Chapter 81

51 3 0
                                    

CHAPTER 81 💕

Sinundan ko si Bryle doon sa kusina. Andoon sya, umiinom ng tubig. Lumapit ako sa kanya at niyakap sya mula sa bewang.

"Alam mo Hubby, kung gusto mo talaga nyang outfit mo, okay lang sakin. Gwapo ka pa rin naman dyan.",sabi ko.

Tinanggal nya yung mga braso ko sa bewang nya at inilipat sa leeg nya nung humarap sya sakin. Hinawakan naman nya ako sa magkabilang bahagi ng bewang.

"Thanks baby.",sabi nya. Ngumiti lang ako.

Napabuntong-hininga ako at tuluyan na syang niyakap.

"Tatlong araw lang pero pakiramdam ko buwan na. Nakakainis.",sabi ko.

Narinig ko naman syang nagchuckle. Aw... Sa wakas!

"Same here.",sabi nya at niyakap din ako.

"I feel tired.",sabi ko.

"Go on. Earn your energy.",sabi nya.

Napangiti ako at nanatili pang sa yakap nya sa loob ng ilang minuto. My human energy source.

"Baby...",tawag ni Hubby habang yakap pa rin ako.

"Hmm?"

"I love you.",bulong nya.

"I love you too.",sagot ko.

Ilang saglit lang kumalas na rin ako sa kanya. "Thank you.",sabi ko.

"Everything for you.",sabi nya at kiniss ako sa noo.

"Tara sa sala. Kainin na natin yung cake dun!",sabi ko at hinila na sya palabas ng kusina.

Pagdating namin dun...

"Oh! Hi kuya! Hi ate! This chocolate cake is so delicious!",sabi ni Brylen na nakalupagi doon sa carpet at kayat-kayat pa ang bibig habang nilalantakan yung cake doon sa center table.

Hindi namin napigilang mapatawa ni Hubby. Naupo kami sa magkabilang side nya.

"Penge naman kami.",biro ko.

"Here.",sabi nya at itinulak sakin yung isa nalang doon sa apat na slice. Tapos bumaling sya kay Hubby. "Share nalang tayo kuya.",sabi nya.

Ngumiti si Hubby at kumuha din ng tinidor. Tapos nagshare sila doon sa cake.

~*~

Asan na si Tatay Elmer? Bumusina si Hubby pero wala pa ring nagbukas nung gate.

"Baka naghahapunan.",sabi ko.

Bumaba ai Hubby at sya na ang nagbukas nung gate. Tapos ay bumaik na sa sasakyan.
Ipinasok na ni Hubby yung sasakyan sa garahe. Bumaba sya at pinagbuksan ako ng pinto ng sasakyan. Agad naman akong bumaba.

"Hindi ka ba papasok sa loob? Andito si Lolo.",sabi ko nang makarating na kami sa bahay. Hinatid nya ako. Kotse ko yung gamit nya.

"No, thank you. May kailangan pa akong asikasuhin sa bahay. Pakikumusta nalang ako.",sabi nya.

"Sige. Ingat ka sa pag-uwi.",sabi ko.

Ngumiti sya at tumango.

"Bye.",sabi ko at naglakad na papunta sa may main door. Papasok na sana ako nang...

"Baby.",tawag nya.

Lumingon ako sa kanya. Naglakad sya palapit sakin at bigla nalang akong hinalikan. Medyo nabigla pa ako. But I admit. I miss this too. Hindi ko na rin sya natiis at gumanti ako ng halik. Nasa bewang nya yung isa kong kamay. Pero nagulat ako sa bigla nyang pagkalas. Pati na rin sa pagsinghap nya.

Mischievously in Love with a Gangster (Part 2:Changes)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon