sa ganito kaagaang oras?
Napatingin ako sa mga mata nya. Jusme. Yung mga pilik mata nya sobrang kapal. Halos umabot na rin ang mga iyon sa kalahati ng kalahati ng pisngi nya. Yung ilong nya, grabe ang perfect. Ang tangos-tangos. Nahiya naman yung ilong ko. Pero hindi naman ako pango ah! Sabi naman ng nga tita ko matangos daw. Katulad kay Inay. Yung labi nya. Juice colored. Hindi pa rin ako makapaniwala na halos araw-araw ng buhay ko, dumadapo yun sa kung saan-saang parte ng muka ko. At kung minsan pa, sa mismong mga labi ko. Oh my goodness.
Napatigil ako sa pagdedaydream ko nang dahan-dahan syang gumalaw at magmulat ng mata."Good morning prinsipe ko.",nakangiti kong bati sa kanya. Nakatuon yung siko ko sa kama tapos yung sentido ko nasa palad ko.
Ngumiti sya sakin.
"Good morning.",pupungas-pungas pa nyang sabi at tumagilid din sya at mas lalong hinigpitan yung yakap sa may bewang ko.
"Bakit nga pala ang aga mo? Diba galing ka sa De Miranda kagabi?",tanong ko.
Tumunghay sya at tinignan ako.
"Uhuh. Umuwi naman ako samin. But I know you want to go to church today so I prepared myself early to go here. Kaso inantok pa ako eh. Hangover I guess. But I'm fine.",sabi nya.
Gumising sya ng maaga para lang pumunta dito kasi gusto kong magsimba? Aw... Hubby...
"Are you sure? You can stay here if you want. Magpapasama nalang ako kay Nay Ising.",sabi ko.
"I want to go, because that is important to you. I'm sure, I'm fine."
Bakit ganito nalang sya kasupportive sa lahat ng mga gusto ko ha? Ako ang iniispoil nya eh. Idinikit ko yung tungki ng ilong ko sa tungki ng ilong nya. Then smiled at him.
"Ikaw na. Ikaw na talaga ang pinakasupportive na fiancé sa buoooong mundo.",sabi ko.
Ngumiti sya ng pagkatamis-tamis. Para akong matutunaw.
"For Selena Bartolome I will never doubt and will never stop to be. Kasi mahal na mahal ko yun.",sabi nya.
Grabe melting na ako ngayon! Wahhh!!! Ikaw ba naman sabihan nun? Hinawi ko yung mga buhok nya na nasa may bandang mata at ngumiti.
"Mahal na mahaaaal din kita Bryle Esguerra. Kahit ang daming beses ko nang nasabi."
"Hindi ako masasawang pakinggan yan.",sabi nya.
"I love you."
"Mas I love you. Wag ka nang kumontra.",sabi nya. Natawa nalang ako.
"Pwede na ba akong bumangon ha Mr. Esguerra?",tanong ko. Paano yung braso nya nakapulupot pa sa bewang ko.
Bahagya syang tumawa at niluwagan na yung yakap sakin. "Of course my future Mrs. Esguerra."
Bahagya ko nalang rin syang tinawanan at bumangon na ako doon sa kama. Tumayo na rin sya.
"I'll be downstairs.",sabi nya.
Tumango lang ako. Pagkatapos ay naglakad na sya palabas ng kwarto.
Pumasok na ako sa c.r. ko at naligo. Hindi ko maiwasang mapangiti sa effort ni Hubby. Akala ko kasi malalasing talaga sya. Tapos hindi na nya ako masasamahan sa pagsisimba. Pero kita mo nga naman. Andun na sya sa baba hinihintay ako. Paglabas ko ng c.r,kumuha na ako ng damit na isusuot. Sunday dress na color gray na hanggang elbow ang sleeves. Diretso sya hanggang middle thigh, walang umbok. Tapos white sneakers nalang. Binraid ko yung buhok ko. Tapos nagpulbo at bumaba na.
BINABASA MO ANG
Mischievously in Love with a Gangster (Part 2:Changes)
Fiksi RemajaPagkatapos ng aksidenteng nangyari kay Lena, ano na kaya ang susunod na mangyayari sa kanila ni Bryle? Magiging masaya na kaya sila? O lalo lamang gugulo ang buhay na nasimulan nila?